Mafia 11

481 12 0
                                    

 Euginie’s POV

Nandito lang ako sa bahay. Hindi naman ako kailangan sa mafia nor sa café. Napagisip isip kong lumabas. Daan lang ako sandali sa café. Sumakay ako sa kotse ko at sinadya kong daanan ang mansion ng mga Strauss. Hayahay akong nagddrive nang makita ko si Luke Alois na palabas at may dalang suitcase. Sinundan ko ng tingin kung saan sya papunta at pumasok sya sa itim na kotse na may kalayuan. Kinutuban ako nang masama kaya sinundan ko sya, yung kotseng sinakyan nya.

Nasa singkwenta minuto ko na syang sinusundan nang mapagtanto kong napalayo na ako sa pupuntahan ko, hindi ako napalagay. Malayong malayo na ako dahil nadaanan ko na ang dalawang pang city kasusunod sa Alois na ito.

Balak ko na sanang bumalik dahil nakaramdam ako ng gutom nang huminto ang kotse nya sa isang subdivision. Dahil sa makulit at may pakachismosa ako e sinundan ko naman, hindi naman ako tinanong noong guard kung sino ako kaya nagdirediretso ako. Infairness, ang tanga nang sinusundan ko, hindi nya alam na sinusundan ko sya.

Huminto si Alois sa isang sobrang laking bahay, rather mansion. Kasing laki na ito ng mansion ng mga Strauss. Tumingin ako sa paligid at nagmasid. Itong bahay- mansion na ito ay medyo malayo sa ibang bahay at wala itong katabing bahay at may gate ito.

Pinasok ni Alois ang kotse sa gate, wala akong balak na pumasok pero lumapit ako at kinabisa ang itsura ng bahay. Balak ko rin sanang kunan ng litrato ng may kumatok sa windshield ko.

*tok tok tok*

“U-uh h-hello?” kinakabahan kong tanong sa lalaking nakadungaw sa bintana ng kotse ko. Nakatingin lang sya sa mata ko.

“Sino ka? At bakit nandito ka?” diretso nyang tanong.

“Uuh-“ tumingin ako sa paligid at natakot na ako ng may lumabas na mga lalaki sa mansion na may dalang baril. Shet darling. Ano tong pinasok ko? “Balak ko kasing b-bumili ng b-bahay at n-nakita k-ko itong b-bahay na i-to. A-ang laki k-kasi.” Medyo nanginginig kong sagot.

“Ang boss naming ang may-ari nang buong subdivision na ito at wala nang available na bahay dito. Hindi mo ba nakita ng sign doon?” turo nya sa may bandang likuran ko at ngayon ko lang napansin na may sign nga roon.

“H-hindi e. P-pasensya na. A-alis na a-ako.” Liliko na ako nang may marinig akong putok nang baril. Shete! Dapat malaman to ni Boss!

Tinignan ko yung nagpaputok nang baril at nagulat ako nang nakatutok ang baril ni Alois sa akin. Luh? Bakit? Strauss sya diba? Bakit sya nakatutok sa akin?!

“L-luke.” Bigkas ko sa pangalan nya at binaril ang kotse ko. Damn! Yung side mirror ko!

“Ipasok nyo yan. Spy yan. Kanina pa ako sinusundan nyan.” Utos nya at pumasok sa mansion.

Binuksan nila ang pinto ng kotse ko at hinatak ako palabas.

Mafia Boss behind the MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon