Cornelia’s PoV
Ano bayan! Nakakahiya! Natapunan ko nang coffee ang customer ko! Tsk! Pero nung nakita ko sya, all I can say is wow. Ang gwapo. Para syang anghel. Hahahaha. Makabalik na nga sa trabaho.
“Yuki! Yuka!” tawag ko doon sa kambal.
“Yes ma’am?”
“Nalagyan nyo sila nang tracking device?” pinalagyan ko kasi nang tracking device ang upuan nina Sebastian kanina. Magaala-stalker ako.
“Opo ma’am.”
“Salamat ah? Nga pala, asan na si Kim? YUNG KOTSE KO!” bigla akong nataranta! Putek! Drag racer yun e! Baka napano na yung kotse ko!? Huhuhu.
Humagikgik naman yung kambal, “Hihihi, ma’am nasa underground lang si Kim. Kumakain na naman nang vanilla frostee.” Natatawang sagot nang kambal.
Napayuko na lang sa desk ko. Pinaalis ko na sila nang hindi inaangat ang ulo, yung parang pinapaypay yung kamay? Basta yun.
Siguro nagtataka kayo kung ano at saan yung underground no?
I don’t know but I’m fond of guns, ammos, explosive and other dangerous materials.
Flashback
Two months na since I graduated. Wala akong source of income. Ayaw kong umasa kanila mommy at father. Nandoon lang ako sa kwarto ko nang maisipan kong lumabas. 2:12am na. Okay lang yan.
Lumabas ako at nagikot-ikot. Naglalakad ako nang may kotseng tumigil sa harap ko, napahinto ako at may lumabas na babae.
“Hello! Gabi na miss ah?” sabi sakin noong babae.
“Uh, hi. Obvious nga na gabi na e. Wala pa yung araw.” Sagot ko.
“Ooh, ayos to. So, where are you headed?” tanong nya sakin nang nakangiti.
“Uh, nowhere?” kibit balikat kong sagot.
“Hahaha, wanna hop in?” yaya nya sakin.
Tumango lang naman ako at sumakay sa passenger’s seat.
“Kim. Kim Gremory.” Lahad nya sa kamay nya, inabot ko naman ito, “Cornelia. Cornelia Vanguard.”
Nginitian lang ako ni Kim.
“Mahilig ka ba sa away away?” nabigla naman ako sa tanong nya.
“Ewan ko kung bakit pero oo, mahilig ako. Bakit?” takhang tanong ko.
“Wala ka namang pupuntahan diba? Pakilala kita sa mga kaibigan ko.” Nakangiti nyang tanong.
BINABASA MO ANG
Mafia Boss behind the Mask
عاطفيةLumaki akong magisa, bagama't buo ang aking pamilya ay pakiramdam ko hindi ako bilang sa kanila. Nakapagtapos ako at nagkasariling negosyo. Kuntento na ako dun, hanggang sa nagbago ang lahat nang dahil lang sa . . . . . . . . . . . . . . . MAFIA