Chapter 3
Sebastian’s PoV
Nandito kami ngayon sa kotse nina Lady Strauss. Saan kami pupunta? Hindi ko alam.
“Ahm, Lady Strauss. Saan po tayo pupunta?” tanong ko.
“Sa isang café kung saan ako laging nakatambay. Oo nga pala, nagbago isip ko. Wag nyo na ako tawaging Lady Strauss, nakakakilabot. Kahit ano nalang.” Sabi ni Lady Strauss nang nakangiti.
“Wow! Ang ganda mo po Lady Strauss pag nakangiti!” sabi ni Louise.
“Hahaha, kelan naging maganda ang babaeng nakamaskara?” ngi-ngiti ngiti namang sabi ni Miss Persephone.
“Ahm, ngayon po! Hihihi! Feel ko po ang ganda nyo.” Tuwang- tuwang sabi ni Louise.
“Hahahaha, ewan ko sayo.” Sabi ni Miss Strauss at ginulo ang buhok ni Louise.
“Ahm, Miss Persephone, bakit ka nakamaskara?” tanong ni Gen, Eugenie.
“May tinatago ka po ba?” Si Cyn naman ngayon. Cynfael.
“Hahahaha! Oo meron akong tinatago. Pag tumagal-tagal makikilala nyo din ako.” –Miss Persephone.
“Oh nandito na tayo, sandali lang ah? Tawagin ko na lang kayo.” Bumaba na si Miss Persephone.
KATAHIMIKAN.
“NAGUGUTOM NA AKO.” –Stanflix
“Tss. Bakit dito? Hindi ko naman siya dito napapansin.” Tanong ni Gen sa sarili. Nababaliw na ata to e.
Hinawakan ko balikat nya at… nanginginig sya tinabig nya kamay ko “Ano ba!?” bulyaw nya sakin. Napatingin naman samin sila Louise at Stanflix.
“Bakit po Ate Gen?” –Louise.
“S-sorry. Mejo kinabahan lang ako.” –Gen
“Bakit?” –Stanflix
“Jan kasi ako nagtatrabaho.” Sabay turo ni Gen doon sa café.
“Oh ano naman? Bakit kinakabahan ka?” –Stanflix
“Nakapagpaalam ka naman diba?” tanong ko.
“Oo, iniisip ko lang. Sabi kasi ni Miss Persephone jan siya laging nakatambay. Eh kahit once hindi ko naman siya nakita doon.” –Gen
BINABASA MO ANG
Mafia Boss behind the Mask
Любовные романыLumaki akong magisa, bagama't buo ang aking pamilya ay pakiramdam ko hindi ako bilang sa kanila. Nakapagtapos ako at nagkasariling negosyo. Kuntento na ako dun, hanggang sa nagbago ang lahat nang dahil lang sa . . . . . . . . . . . . . . . MAFIA