𝐏𝐚𝐢𝐫 𝐨𝐟 𝐒𝐨𝐜𝐤
Usually sock used as cover up -- to make us comfortable when wearing shoes, etc., but this time it's completely different.
____________
Matulog. Kumain. Mag-cellphone. Repeat.
Halos ganyan lang ang kadalasan kung ginagawa ngunit hindi nakakasawa.Sa puberty stage mo mararamdaman ang kawalan ng gana sa mga bagay na dapat mong pinagtutuunan ng pansin katulad ng pag-aaral at pagiging produktibo.
Minsan mapapansin mo na isang araw ka lang masigla pero pagkatapos noon ay nawawalan ka na ulit ng gana, ganon nga siguro kapag kulang ka sa inspirasyon at motibasyon, idagdag mo na rin ang determinasyon.
"Raya! dumating na yung parcel mo napakagastos mo talaga" sigaw ni mama.
"Opo ma! and'yan na!"
Umorder ako ng isang pares ng medyas at mga kinaaadikan kung stationery product. Dahil nga nauuso ngayon ang online shops at selling ng dahil sa pandemya ay natangkilik na rin ako ditong bumili.
Isang patak ng luha nanaman ang nasayang sa gabing ito. Mga istoryang binubulabog ang dapat na mahimbing kung tulog, yung tipong nakatulala ka nalang sa kisame at kung ano-ano na ang pumapasok sa malilikot mong isipan.
Well, that's Anxiety. Sa dinami-dami ba naman ng uri nito ewan ko nalang kung anong tumama sakin. Sa panahon ba naman ngayon sinong hindi magkakaroon nito.
Merong mga araw na kinakabahan ka sa mga kung anong susunod na mangyayari. Hindi mo maiiwasang maging praning at mag kulang sa tulog na umaabot sa puntong may mga maling desisyon ka ng nagagawa.
"Nasaan na ba yun! Nakakainis naman e'kung kailan kailangan t'ska mawawala!" inis kung sambit habang pinapahanap ng bestfriend ko yung shirt na pinahiram n'ya.
Sa mga nakaraang linggo ay mas lalo akong naging mas mainipin at mabilis na mairita sa maliliit na bagay. Epekto na rin siguro 'to ng mga pinagdaanan ko.
"Raya ano ba! nag hihintay na si manong ang bagal mo talagang kumilos" pagtawag ulit sa akin ni mama.
"Opo, ito na nga e'" dali-dali akong lumabas ng kwarto upang iabot ang bayad ng in-order ko.
Bakit nga ba ito ang binili ko? Simple lang, dahil ito ang mga bagay na nakatulong o nagbigay ng liwanag sa nagdidilim kung mundo.
Sa tuwing makikita ko ang mga stationery collection ko ay nawiwili akong mag-aral at mas lalo akong nagiging produktibo.
Pair of sock gives me comfort at night. Nakakatulog na ako ng mahimbing ng walang ano mang iniisip. Kung luluha man ako ay hindi na dahil sa magulo kung isip tuwing gabi kun'di dahil sa sayang dulot ng aking pamilya at mga bagay na sa akin ay nag papasaya.
Kailangan mo lang siguro talagang mahanap ang mga rason kung saan ka tunay na sasaya, siguro hanapin mo ang sarili mo at manalig ka sa Kanya dahil sigurado akong dadamayan ka N'ya at mas lalo mong mamahalin ang sarili mo.
One thing I've realize that can help your anxiety is to seek for happiness until you find it. Acceptance in any aspect eliminate your overthinking that surely help your mental health. May aalis, may makukuha, at may darating.
Kung noong mga bata pa tayo ay sinasabit natin ang mga medyas sa binta upang makakuha ng mga candies at pera, ngayon ay iba na dahil ito na rin ang nagpapakalma sa nagwawalang halimaw sa aking isipan tuwing gabi.
THE END.