Di ko napansin ay late na pala ako nagising. Kaya kumilos ako ng mabilis. "Aray shit!" Natapilok tuloy ako pababa ng hagdanan. Mukhang nasprain pa ako. Hindi pa naman ako pwedeng umabsent dahil may presentation ako ngayon! "Oh anyare?" Salubong ng kuya ko na may tinapay pa sa bunganga. "Natisod ako, tara na malalate na ko!" Hinila ko naman si kuya at kumaway nalang kay mommy at daddy dahil baka malate na talaga ako. "Paano yan Nishka, di kita masusundo mamaya di pa ko tapos sa project ko tas paika-ika ka dyan?" Naisip ko agad si Xavier. Pero nakakahiya kaya wag nalang. "Kaya ko naman mag grab kuya iiwan ko nalang sa locker gamit ko para wala akong mabigat na bitbit." I said. Tumango naman si kuya at hinatid ako sa mismong classroom. Napailing ako madaming babae ang tumitingin sa kanya. "Alis na ko. Take care.""Pogi ng kuya mo Nishka! Pakilala mo naman ako!" Sabi ng isa kong blockmate at umupo pa sa tabi ko. "Di pede, taken na." Kahit hindi naman. Mamaya pag nalaman ni Claudia na may tinulungan ako palapit kay kuya ay masabunutan pa ako non! Mukhang may gusto siya sa kuya ko hmm. I looked around and wala si Kath so probably wala din si Xavier. Asaan kaya sila ngayon? I shrugged with that thought. "Nishka tayo na magrereport." Dahan-dahan naman akong tumayo dahil nga mukhang nasprain ako. Okay naman ang naging report namin at muntik pa ko madapa ulit pabalik sa upuan.
Nang lunch time na si Claudia naman ang nagpunta sa classroom para dalhan ako ng pagkain. Natawa naman ako. "Bakla ka ng taon, nasprain lang ako hindi ako disabled!" Sabi ko at hinampas siya. "Ah basta tara na kumain na tayo!" May mga table din kasi na pwedeng kainan sa labas ng classroom namin onting lakad lang ang kailangan gawin. Pagtapos namin kumain ay tinulungan nanaman ako ni Claudia papasok sa classroom. Nagbeso naman kami at umalis na siya.
Wala ang prof ng last subject kaya naman maaga ang uwian namin. Syempre dahan-dahan nanaman akong naglakad.Naisipan kong itext si Claudia dahil sa pagkakaalam ko ay maaga rin ang uwi niya ngayon kaya sasabay nalang ako.
"Ay palaka!" Biglang may humawak sa kamay ko mula sa gilid ng pintuan ng classroom namin. "Okay lang basta frog prince." Si Xavier pala. "Uy bakit la nandito?" Umirap naman siya. Nahawa na ba siya saakin? "Sinusundo ka malamang." Sungit naman neto. "Akin na bag mo." Binigay ko naman. Alam kong hindi siya magpapatalo. "Sabi ng kuya mo nasprain ka, kaya hahatid na kita sainyo." Tumango nalang ako. Diba ito din naman naisip mo kanina Nishka?
"Asaan si Kath?" Sambit ko bago pumasok sa sasakyan. Inalalayan pa ako. Sprain lang naman to eh ang OA naman ng mga kaibigan ko. "Nauna na sila sa Resort." Napakunot naman noo ko. "Tayo lng dalawa nalang naiwan alam ko naman na ayaw mo umabsent kaya sabi ko susunod nalang tayo bukas." Napa yuko ako. Malay ko ba! Sabi ni mommy overnight tas two nights pala. Pero tama naman si Xavier di ako sasama kung kailangan ko umabsent. Nautakan ako dun ah. "Daan lang tayo sa grocery wait ka lang dito bibili ako ng food para bukas." Nainggit naman ako. Gusto ko din! "Sama ako! Baba ako!" I enthusiastically said. "Hindi pwede, ayan oh! Ika-ika ka tapos paglalakarin pa kita." Sumimangot naman ako. "Sige na kasi! Kaya ko naman!" Napailing naman siya. "Fine, as if may choice ako magpupumilit ka lang." I chuckled. "Sorry. Gusto ko lang talaga din mamili." Tumango naman siya. Mejo wala ata siya sa mood ngayon.
"Okay ka lang?" I asked. "Yeah, may iniisip lang." sabi niya at kumuha ng cart. Para akong batang nakangiti. Gusto ko talaga magrocery. Ang saya kaya. "Ayon kuha tayo non! Gusto mo sa bahay magdinner? Masarap to promise! Ilalagay mo lang sa microwave tapos iinitin mo tapos charan pagkain na!" Natawa naman siya. "Dumadaldal ka kapag nasa supermarket eh no?" Natawa naman ako. "Ang saya kaya." Kumuha ako dalawa at nilagay ko yon sa basket. "Yun! Pwede ako kumuha non?" Tinuro ko yung yogurt. "Yeah get what you want." Paika-ika pa din ako pero pinipilit ko maglakad ng mejo mas mabilis. "Slow down Ani." Napanguso tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Cupid's Queue Series 1: Your Universe
JugendliteraturA Management Economics Student Xavier Blake Fontanilla has no plans of getting a girlfriend nor a fling he feels like its annoying and just a mass destruction in general but what happens when he meets an Applied Physics student Anichka Garbrielle Hi...