The Store

10 0 0
                                    

"NASAN NA YUNG BRACELET KO MA?" sigaw ko habang nagugulo na yung mga damit ko kakahanap

"HANAPIN MO NG AYOS!" sagot nya mula sa baba

Hinanap ko na sa lahat ng sulok ng kwarto ko pero di ko makita yung bracelet ko. Bigay 'yon ng daddy ko nung bata pa ako. Isa 'yon sa pinaka iniingatan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala 'yon.

"ANO? NAHANAP MO NA?" patuloy na sigaw ni mommy

Sumilip ako sa ilalim ng kama. Ngumiti ako nang makita yung bracelet ko katabi ng shoe box. Kumuha ako walis tambo para sungkitin ito.

Dali dali akong bumaba papunta sa sala

"Ma! Ma! Nakita ko na!" sabi ko ng malawak ang ngiti

"Kumain ka na muna bago ka pumasok" utos ni mommy

Umupo ako sa dining table at...

"Hala bacon!" tuwang tuwa kong sabi

Tiningnan ko yung relo ko. 6:30

Kinuha ko yung bag ko at humalik na sa pisngi ni mommy at tuluyan ng nagpaalam.

Chinat ko si Jam.

"Asan ka na? Ta magkita sa 7/11."

Habang naglalakad ako, tinitingnan ko yung bracelet ko at inalala lahat ng masasayang ala-ala kasama ang daddy ko.

"Daddy laro tayo!" sabay lapit ko kay daddy na naglalaro sa harap ng computer

"Teka lang bebe" habang naka-focus pa rin sa nilalaro nya

Kinuha ko yung laptop at tumabi kay daddy. Matapos nyang maglaro, kinuha nya yung lan cable at sinet-up na ang laptop ko para makapaglaro kami.

"Bat ka tumitingin? Andaya mo naman daddy eh!" asar kong sinabi habang 1v1 kame sa Counter Strike. Pano ba naman kasi, tinitingnan nya kung saan ako nagtatago para abangan sya.

Nagtawanan lang kame habang nag aasaran.

Daddy's girl ako. Mas close ko si daddy kesa kay mommy. Sobrang daming bonding together. Kasundo ko sya sa kalokohan, sa asaran, mostly everything.

"Bebe punta ka dito dali. May ibibigay ako sayo" sabi sakin ni daddy habang may hinahanap sa bag nya

"Bakit po? Ano 'yon?" curious kong sabi.

Pinakita nya sakin yung bracelet. Silver sya. Simple pero elegante. Meron syang isang gem na bilog. Pink yung kulay nya na may halong black. Yung parang kulang pa ang isang segundo para tingnan ito. Simple pero ang sarap tingnan.

"San to galing daddy?" habang manghang manghang nakatingin sa bracelet

"Sakin hahaha" tawa ni daddy. Tiningnan ko sya ng masama

Ilang minuto kaming natahimik dalawa ni daddy. Pero kita ko 'yung malambing nyang ngiti habang pinagmamasdan ako.

"Gusto ko lumaki ka ng maayos. Malakas. Matatag. Mabuti. At syempre, Engineer gaya ko" saad nya sakin

Simple lang ang pamumuhay namin nung dito pa lang si daddy nagtatrabaho sa Pilipinas. Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, nabibili ang gusto kapag may sobra. Nakakakain sa labas. Nakakapag gala.

Wala na akong ibang hihilingin pa. Sobrang saya ko sa kung anong meron kami. Kuntento ako.

Naisipan ni daddy magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan kami ng mas magandang buhay ni mommy. Kahit na kaya naman na dito lang sya kasama naming dalawa, mas minabuti nyang mangibang bansa upang matupad ang pangarap nya para saming tatlo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WithinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon