Story 7

8 2 0
                                    

𝐖𝐚𝐲 𝐛𝐚𝐜𝐤 2005

"Hoy! Anong ginagawa mo d'yan? Kanina ka pa nakatulala. Napakalalim naman yata ng iniisip mo. Halika rito may ipapakita ako sayo."

Isang lumang plaka at maalikabok na libro ang inilapag n'ya sa'kin. Ipinagpag n'ya iyong mga alikabok at pinunasan ng basahan upang malinisan ng mabuti.

Itinapat ko ang aking mga mata sa diamanteng nakalagay sa centro ng pabalat ng libro. Hinihigop nito ang natitira kong enerhiya dahilan upang mawalan ako ng malay at magising sa isang lugar na hindi ko inaasahang magiging pamilyar sa akin.

"Ah! woh woh" isang sigaw ng isang babaeng malapit ng manganak ang pumukaw sa aking atensyon. Inaalalayan s'ya ng satingin ko ay kanyang mister na nagmamadaling isakay ang kanyang asawa sa sasakyan na mukang dadalhin na sa hospital.

Pumara ako ng masasakyan at sinundan ang mag asawa. Ilang minuto lang ang inabot ng byahe dahil sa bilis ng pagmamaneho. Sabagay sino ba namang hindi mag-mamadali kung manganganak na yung asawa mo.

Pagpasok ko sa loob ng hospital ay tsaka ko lang napagtanto na pamilyar ito sa akin pati na rin ang hitsura ng mag asawa. "Wtf, is this... for real!", hindi ko namalayang napataas ang aking boses kaya't nasita ako ng isang nurse.

"Ms. anong date po ngayon?", tanong ko sa nurse.

"November 15, hija."

"Anong taon po?"

"2005, ano bang bata 'to, kung ano-ano sigurong inaatupag at pati petsa ay nakakalimutan." sabi nito.

Merong saya at panlulumo ang naramdaman ko. Saya dahil natuklasan ko ang araw ng kapanganakan ko at kung paano ako ipinanganak. Panlulumo dahil hindi ko alam kung pa'no na'ko makakabalik sa totoong taon na nabubuhay ako.

Nagising muli ako ng umatungal sa iyak ang isang sanggol. Napangiti ako ng masilayan ang aking mukha noong ako ay bagong silang pa lamang. Kitang kita sa mga mata ng mga magulang ko ang saya habang ako'y kanilang pinagmamasdan.

Masarap palang makita ang isang sanggol na walang kamuwang-muwang kung paano s'ya minahal at pinahalagahan ng kanyang mga magulang sa araw ng kanyang pagkasilang.

Ngunit habang sila'y tumatanda ay nakakalimutan nila ang halaga ng kanilang mga magulang. Nagdadabog sa isang utos pa lamang. Nakukuha ang mga luhong inaasam. Ngayon, nagigising na ako sa katotohanan, na nilamon lang ako ng nagbabagong mundo kaya't nakalimutan kong pahalagahan ang mga magulang ko.

Naiisip mo rin ba na sa bawat pag dabog at 'di pagsunod sa utos nila ay sumasabog na ang luha at nalulunod sila sa lungkot?

Naiisip mo rin ba na sa bawat bukas ng iyong palad upang humingi ng pang-luho ay pawis at dugo ang pinuhunan nila?

Naiisip mo rin ba na dapat sa mga oras na kasama mo ang mga kaibigan mo ay dapat sila ang higit na makakasama mo?

Kung oo ay ipagpatuloy mo lang, pero kung hindi ay okay lang. Lahat tayo'y may iba't-ibang pamilyang kinalakihan pero naniniwala ako na matututo ka sa lahat ng mga desisyon mo sa buhay at ang iyong sarili lang ang iyong magiging gabay.

Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, HAPPY BIRTHDAY TO YOU!

"Ang haba naman ng wish mo anak, now blow your candle", masayang sambit ni mama bago ko ihipan ang kandila.

What a great scenery. Niyakap ko sina mama at papa ng mahigpit at nagpasalamat sa kanila. Without them, I'm nothing.

"Did you enjoy my gift?", the lil'girl asked.

"Yes, I've enjoyed it so much. Thank you lil'self for letting me appreciate everyone in my life. Today is my day, and cheers for the new chapter of my life", that was the last words I wrote.

Way back 2005 (Journal) -- travel for realization.

THE END.

Short StoriesWhere stories live. Discover now