Chapter 9

1 0 0
                                    

10pm na ng gabi at nagsiuwian na ang mga kaklase ko. Ako, si Aira, si Ms. Risse at si Manang nalang ang natitira dito sa loob ng bahay. Umuwi na agad si Manang dahi walang nagbabantay ng tindahan kaya agad na lamang sya umalis. Kaming tatlo nalang ni Ms. Risse ang natira kaya naglinis muna kaming dalawa ni Aira ng mga kalat at mga pinagkainan nila.

Ms. Risse: Jonathan, uuwi na din ako at baka hinihinay na ako ng kuya ko sa bahay.

Jonathan: Sige po miss, maraming salamat sa sorpresa nyo sa akin. Pati ako nabigla sa mga ginawang plano nyo.

Ms. Risse: Basta ba di ka na aabsent ng ilang araw at syempre yung sinabi ko sa iyo kahapon ah sabihan mo lang ako.

Jonathan: Opo miss.

Ms. Risse: *lumingon kay Aira* Aira ikaw na bahala dito ah umwi ka na rin sa inyo.

Aira: Mamaya pa po ako makakauwi miss nagpaalam naman ako sa mga magulang ko eh.

Ms. Risse: Ganun ba, basta yung sinabi ko sa iyo kanina kung ako sa iyo umamin ka na ah sige ka ikaw rin.

Aira: *bumulong* Miss naman baka marinig nya eh.

Ms. Risse: HAHAHA hindi yan di nga lumingon dito eh *ngiti nya*

Jonathan: Ang alin po miss?

Ms. Risse: Tignan mo ito si Jonathan napaka chismosa. *biro nya*

Jonathan: Sorry po miss Hehehe.

Ms. Risse: Sige na aalis na ako at baka hinihintay na ako ng kuya ko eh. Matulog kayo ng maaga para di kayo malate sa pagpasok lalong lalo ka na Jonathan.

Jonathan: Yes po miss.

Lumabas na ng bahay at sumakay ng tricycle si Ms. Risse. Kaming dalawa nalang ni Aira dito sa bahay. Nakapaglinis at nakapaghugas ng mga pinagkainan namin kaya agad kaming nagpahinga sa may salas.

Jonathan: Aira, baka hinahanap ka ng mga magulang mo at 11pm na.

Aira: Hindi yan nakapagpaalam na ako na late na uwi ko mamaya tsaka pinapalayas mo na ba ako eh gusto ko pang makasama ang bestfriend ko.

Jonathan: Hindi naman sa ganun pero kilala ko tita mo pag nagalit lalo na si tito na strikto. Magagalit sakin mga iyon pag di ka pa nakauwi.

Aira: Hindi yan tsaka alam nila na nandito ako sa bahay mo di yun magagalit.

Jonathan: Ok Sinai mo eh. Maiba ako, ang sabi mo kanina may paguusapan tayo.

Aira: Ah yun ba. *nag isip* Kaso nagbago na pala isip ko wag na pala *ngiti nya*

Jonathan: Sige na sabihin mo na kug ano man ang sasabihin mo.

Aira: Sige sandali lang ah.

Tumayo naman si Aira para isarado ang kurtina at kinandado nya rin ang harapan ng pintuan.

Jonathan: Teka Aira, bat mo naman kinandado ang pintuan? Diba uwi ka pa naman?

Aira: Mamaya pa naman eh. Gusto ko sana magusap tayo sa itaas in private.

Jonathan: Naka in private naman tayo ah at tsaka tayong dalawa lang ang nandito at wala nang iba.

Aira: Yung mga kapitahay dyan baka may makarinig sa atin kaya doon na lamang tayo sa itaas.

Jonathan: Sige na nga.

Sabay kaming umakyat sa itaas at dumeretso sa kwarto ko. Umupo kami sa kama ko at sinimulan ang paguusap naming dalawa. Ngunit pakiramdam ko ay kinakabahan ako kasi ano pa ba ang kasunod nito (tulad ng kami lang dalawa sa itaas at pareho kaming nasa kama, siguro naman alam nyo na ang susunod na mangyayari) kaya ako kinakabahan.

Jonathan: Nandito na tayo sa itaas, ano ba ang paguusapan natin?

Aira: Diba nasabi ko na sa iyo na maya maya pa ako aalis dahil nakapagpaalam ako. May dahilan pa kung bakit gusto ko pang mag stay sa iyo.

Jonathan: Anong dahilan naman iyon?

Aira: Nagpaalam ako sa kanila dahil pupunta ako sa inyo at syempre agad yun papaya pero kasabay nun ay aalis din sila papunta sa ibang bansa. So kung pede sanang matulog sa iyo since pumayag naman sila na mag stay ako sa inyo.

Jonathan: (Eh?! Seryoso dito sa matutulog) Dito ka matutulog sa bahay ko?

Aira: *tumango*

Jonathan: Kaso iisa lang ang kwarto ko. Kung gusto mo sa may salas nalang ako at dito ka na lamang sa kwarto ko.

Aira: *umiling* Ayoko, gusto ko katabi kita.

Jonathan: Bakit naman? Malikot akong matulog baka di ka lang makatulog nang dahil sa akin.

Aira: Owss di naman eh. Nung katabi kita kanina di ka naman magalaw matulog, eh ang sarap mon gang katabi para ka lang unan dyan.

Jonathan: (Ako parang unan? Grabe ka naman sa akin) Eh humihilik din ako sa pagtulog baka di ka makatulog dahil sa kaingayan ko.

Aira: Ay sus magpapalusot ka na lamang hindi ka pa marunong.

Jonathan: *humiga* Sige na nga tutal isang gabi ka lang naman matutulog eh.

Aira: *humiga sa may kanang braso ni Jonathan* Yehey salamat.

Jonathan: (Di na yata makakagalaw ang kanang kamay ko ah) *ngiti ko*

Aira: May ibubulong ako sa iyo *sabay yakap sa kanya*

Jonathan: *blush* Ano naman iyon?

Aira: Yakapin mo muna ako, namumula na ulit yung mukha mo eh *ngiting cute*

Jonathan: Huh? Hindi ah di ako namumula.

Aira: Yiee nakyukyutan ka nanaman sa akin noh?

Jonathan: *nauutal* Hi-hindi kaya.

Aira: Sige na hugback lang naman oh niyayakap nga kita eh.

Jonathan: *niyakap gamit ang kanang braso ko papunta sa akin at ngumiti*

Aira: Hihi namiss ko ito.

Jonathan: Ang alin?

Aira: Yung yakap mo. Matagal ko nang hinihintay na mayakap mo ako muli.

Jonathan: Oh ayan magsawa ka sa mga yakap ko. *biro ko*

Aira: Hehe namumula nanaman yang mukha mo. Siguro ang kyut ko talaga noh.

Jonathan: (Totoo naman talaga eh) Sige na kyut na kung kyut na bestfriend. Ngayon ibulong mo na sa akin ang gusto mong sabihin.

Aira: *bumulong* Naalala ko lang na tatlong araw nga pala sila sa ibang bansa bago sila bumalik dito sa Pilipinas.

Jonathan: (Hala?! 3 days kaming magkatabi) Tuwang-tuwa ka na nyan?

Aira: Oo naman ako pa ba eh eto na nga ang pambawi ko sa iyo yung tatlong araw na tayong magkasama. *ngiti nya*

Jonathan: *kinakabahan* (Bat ba ako kakabahan eh bestfriend ko lang naman ito)

Aira: *hinawakan ang dibdib ni Jonathan habang magkaakap*Jonathan, bat ang bilis ng tibok ng puso mo?

Jonathan: *lalong kinabahan* Ano kasi umm... Ewan ko kagagawan mo kasi eh kaya ayan ang bilis.

Happy BirthdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon