Kabanata 20

1.6K 22 0
                                    

Kabanata 20

Whore

Kinagabihan ay tinawag na ako ng kasambahay para maghapunan, buong araw kasi akong nagkulong sa kwarto kung saan ako pinatuloy ni Madame Mariana. Gustuhin ko man ang lumabas para mangabayo ay hindi papayag si Kier panigurado dahil gusto niya ay kasama siya sa lahat ng gagawin ko. Medyo epal na siya sa part na 'yon ah?

Inilapat ko ang mga palad ko sa bandarilya upang silipin ang nasa unang palapag, wala akong makitang tao doon. Maybe because they are now eating dinner, hindi pa naman ako nagugutom but I don't wanna be rude towards them.

"M-Ma'am." tawag ng mayordoma sa akin. "Bumaba na po daw kayo, utos ni Senyora."

Suminghap lamang ako. "Susunod na ako, Ate."

Ngumiti lamang siya bago ako iwan, naiisip ko lang na papasok na pala ako sa eskwelahan bukas. Kakayanin ko kaya 'yong new environment doon? I mean, I don't know pero sana kayanin ko.

Hindi ko namalayang nakababa na ako kaya naglakad na ako papunta sa dinning area, mula doon ay nakita kong nakaupo si Madame Mariana sa kabisera at sa kabilang kabisera naman ay isang pamilyar na likod ng lalaki. Hindi naman siya si Kier kasi kilala ko 'yon.

"Good evening, hija! Join us!" inilahad niya ang upuan malapit kay Shannon.

"Hindi mo ba ako papansinin, Kara?" someone giggled somewhere.

"Aubrie? Hi!" bati ko pa.

She smirked playfully at me, naupo na ako sa tabi ni Shannon. Napaubo na lamang ako ng makilala ang lalaking nakaupo sa kabilang kabisera. Oh shit!

He's here pala.

Tinapunan lamang niya ako ng malamig na tingin bago binaling ang tingin kay Shannon at sa kinakain nito, hindi ko din siya pinansin dahil nakipagkwentuhan na si Aubrielle sa akin at kay Madame.

"Ikaw 'yong fianceé ni Kier?" Aubrielle giggled.

"Uhm, b-boyfriend. Hindi pa ako pumayag maging fianceè niya pero papunta kami doon." ngumiti ako.

"I thought he's your fianceè na?" si Shannon.

"Papunta pa doon." I corrected. "I'm sorry for the misinformation, wala ako sa sarili noong sinabi ko ang tungkol doon."

"Awh, It's fine. By the way, totoo ba? You're marrying Kier in the near future? I mean after your graduation?" she said excitedly.

Nagtama ang tingin namin ni Lyle na siyang ikinabahala ko, madilim ang ekspresyon niya at halatang galit. Bakit naman siya magagalit sa akin? May nagawa ba akong mali? Wala naman ah.

"Oo naman, he deserves me." marahan na sabi ko. "He deserves my love and everything."

"Ang swerte naman ni Kier sayo 'no, Kara?" ngumisi si Aubrielle.

Ngumuso ako. "Ako ang maswerte sa kanya."

"You have my blessing, hija." nakisabay na din sa amin si Madame.

Marami pa ang kwentuhang naganap sa hapagkainan medyo naiilang lang ako sa mga tingin ni Lyle sa akin, It's seems that he didn't like me for his brother. May problema ba? Is he still bringing up the past kaya nagagalit siya sa akin ngayon?

Well, I don't care.

"So papasok ka pala sa La Santa High? I guess schoolmates tayo?" Aubrie giggled.

"Uh, yeah?" nagaalangan naman ako.

"Oh my! Narinig mo 'yon, Tita? May kasama na ako!" pumalakpak si Aubrielle sabay yakap kay Madame Mariana.

Under His Chains (Sta. Lucia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon