Mafia 10

509 14 0
                                    

Chapter 10

Sebastian's POV

Pinapatawag ako ni Boss. Ngayon daw ang training nila Ms. Persphone.

Nandito kami ngayon sa training room 1 ng mga Strauss. Wala ngayon si Stanflix at Euginie. Ako, si Louise at yung dalawang alalay ni Ms. Amelia, si Heartel at Hemmerich and as usual, the newbie, Alois is nowhere to be found.

Bang. Bang. Bang. Hindi ko napansin nagsimula nap ala. Tatlong putok galing sa baril na hawak ni Ms. Amelia. "Ang galing naman ni Ms. Amelia. Tatlong putok agad ang napakawalan nya!" ani Louise.

Lumapit ang isang tauhan sa harap at tinignan kung saan tumama ang bala, "Wala hong tumama." Anunsyo nya, "Aw. Sayang naman." -Louise.

Nakita kong lumapit si Ms. Persephone at nagpalit sila nang pwesto ni Ms. Amelia. Nagtetraining sya pero may nakatakip na panyo sa bibig at nakasuot ng bonnet. Ang init init nakaganyan, ano ba kasing tinatago nya?

Pinasadahan ko nang tingin ang ayos ng katawan nya. Maling mali! Dapat dalawang kamay ang nakahawak sa baril para sa lakas at magkahiwalay ang dalawang paa para sa balanse. Magkalayo ang paa nya pero nakabaluktot yung isa at halatang bored na bored sya sa tayo nya at isang kamay lang nakahawak sa baril samantalang yung isang kamay nasa bewang. Mali yan! Baka pagbaril ni ms. Persephone mapaatras sya at matumba. Naku! "Kuya Shan, yung pwesto ni ms. Persephone. Mali." Puna ni Louise.

"Ms. Persepho-" Bang. Bang. Bang. Natigil ako nang makarinig ako ng tatlong sunod sunod na putok. Tinignan ko kung nakatayo pa ba si ms. Persephone at ang bangis pare! Walang pinagbago tayo at pwesto nya!

"Nice job. Dalawang bala sa second line at tatlong bala sa bullseye. You're amazing!" anunsyo noong tauhan. "Shet" Walastik! Ang galing! Pero lima? Limang bala!? Tatlo lang narinig ko! "Sugoiiiii! Ang galing! May skill si Ms. Persephone! Sa sobrang bilis nya kumalabit nang gatilyo hindi nakasunod yung tunog!" manghang sabi ni Louise.

"Ang galing mo Ella!" payakap na tumakbo si Ms. Amelia sa kapatid pero bakit Ella tawag nya?

"Tch." Boss hissed. One point na yun kay Ms. Persephone. "Way to go Sweetie." Nakangiting sambit ni Mrs. Strauss. Pabulong yun ngunit narinig ko.

Umalis si Boss nang walang ano ano. Lumapit naman si Mrs. Stauss sa dalawang anak.

Lumabas ako at sumunod naman sakin si Louise.

"Ang galing naman ni Ms. Persephone. Beginner palang pero ganun na agad. Nakakainggit naman." Sabi ni Louise nang nakasimangot.

"Oh, bakit ka nakasimangot?" tanong ko, Si Louise kasi ang bunso sa amin nina Stanflix. Kung pagsusunod-sunurin mo, ako, Gen, Stanflix tapos sya. Napalapit narin ako sa kanya dahil nung kasisismula nya pa lang, lagi syang humihingi ng tulong sakin. Sakanya ko rin ibinabaling ang pagmamahal ko sa namatay kong kapatid. Pareho kasi silang nakasalamin.

"Naiinggit lang ako Kuya Shan, beginner palang kasi si Ms. Persephone ang galing na agad. Ako magwawalong buwan hirap parin." Paliwanag nya habang pinagdidikit ang dalang hintuturo.

"Hey, don't be like that. Hindi porket hindi ka gaanong magaling humawak nang baril, matalino ka naman. You know very well your role in the mafia Louise. And don't think I don't know your secret." Dire-diretso kong sabi.

"Kuya Shan!" bulyaw nya. Hay nako, napakabait mo kasi e, ang ingay mo lang. "Lay down your voice Young Lady. Alam mong bawal mag-ingay dito." Suway ko.

"G-gomen. Wag na kasi natin pagusapan yan kuya." Sabi nya at puppy eyes. Gah! I can't resist her! "Aish, oo na. Oo na. Tara, magbreakfast tayo at para makapagtraining narin." Nginitian nya ako at tumango. Hay nako Louise.

Mafia Boss behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon