Chapter 41

2.9K 137 13
                                    



Sherwin

"Hey! Bakit hindi niyo sa kanya pinapasa 'yong bola?" Inis na tanong ni Devin kanila Stacy. Nasa beach kami ngayon at kasalukuyang naglalaro sila ng volleyball. Kalaban nila Devin sina Drei.

"Paano naman kasi, hindi naman niya nasasalo nang maayos 'yong bola. Lagi tuloy nakaka-score sila Tori. Jade, ayusin mo naman." Saad ni Lia. Pawis na pawis na silang lahat at halatang pagod na, si Jade naman ay kanina ko pa napapansin na wala sa sarili o baka dahil naiilang siya dahil nanonood sa kanya si Myline. Hindi ko nga alam kung nagkausap na sila.

"Sub muna si Chell kay Jade." Bagsak ang brasong napaupo nalang sa tabi ko si Jade, bago nila pinagpatuloy ang laro.

"Hey? Okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan, 'yung wala sa sarili." Nag-aalalang sabi ko.

"Pasensya na, wala lang talaga ako sa mood." Uminom ito ng tubig na ibinigay ni Izhang sa kanya, na katabi ko ngayon.

"Bakit sumali ka pa sa kanila?" Tanong ng katabi ko. Napakibit-balikat nalang si Jade bilang sagot.

"You know Haley is jealous." Mahinang sambit ni Izhang kaya napalingon kami ni Jade sa kanya.

"What do you mean?" Pagtataka ko.

"She told Lia about her and Jade's state at the moment, and Lia told us. And oh boy, she's mad. Grabe palaga magselos ang kapatid ni Lia."

"Parang ikaw lang." Asar ni Stacy, na lumalamon na naman kasama si Micaela.

"Shut up." Sinamaan ng tingin ni Izhang ang bestfriend nito.

"Sus, totoo naman. Selosa ka." At hindi pa nga tinigilan ni Micaela.

"Gusto mong isigaw ko rito kung sino ang crush mo?" Banta niya.

"H-Huh? Anong crush ang pinagsasabi mo?" Nauutal niyang tanong. Napaismid naman si Izhang.

"Don't worry, Micaela. Hindi niya malalaman na crush mo siya." Napalunok si Micaela habang nakatingin kay Izhang.

"Who's her crush?" I whispered in Izhang's right ear.

"You will find out soon." Hinalikan ako nito sa pisngi bago tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Sasali." Sabi niya bago hinubad ang cardigan na puti na suot niya. Exposed na ang black niyang swimsuit na ikinatulala ko. Hindi ko naman alam na may swimsuit siyang suot sa loob.

Ang mga tao sa paligid ay hindi napigilang humanga sa hubog ng katawan ni Izhang.

Sa bandang gilid, kita ko ang pagmamasid ni Ranzel sa katawan ni Izhang. Biglang uminit ang ulo. Kumalma muna ako saglit dahil ayoko namang hilahin ulit papalayo si Izhang dahil na rin gusto ko makita kung paano maglaro ang isang Amanda Zhang.

"Woah! Witwiw!" Sumisipol pa ang mga kalalakihang nakikinood sa laban. Ang sarap bigwasan ang mga mukha.

"Selosa ka rin pala, Sherwin." Pang-aasar ni Jade, pinandilatan ko siya ng mata.

"'Wag ka ngang tumingin sa kanya!" Asik ko kay Jade, nahuli ko kasi siyang nakatingin kay Izhang.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Takpan ang mga mata ko?" Binatukan ko siya sa pamimilosopo niya.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon