mahal kita

41 0 0
                                        

mahal kita,

alam mo ba?

mahal kita,

ramdam mo ba?

mahal kita

mula ulo hanggang paa

mahal kita mula ulam ay dilis at noodles

hanggang sa fried chicken at kung ano ano pa

mahal kita mula payatot ka pa

gang ngayong mataba ka na

mahal kita mula nung tyan mo ay maliit pa

hanggang ngayon daig pa ang buntis sa laki nya

mahal kita mula noong chesse cake sa legarda

hanggang sa paboritong mong cheese cake sa burgoo na

mahal kita mula sa ukay ukay at divisoria

hanggang naging bench, artwork at kahit havaianas na

mahal kita mula dapitan

hanggang vicente at d.ampil pa

mahal kita mula nung unang date sa eco park

hanggang sa huli na harry potter

mahal kita mula noong puro piomples ka

hanggang ngayon na sobrang kinis mo na

mahal kita mula noong iyakin ka pa

hanggang ngayon na matatag kana

mahal kita mula nung sakitin ka pa

hanggang ngayon na di kana lampa

mahal kita mula paggising

hanggang pagtulog

mahal kita, mahal kita, mahal kita

mahal kita kahit parang palo palo ang iyong pata

mahal kita kahit mabaho ang iyong paa

mahal kita kahit kili kili mo ay parang gripo kung magbasa

mahal kita kahit tingin mo ay niloko lang kita

mahal kita kahit di ako matulog kapag binabangungot ka

mahal kita kahit ang pangakong mong hershey's ay nalimutan mo na

mahal kita kahit ang hilik mo ay parang truck na bumubusina

mahal kita kahit inaagawan mo ako ng unan

mahal kita kahit malikot ka matulog at akoý di na makahiga

mahal kita kahit para akong tangang sumasagot kapag ikaw ay tulog at nagsasalita

mahal kita kahit pinili o paniwalaan sya

mahal kita kahit maghintay ako hanggang sa kawalan

mahal kita kahit lahat ng ayaw ko ay nasayo na

mahal kita kaya natutunan kong mahalin ang mga bagay na inaayawan

mahal kita hanggang mawalan ako ng hininga

mahal kita mula noong ako lang

hanggang ngayon na may mahal ka ng iba

mahal kita putang ina mahal kita

mahal na mahal kita

mahal kita mahal kita mahal kita

mahal kita maririnig mo pa ba?

mahal kita mahal kita mahal kita

random thoughts....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon