𝐔𝐧𝐰𝐚𝐧𝐭𝐞𝐝 𝐅𝐞𝐞𝐥𝐢𝐧𝐠
Isa ako sa mga R'pier na naimpluwensiyahan ng aking mga kaibigan. Sa totoo lang kinakabahan ako kung ano nga ba ang gagawin ko. Hindi ko pa naranasan na gumawa ng kahit isang pekeng account, pero ito ako ngayon nag-sasaya sa mundo ng kasinungalingan at kalokohan.
"Oyy sis, gawa tayo rp account", aya sakin ng isa kung kaibigan.
"Gago! Di ko pa na try pero sige.", nagdadalawang isip man ay iyon ang aking naging tugon.
Unang araw sumali agad kami sa mga group page para makahanap ng mga kaibigan. Nag hanap kami ng sasalihang grupo at itago nalang natin sa pangalang HP at TK. Nakaka-excite ang mga naunang linggo. Mabilis naming nakasundo ang mga kasamahan sa grupo.
" Hoy mga bobo, may bagong recruit kausapin niyo", sabi ni pawn.
"Bobo mo din. Tamad kami remembrance?", patuloy parin ang kantyaw'an ng lahat. Ganon kami madaling nagkasundo.
Dumaan ang mga araw at hindi ko parin nakasundo o nakakausap ang bagong recruit na si Yde, pero dahil nga madali kaming magkasundo sa isangguni trip lang ay napansin na namin ang isa't isa.
"Oyy bobo, broken ako love", sabi ni Yde.
"Bobo ka din sabi nang wag ka magjo-jowa sa RP", yun ang mga sinasabi ko kapag lalapit siya sa akin at kakausapin ako kapag broken siya.
Next days...
"Love? Alam mo na ba na 'bi' ako?", tanong nito.
"Luh bobo? Leg8?".
"Oo, HAHAHA late news ka nanaman".
"Awts gege, supporn", wala naman akong problema kung ano ang kasarian ng isang tao. Basta buhay edi buhay, artehan mo pa ba?
Nagpatuloy na ang buhay ko bilang RP'er. Nakakalimutan ko nga mag open sa Real account. Lumalala na rin ang katamaran ko na kung saan mas inuuna ko pa mga kaibigan ko sa mundong to kesa sa mga mahahalagang bagay sa buhay ko.
Hindi naman kami madalas mag usap ni Yde. Nagkakausap kami minsan lang, pero fuck madali ko siyang naka-close at ganon din siya sakin. Nasa point nako ng buhay ko na ang tanga ko na talaga. Hindi ko na makayanan ang kasinungalingan at nakokonsensya na ako sa mga kalokohan ko.
Dumaan ang isang linggo, umamin sakin si Yde.
"Love, gusto na yata kita, kaso wag nalang straight ka", sabi niya sabay tawa.
"Luh? Leg8?", di makapaniwala kung tanong.
"Oo, pero try mo maging bi, para tayo na".
"Ulol mo, Trinomial talaga ako. Malalaman mo sa birthday ko.", sa birthday ko talaga ako aamin ng mga kasalanan ko sa kanya, pero naipit na ako.
To make the story short, ito na ako sa point na kailangan na umamin. Umamin, salitang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Gabing puro mura nalang lumalabas sa bibig ko. Gabing sumasabay sa buhos ng ulan at sa mensahe ng musika ang mga luha ko.
"Love?" ... "Yde?" ... "Kamusta?", chat ko sa kanya.
"Ano love?", tugon nito nung nag online na siya.
"Gusto ko lang sana itanong yung totoo mong feelings sakin?", tanong ko.
"Kahit naman na sabihin ko wala naman ding silbi", tugon niya.
"Oh sge, e rate mo nalang feelings mo para alam ko naman ang gagawin ko please.", pagmamakaawa ko sakanya.
"1-100? 100%", reply n'ya.
"Waw, HAHAHA", Peke kung reply sa kanya. Kasi sa totoo lang napupuno na ako ng takot, awa, hiya at pagsisisi sa sarili ko.
Sa mga oras na to, kasabay ng himig ng musika, labis ang aking kaba na hindi ko na kinayang mag labas pa ng luha kahit na naiiyak na ako.
"Love? May aaminin ako." pauna ko sa kanya.
"Ge lang HAHAHA".
"Straight ka na Potangina mo HAHAHA", pabirong sabi ko.
"Gagu 'Bi' ako".
"Ba't nainlab ka sa babae?".
"Kanino ba ako na-in-love dito? Wala naman akong naging gf dito sa rp".
"Sakin, babae ako."
"Ginagago mo ba ako? HAHAHA".
"Hindi nga seryuso CRP AKO. Aamin na ako para hindi mo na ako magustuhan".
"Ah okay, gusto parin kita".
Kahit na mali may kunting saya ako'ng naramdaman at bumilis ang tibok ng puso ko. Kinuwento ko iyon sa kaibigan ko bago ko napagdesisyunan na umamin sa kanya.
"Leg8 nga Kay?", tanong ulit ni Yde.
"Oo nga kulit e nu. Nag send VM na nga."
"HAHAHA", Ito na yung last na reply niya sakin at alam ko ng ayaw niya na akong kausap.
"Salamat sa lahat-lahat. Pasensya na ha, di ko naman alam na magugustuhan mo ako. Pero dito lang ako as a friend. Masaya kang kausap pramis. Cheer up always dre.", huling chat ko sa kanya at binigyan niya lang iyon ng heart react.
Being CRP is a choice. They say you can be who ever you want, but that choice is the bullshit thing I have done ever in my life. The "Unwanted feeling", that was my karma.
Day after na umamin ako, hindi na siya nag chat pa. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hinahanap ko parin mga chat niya, kung bakit patuloy parin akong naghihintay na mag chat siya.
Ito na ang nagsilbing leksyon sa akin. Bakit kailangan pang magtago sa ibang maskara kung pwede namang maging ikaw nalang? Bakit kailangan ibahin mo ang kasarian mo sa mundong to?. We doomed.
"I fucked-up in my own bullshit way".
THE END.