Story 8

5 2 0
                                    

Hiraya Manawari

"Basta Chessemace tanga –"

Beat.

Umalingawngaw na naman ang nakakarinding ringtone na i pina-set ni Amyrie sa alarm clock naming lahat – squad goals kuno.

Kinuha ko ang cellphone kong nakapatong sa side table at agad na tiningnan ang oras. Napablikwas ako ng makita ang napakaraming miss calls galing kay Uno.

"F*ck, malilintikan na naman ako nito kay Uno."

Kumaripas ako ng takbo sa banyo at mabilis na naligo. Nagbihis at dinampot ang bag na pinagkaabalahan kung ayusin kagabi. Hindi na rin ako nag abalang kumain at magpapalibre nalang ako sa kanya.

***

Mag-iisang oras na akong naghihintay kay Ky pero wala parin ang gago. Maaga akong nagising dahil hindi ko talaga trip ang ringtone na nilagay ni Chang – alam mo yun, paggising mo badtrip agad.

"Pft."

Sa 'di kalayuan natanaw ko ang isang humaharurot na motorsiklo. Nakasuot s'ya ng pulos itim, napangiwi ako dahil wala talagang tatalo sa angas n'ya.

Huminto siya sa tapat ko at tinanggal ang suot nitong helmet. Bumaba siya at lumapit sakin.

"Pasensya na Uno may problema lang kase sa bahay inayos ko pa, napaghintay tuloy kita." ika n'ya.

"Pft, style mo bulok." sa pagkakakilala ko sa kanya ang kupad n'ya lang talagang kumilos.

Pumasok kami sa loob ng isang restaurant at kumain. Hindi rin ako kumain kanina dahil ang akala ko'y ako ang mali-late sa aming dalawa.

***

Habang kumakain kami ni Uno ay 'di na namin pinalampas ang usapang meet up ng squad. Nauna ko lang ma meet si Uno dahil nataon ring nagbakasyon sila sa Boracay ng pamilya n'ya.

Sa sampung taong lumipas ay going strong parin ang pagkakaibigan namin. Internet Friends – crucial kung iisipin mong sumugal sa mga bagay na 'di mo naman alam kung tatagal, pero you'll never get the answer if you're not going to risk.

Si Shiene ay matagal ko nang kilala dahil bestfriend ko s'ya. Una ko ring na meet si Kio dahil magkalapit lang ang probinsya namin. Sila Dos, Amyrie, Kikay, Seras, at Yxianna nalang talaga ang hindi ko pa nakikita kaya't ganito nalang ako ka excited.

"Ky, nakikinig ka ba?" napaangat ako ng tingin kay Uno dahil sa tanong n'ya.

"Ano nga ulit yon?"

"Hyst, alam mo namang tamad ako mag salita Ky dapat nakinig ka. Ang sabi ko sa January 19 na ang 10th anniversary at meet up natin."

"Sige kami nalang tatlo ang mag-aasikaso rito the day before the event."

Tumango kaming pareho sa napagkasunduan at agad namang ipinarating ang balita kina Shiene at Kio. Gayon din sa group chat namin.

***

January 19, 2031

Pagkatapos ng New Year ay agad kung pina block ang schedule ko for the whole week. Ayokong maabala lalo na unang pagkakataon na magkikita kaming lahat.

Ang balita ko'y sa a' kinse darating sina Dos, Amy, Kikay, Yxi, Seras at Uno. Sabay raw ang flight nila dahil nagkasundo sila roon. Ang sabi ni Uno ay deritso na daw sila sa Boracay upang hindi na maabala sa kakadala ng gamit nila. Ayaw na din nila magpasundo sa airport.

Kami naman tatlo nina Shiene at Kio ay abala  sa paglilinis sa bahay nila Shie dito sa Bora. Hindi ko na sila pinag book sa isang hotel para makatipid sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short StoriesWhere stories live. Discover now