It's already wednesday and nandito ako ngayon sa rehearsal ng runway. And as usual, bad mood nanaman ako dahil pinuntirya nanaman ako ng bruhang Raya.
"Is it really true that you and Echo Sanchez are in a relationship?" Tanong niya. Actually kanina pa siya tanong ng tanong akala mo naman may nakukuhang sagot.
"And is it true tha--"
"Why don't you just shut your mouth Raya? Daig mo pa mga reporter sa sobrang dami ng mga tanong tanong." Inis kong saad sa kanya. At dahil sa pag-sagot ko ay agad na napatingin aa amin ang ibang mga models na nandito rin sa back stage.
"Oh--"
"Shain! Someone's calling you!" Pag-singit ni Elyn na binibigyan ako ng 'get-away-to-that-bitch-look'. Agad ko na lamang tinalikuran si Raya na hindi maipinta ngayon ang itsura at lumapit kay Elyn na natatawa.
"Chill, Sha." Natatawa niyang bungad sa akin.
"She's getting into my nerves." Inis kong sagot sa kanya.
"That's her goal, so, wag mong ipahalata." Naka-ngiti niyang sabi sa akin.
"Girls, ready!" Biglang sigaw ng bakla na nag-hahandle sa amin.
Agad kaming pumwesto sa mga pwestong itinuro sa amin nung mga organizers.
"Ay, Ms. Shain! Sorry, mali ka ng place, ikaw po pala dapat ang huling lalabas." Naka-ngiting sabi sa akin ng bakla at itinuro ang dulo ng pila kung nasaan ngayon si Raya na hindi maipinta ang mukha.
"Wha--"
"Yun po sabi ni Mr. Santos." Pagputol sa kanya ng isa pang organizer.
Si Mr. Santos ang parang boss nila kaya siya ang nasusunod. Agad nila akong inalalayan na makapunta sa dulo ng pila.
"Thank you." Naka-ngiti kong pagpapasalamat sa kanila bago ibaling kay Raya ang mapang-asar kong ngiti.
Mabilis na natapos ang rehearsal at bago pa ako bwisitin ni Raya ay agad na akong umalis doon.
Wala akong ibang schedule for this week kung hindi ang rehearsal na ito kaya napag-isipan kong matulog nalang sa condo ko kaysa sa lumabas pa at kung ano-ano nanamang issue ang kumalat.
Matutulog na sana ako ng biglang may mag-pop na message sa phone ko na galing sa lalaking hindi ko pa nakikita simula last week.
From: Hance Garcia
Hey!To: Hance Garcia
Yes?From: Hance Garcia
Where are you?To: Hance Garcia
Why?From: Hance Garcia
Basta, saan ka?Napataas ko na lamang ang kilay ko sa pagtataka dahil sa tinatanong niya.
To: Hance Garcia
At my condo, why?Hindi na siya nag-reply pa kaya ipinag-kibit balikat ko na lamang ito. Pipikit na sana ako ng makaramdaman ng gutom.
"Bakit kasi puro dahon ang nasa ref ko?" Naiiyak kong tanong sa sarili ko.
"Pero diet ka, kaya bawal ka sa mga karne." Sagot ko ulit sa sarili ko.
"Pero gusto ko ng japane--"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa may biglang nag-doorbell. Wala sana akong balak buksan 'to pero nag-ulit-ulit siya hanggang sa mainis ako at pag-buksan ang isang delivery boy.
"What is it po?" Magalang kong tanong sa kanya.
"Delivery po Ma'am." Sagot naman niya sa akin sabay abot ng isang plastic bag na may lamang japanese foods.
BINABASA MO ANG
Still Want You
RomanceCOMPLETED | STILL SERIES #1 He is her comfort zone. She feels at peace whenever she's with him. Nawawala lahat ng problema niya kapag kasama niya ang mahal niya. Shain can handle every pain that she feels, pero may pagkakataon din na hindi niya naka...