"Shainath!"
Bigla akong napa-balikwas sa pagkaka-higa ng biglang may sumigaw sa tainga ko.
"Hays, buti gising ka na." Sabi niya at parang naka-hinga ng maluwag dahil nagising niya ako.
Agad kong nilibot ang paningin ko at nandito ako ngayon sa kotse ni Adie. Nasa back seat ako at naka-higa at siya naman ay naka-dungaw sa akin galing sa drivers seat.
"Anong nangyari?" Taka kong tanong sa kanya habang hinihimas ang noo ko dahil sa sakit.
"Ay, nahimatay ka lang hindi ka nagka-amnesia." Sagot niya sa akin kaya agad ko siyang tinignan ng masama.
"Hinimatay?" Tanong ko ulit.
"H-hindi mo alam meaning ng hinimatay? Uhm, paano ba 'to. Yung kapag nawawalan ka ng malay-- aray!" Daing niya ng bigla ko siyang kaltukan.
"Gago, alam ko yung nahimatay. Tinatanong ko lang kung paano ako nahimatay." Inis kong sagot sa kanya.
"Paano ka nahimatay? Syempre pumikit ka tapos natumba ka-- aray ko!" Daing ulit niya ng sinabunutan ko na siya.
"Alam mo, hayss! Putangina ka." Pag-suko ko at lumipat sa passenger seat at umayos ng upo. Agad ko namang narinig ang tawa niya sa tabi ko.
"Pikon." Natatawa niyang bulong pero narinig ko pa rin kaya agad ko siyang tinignan ng masama.
"Okay, ganito kasi yan. Bigla kang nawala sa tabi ko kaya hinanap kita hanggang sa nakita nalang kitang walang malay na naka-higa doon sa upuan na 'yun oh." Paliwanag niya sabay turo sa upuan na nasa ibaba ng puno sa harap ng museum.
"Pasalamat ka nga't naka-facemask ka, dahil nung makita kita wala ka ng salamin at buti walang naka-kilala sayo kundi malaking gulo, hays." Pag-buntong hininga niya.
"Wait, wala akong malay na naka-higa dyan. So, sinong nag-dala sa'kin dyan?" Naguguluhan kong tanong habang naka-turo sa upuan na itinuro niya kanina.
"Ewan ko, basta nga dyan lang kita nakita." Sagot niya sa akin. Masuri ko siyang tinignan at masasabi kong hindi naman siya nagsisinungaling.
Bigla akong natahimik ng maalala ang nakita ko kanina sa loob.
Auction. Painting. Ako. Hance.
Ewan ko kung anong dapat kong maramdaman ngayong nakita ko na ulit siya.
Kung dapat ba akong matuwa o malungkot?
Galit pa ba ako sa kaniya?
Nabalik ako sa reyalidad ng biglang bumusina si Adie.
"Gago!" Sigaw ko sa kanya at siya naman ay tawa lang ng tawa.
"Ano ba!" Sigaw ko ulit sabay palo sa braso niya.
"Wait! Hahahaha." Patuloy lamang siya sa pag-tawa.
"Ikaw kasi bigla-bigla kang nawawala sa sarili kaya ayan para magising ka." Natatawa niyang paliwanag sa akin.
"Gago." Sagot ko sa kanya sabay irap.
Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan at agad na ipinarada sa isang restaurant na malapit sa museum.
"Ako wala akong balak makipag-date sayo Adie, tigilan mo 'ko." Sabi ko sa kanya ng makitang pinarada niya ang sasakyan niya sa isang pang-mayaman na restaurant.
"Hoy, Shainath, kahit na model ka hindi kita type, gago." Sagot naman niya sa akin.
"Putcha, yabang ah." Natatawa kong sabi sa kanya at agad naman niya akong tinignan ng masama.
BINABASA MO ANG
Still Want You
RomanceCOMPLETED | STILL SERIES #1 He is her comfort zone. She feels at peace whenever she's with him. Nawawala lahat ng problema niya kapag kasama niya ang mahal niya. Shain can handle every pain that she feels, pero may pagkakataon din na hindi niya naka...