Puting kisame, putting dingding, puti ang buong paligid ko. Punyeta nasan ako? “Gising ka na pala Ella, kamusta na pakiramdam mo?” Si ate. Napabalikwas ako nang tayo. Si Darius! Asan si Darius!? “Uy Ella! May masakit ba sayo?” Tinignan ko lang si ate at tumakbo palabas.
Pumunta ako nang Nurse Station at nagtanong, “Excuse me, miss. Nasaan ang kwarto ni Darius Deluzia?” tinignan ako noong nurse at tumingin sa listahan. “Room 308 po ma’am.” Narinig ko sigaw ni ate, “Cornelia! Saan ka pupunta?” tumakbo na ako sa Room 308.
Ayun! Lalo kong binilisan yung takbo ko para hindi ako mahabol ni ate. Nang hahawakan ko na ang door knob, bigla itong bumukas at lumabas ang ama ni Darius. :M-mister. Deluzia” halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Gulat, kaba, takot at galit.
Natatakot ako sa kung ano ang sinapit ni Darius at galit sa sarili ko dahil ang tanga ko at hindi ko sya naligtas.
Tinignan lang ako nang ama ni best na walang emosyon. Hindi ko mabasa ang nararamdaman nya. Nagsimula na syang maglakad palayo habang nakasunod ang mga guwardiya nya.
Pumasok ako sa loob at nakita kong may doktor sa loob. Tumakbo ako nang nakangiti, “Uhm, Doc. Kamusta po ang best friend ko?” Masigla kong tanong para hindi makita o mahalatang natatakot ako.
Napansin kong may binunot ang doktor sa ilalim nang mesa at may namatay na makina. “I’m sorry to say but your best friend is dead on arrival. I’m really sorry.” Bumagsak ang balikat ko nang makita kong tinakpan ng doktor ang muka ni best.
Si best? Patay?Hindi ah! Bakit?
Kasalanan ko to.
Tinignan ko sa mata ang doktor at napansin kong kinakabahan sya. Bakit? Ulit.
Lumabas na sya at iniwan ako sa loob. Hinawakan ko ang balikat ni Darius.
“Best, gising ka na. Andito na ako.” Inaalog ko ang balikat nya.
Isang minuto,
Dalawa,
Tatlo,
Umabot na ako nang labinglimang minuto at walang sagot. Nagsimula na akong umiyak, “Kasalanan ko to. Kung hindi nasabit paa ko hindi mangyayari to.”
“C-cornelia.” Hawak ni ate ang door knob at may kasamang dalawang staff ng hospital.
Lumapit sya sakin at inalalayan akong tumayo. Tinulak nila yung higaan ni Dairus palabas. Sinundan ko sila at napatigil ako nang malaman ko kung saan nila dadalin si Darius.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss behind the Mask
RomanceLumaki akong magisa, bagama't buo ang aking pamilya ay pakiramdam ko hindi ako bilang sa kanila. Nakapagtapos ako at nagkasariling negosyo. Kuntento na ako dun, hanggang sa nagbago ang lahat nang dahil lang sa . . . . . . . . . . . . . . . MAFIA