CHAPTER 27

14 3 0
                                    

Pagkabukas ko ng pintuan ay agad na napunta sa akin ang lahat ng atensyon ng mga taong nasa loob kasama na siya doon.

Nanatili lamang akong naka-tayo sa pintuan at gulat na nakatingin sa kanya.

Siya naman ay chill lang na para bang wala lang.

"Good Afternoon, Ms. Shain." Sabay-sabay na bati ng mga staffs na naka-palibot bago bumalik sa mga trabaho nila na naitigil dahil sa akin.

"A-ah, Good Afternoon." Balik kong bati sa mga naka-tingin sa akin habang pilit na ngumingiti ng malaki at pilit ding iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"Ms. Shain, ready na daw po." Biglang singit ni Mary na nasa tabi ko na. Agad ko naman siyang binulungan.

"Mary, s-sino 'yung lalaking 'yun?" Nauutal kong tanong sa kanya kahit na alam ko na ang sagot.

"Ah, bago niyo daw pong photographer, Ma'am." Sagot niya sa akin at yun ang hindi ko alam.

"What?!" Gulat kong tanong sa kanya at dahil doon ay naagaw ko nanaman ang atensyon ng mga tao. Agad akong napatingin sa kanya at nakitang pilit niyang itinatago ang pinipigilang tawa sa pamamagitan ng pag-kagat niya ng pang-ibabang labi niya.

"Ma'am, photographer niyo yan Ma'am ah, hindi yan model." Natatawang paalala ni Mary bago lumayo sa akin at kausapin ang ibang staff.

Damn.

Nag-umpisa na ang pagt-take ng mga photos at siya nga ang kumukuha sa akin that's why i'm not doing well and because of that he's always scolding me like a damn puppy!

Nagpapalit-palit din ako ng mga damit that's why medyo natatagalan kami. But thanks God, hindi masyadong revealing ang mga ipinapa-suot sa akin dahil kung hindi ay baka mawala lahat ng lakas ng loob na inipon ko simula nung mag-umpisa ako sa industry na 'to.

"Another pose." Sabi niya at agad ko naman siyang sinunod.

"Another one."

"Next... Next."

Nagpatuloy lamang kami sa pag-take ng mga photos para sa magazine hanggang sa matapos.

"Congrats, Ms. Shain." Bati ng mga staffs sa akin.

"Thank you." Naka-ngiti kong paulit-ulit na sinasabi sa bawat lumalapit.

"Shain!" Biglang tawag sa akin sa likod ko at agad na bumungad sa akin si Ate Bea.

She's my manager.

"Ate Bea!" Bati ko sa kanya at agad na sinunggaban ng yakap.

"Oh God, i'm sorry, i'm late. By the way, congrats! You did a great job. Again!" Natatawa niyang bati sa akin.

"Yeah, thank you." Naka-ngiti kong pagpapasalamat sa kanya pero agad namang nawala ang ngiti ko ng ipakilala niya ang 'photographer' ko daw.

"By the way, hindi ko siya napa-kilala sayo kanina so ngayon nalang." Natatawa niyang sabi bago i-harap sa akin ang lalaking may tipid na ngiti sa kanyang labi. "This is Hance Garcia. Your new photographer." Pagpapakilala niya at agad namang inabot ng lalaking 'to ang kamay niya sa akin sabay bati.

"Congrats, Ma'am." Bati niya habang naka-ngiti pa rin ng matipid.

"Yeah, thanks. I'm Shain." Pagpapakilala ko sabay abot sa kamay niya at akmang bibitawan ko na naunahan niya akong bumitaw.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay na-reject ako sa manliligaw ko nung una siyang bumitaw.

Tinignan ko na lamang siya at nakitang naka-ngiti pa rin siya kaya sinuklian ko ito ng pekeng ngiti.

Still Want YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon