Chapter 6

6.1K 260 12
                                    




Sherwin

Halos tatlong buwan na ang nakakalipas simula no'ng nakapasok ako dito sa LU. Naging busy kami lahat noong mga nakaraang-araw dahil dalawang buwan nalang malapit na ang Annual Volleyball League. Kung saan maglalaban ang dalawampung team na galing sa iba't ibang unibersidad dito sa Pilipinas at kasama na kami doon. Walong teams lang ang kailangan para makapasok sa semi-finals bago tumuntong sa finals. Kung sino man ang manalo sa finals sila ang makakasama ng Elites at magiging representative ng Pilipinas para sa Women's National Volleyball Competition, dito makakalaban ang iba't ibang bansa.

Mas lalong nadagdagan ang gawain namin dahil every month ay may different events at programs na ibinibigay ang paaralan sa mga estudyante. Kahit hindi ako nag-aaral dito kasama ako sa mga organisasyon dahil parte ako ng volleyball team ng Louvre University. Maganda rin ito para sa akin para mabawasan ang mga gastusin.

Halos maubusan ng buhok sila Bal dahil stress na sila sa pinapagawa ng mga teacher nila at dumagdag pa ang pahirap nang pahirap na training nila Stacy. Hindi naman kami araw-araw may training dahil may mga pasok pa sila. Tuwing huwebes hanggang linggo lang ng hapon. Hindi ako nag-aaral pero ramdam ko ang pagod nila Bal lalo na't graduating students sila. Sumasali rin kasi sila sa mga extra-curricular activities para ma-maintain at tumaas pa ang grade nila.

Nakaka-proud sila Bal dahil alam kong nagsusumukip sila dahil mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang paglalaro, lalo na't 'yon ang dalawang importanteng bagay para sa kanila. Kahit papaano naman tumutulong ako sa kanila 'pag may alam ako.

Ngayo'y nandito kami sa gymnasium, linggo ngayon kaya may practice kami. "Guys! Magsilapit kayo dito. We have a few announcements bago tayo magsimulang magpractice." Lumapit kaming lahat at naupo sa harap nila Stacy at Agatha, hindi nalang ako umupo dahil hindi pa ako tapos mag-warm-up. Makikinig nalang ako sa kanila.

"This past few days, naging busy tayo sa sarili nating mga gawain. Ni-hindi na nga natin nakaka-bonding ang isa't isa, maliban nalang sa mga training natin. Alam niyo rin naman siguro na malapit na ang Annual Volleyball League sa darating na November, hindi ba?" Pagsisimula ni Stacy habang napatango naman ang lahat.

"Ngayong month mas magiging busy pa tayo dahil magpapakilala na ang may-ari ng school natin. Kaya marami tayong kailangang paghandaan." Napasinghap naman sila. Kunot-noo akong napatingin kay Stacy. Na-ikuwento sa akin ni Von na matagal ng misteryoso dito sa Louvre ang totoong may-ari ng unibersidad, hindi raw ito nagpapakita dahil may katandaan na daw ito at nahihiya na. Mayroon pang isang rason kung bakit, ay dahil daw baka dumugin sila ng media. Sobrang yaman kasi ng pamilyang Louvre, wala raw itong tagapagmana kaya nahihirapan sila.

"H'wag kayong mag-alala dahil makakasama natin dito ang Beach Volleyball team, kaya hindi tayo mahihirapan. Engrande dapat ang mga gagawin dahil sensitibo daw ang ito pagdating sa kalusugan. Kaya kailangan niyong magsipaghanda." Sa sinabi ni Stacy, parang sasabak kami ng giyera.

Speaking of Beach Volleyball, bigla silang pumasok dito sa gym kung saan kami laging nagpapractice. Bawat sports kasi dito sa Louvre may sariling court o kwarto.

"Hi, guys!" Masiglang bati ni Drei. Ang captain nila. Sa totoo lang, unang kita ko palang sa kanya akala ko mayabang at mataray pero mabait ito. Ewan ko nalang sa ibang miyembro dahil parang 'yong iba may galit sa amin.

"Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba't kailan niyong magpractice?" Tanong ni Agatha. Napangiwi ito dahil nakita niyang tinititigan na naman siya ni Fria, manyak kasi ang isang 'to. Makakita lang ng babae nag-iiba ang anyo.

"Good thing you ask. Gusto kasi namin kayo makalaban. Tutal naman matagal na tayong hindi naglalaro, simula noong matalo kayo sa Clash." Mayabang na sabi Tori, napansin kong na-estatwa sila Stacy. Last year, natalo ng Clash ang Golden Vipers sa AVL kaya sila ang naging representative ng Pilipinas kasama ang Elites sa WNVC. Pero hindi rin naman nanalo ang Elites dahil malakas ang kalaban nila, which is ang Vietnam.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon