Pagkarating ng lunch break ay agad naming nakita sila Hance na naka-abang sa harap ng room namin kaya sabay-sabay na kaming nag-lunch.
"Hanap na kayo ng upuan kami na mag-oorder." Sabi ni Hance at sumama na kila Zayden na naka-pila.
Agad naman kaming nakakita ng upuan na sakto lang para sa aming 9 pero may dumagdag na isa kaya pinag-kasya nalang namin siya.
"Nasaan sila Kay?" Tanong ni Arche.
"Ayun oh." Turo ni Lea sa pwesto nila Zayden.
"Tulungan ko na sila ah." Paalam niya at tumayo na para puntahan sila Hance na nag-kukulitan sa pila.
Tahimik lamang ang table namin dahil lahat kami ay parang may kanya-kanyang mundo sa mga phone namin. Pero may biglang dumating na dalawang lalaki na hindi namin kilala.
"H-hi." Bati niya, agad namang napa-angat ng tingin sila Lea at binati na rin ito.
"Hello." Sagot ni Milea.
"Uhm, bago kayo noh?" Tanong nung isa.
"Ah, yes." Sagot ni Mica.
"Oh, uhm i'm France and this is Vash. Uhm, may I know your name ladies?" Tanong nung France. Kung titignan siya ay para siyang babaero pero yung kasama niyang si Vash, parang santo. Maamo ang mukha niya eh.
"I'm Lea." - Milea.
"Tania." - Tania.
"Shain." - Ako.
"Aicee." - Aicee.
"And Mica. Nice meeting y--"
"Excuse me." Pag-singit ni Arche kaya hindi na natuloy ni Mica ang sinasabi niya.
"Excuse us, kasi." Pagtatama ni Euno sa sinabi ni Arche.
"Makasarili talaga 'to kapag nagseselos." Dagdag pa niya pero sa mahinang paraan at mukhang ako lang ang nakarinig kaya napa-taas ang kilay ko.
"Your food." Sabi ni Hance bago ilapag sa harapan ko ang pagkain na in-order nila.
"Thanks." Naka-ngiti kong pagpapasalamat sa kanya.
"Hi boys, what do you need?" Naka-ngising tanong ni Zayden sa mga lalaking naka-tayo pa rin.
"Oh, nothing. By the way, it's nice meeting you, Mica." Sagot ni Vash at tumingin kay Mica bago hilain paalis si France na natulala.
"Si Mica lang ba nakilala 'nun?" Naguguluhang tanong ni Aicee.
"Nagpakilala din naman ako ah?" - Tania.
"B-baka si Mica lang ang n-nakita niya?" Patanong na sabi ko naman.
"D-did he just focused on Mica?" Gulat na tanong naman ni Lea.
"Bakit parang nanghihinayang ka?" Taas-kilay na tanong ni Euno kay Aicee.
"Bakit ka kasi nagpa-kilala?" - Leen kay Tania at tinaasan lang siya ng kilay ng isa.
"Mas okay na yun, kesa naman sa nakita din niya kagandahan mo." Masungit na sabi sa akin ni Hance.
"Why? Do you want him to focused on you too?" Masungit din na tanong ni Zayden kay Lea na nagtataka.
"Ang e-exagerated niyo. They just want to make friends with us." Sabi ni Mica sa kanila.
"Make friends? Bakit ganun tingin sayo nung Vash na yun?" Biglang tanong sa kanya ni Arche kaya naguguluhan namin silang tinignan.
Natulala lang si Mica sa kanya at hindi naka-sagot hanggang sa tumayo na si Arche at nag-paalam.
"I-i lost my appetite." Sabi niya bago umalis.
BINABASA MO ANG
Still Want You
RomanceCOMPLETED | STILL SERIES #1 He is her comfort zone. She feels at peace whenever she's with him. Nawawala lahat ng problema niya kapag kasama niya ang mahal niya. Shain can handle every pain that she feels, pero may pagkakataon din na hindi niya naka...