"Ito bagay din sayo!" Sumakit nalang ang paa ko kakaikot sa mall dahil kay Claudia. Sabi kasi ni Kath formal raw at gown or cocktail dress ang attire tapos inaya niya rin si Claudia kaya ito kami ngayon sa mall naghahanap ng damit. Hindi pa man din ako sanay sa ganito na formal party at sa totoo lang ayaw ko na sana sumama. "Yung sinuot ko nalang kasi dati na hiniram ko sayo!" Sabi ko at napakamot sa ulo ko. "No,no!" She said and continued to search on the racks. Napapadyak ako dahil akala ko simpleng dinner kaya umo-oo agad.Naka-hanap na siya ng kanya at lahat ng napipili ko ay ayaw naman niya! Masyado daw simple, masyadong conservative at kung ano ano pa. Napa buntong hininga tuloy ako. "Ito perfect!" It was a square neck flared nude dress na tulle na may details na gold and buttons sa gitna and with pockets.
It looks so fancy. "Ayoko niyan Clauds baka mag bida lang ako don!" I told her. Umiling naman siya at kinuha yon sa rack binigay sakin at tinulak ako sa dressing room. It really looks good and fits perfectly and alam kong di ako titigilan ni Claudia kaya pumayag nalang din ako dahil gutom na din ako.
"Is your brother uhm invited?" She suddenly asked. "Uyyy ikaw ah! Bat ka curious?" Sabi ko at tinuro turo pa siya. "I was just asking!" Sabi niya at inirapan ako. "Di ko sure eh, siguro? Text mo kaya ito number!" Umiling naman siya pero kinuha din naman number sa huli. Kunyari pa to si Claudia! "Ay oh parang others!" nagulat kami nung may tumawag sa likuran namin. Si Travis pala. "Hala ka Clauds susumbong kita!" pabiro naman siya hinampas ni Claudia. "Alam mo Travis you're going to hell!" Travis scoffed and placed his hand sa puso niya. "Swerte naman ni Satanas na magkakaroon ng pogi sa impyerno!" napairap nalang ako. "Alis na best friend time!" natawa naman ako. "heh others ka talaga Clauds you're like animal invertebrates!" napa kunot noo ko. "Joke lang di ko din alam yon sige na may susunduin pa ko!" tinaas baba niya pa kilay niya. Claudia and I spent the whole day together.
Umaga palang kinakabahan na ko para mamayang gabi. "Anichka!" Napalingon naman ako. "Uy Dave!" at kumaway ako. "Nishka!" tawag naman sa kabila si Kath yon at si Xavier kasama niya pala, nakakunot nanaman ang noo niya. "Uy hi Kath! Hi Xavi!" para gumaan naman ng onti loob niya, charot! Feeler lang Nishka? kumaway naman pabalik si Kath at may nakita siyang blockmates namin at sumama siya. "Pwede ba tayo magusap? May sasabihin lang ako sandali." I looked at my watch I still have an hour. "Yeah sure pero need ko na makabalik at 8:30."
Tumikhim naman si Xavier sa gilid ko. "Wait lang ha." I said to Dave. Hinila ko muna si Xavier sa gilid. "Samahan mo ko magbreakfast." sabi niya at ngumiti. "Xavi, saglit lang to tsaka sayo naman ako mamayang gabi." kumunot ang noo niya sakin at nanlaki ang mata ko when I realized it sounded so wrong. Mygosh Nishka. "I mean diba, birthday ng mama mo mamaya tayo tayo naman nila Clauds magkasama." napabuntong hininga naman si Xavier. "Fine fine." tumango siya. "Thank you!" I told him and smiled. "Kiss muna." I kissed him sa cheeks niya at parehas kaming nanlaki mata. "Bye!" Napatakbo tuloy ako. Hindi ko alam anong pumasok sa utak ko. "Hoy sa kabila! pantayin mo!" Sigaw niya. Di ko na alam paano ko pa siya haharapin mamaya. Nakakahiya ka Nishka!
BINABASA MO ANG
Cupid's Queue Series 1: Your Universe
Teen FictionA Management Economics Student Xavier Blake Fontanilla has no plans of getting a girlfriend nor a fling he feels like its annoying and just a mass destruction in general but what happens when he meets an Applied Physics student Anichka Garbrielle Hi...