Chapter 32

3.2K 148 6
                                    




Sherwin

Nakahawak ako sa batok nang pumasok kami sa gymnasium. Nakakahiya kasi dahil nasa amin 'yong buong atensyon ng mga estudyante at ibang personnels. Pero itong katabi ko todo ngiti lang. Sabagay, mukhang sanay naman siya sa mga ganto.

Napayuko ako pinagmasdan ang suot ko. Pinagsuot niya ako ng army green na cargo pants na tinernuhan ng black long sleeve fitted top, binigay niya rin sa akin 'yong itim niyang boots kaya mas matangkad ako ngayon sa kanya. Dinagdagan niya rin ng kulay brown na belt. Sabi niya bagay daw sa akin si Kim Possible, hindi ko naman kilala 'yong cartoon character na 'yon pero pinakita niya sa akin ang picture.

"Lovey, smile, okay? 'Wag kang sumimangot."

"Izhang, balik nalang kaya tayo sa dorm?"

"Lovey, 'wag ka nang mahiya. Kasama mo naman ako magdamag. Besides, nandito sila Von bakit ka mahihiya?"

Nagkibit-balikat ako. "Wala. Hindi lang ako sanay."

"Pwes, masasanay ka na. Kaya, tara na." Pinisil niya ng mariin ang kamay ko kaya palihim akong napangiti.

"Nakanang, hanep ka talaga, Sherwin." Kantyaw agad ni Devin, pinandilatan ko siya ng mata.

"Nagmukha ka ng tao, Bal. Keep it up." Sinamaan ko ng tingin si Von. Mga siraulo talaga, walang magaya kung 'di mang-asar.

"Dito tayo, Lovey. Tabi tayo." Hinala ako ni Izhang sa table na inuupuan nila Bal.

"Hoy, Micaela. Inubos mo na 'yung pagkain ko pati ba naman 'yang sa kambal mo?" Turan ni Chell sa katabi.

"Bakit ba? Gutom ako, ayaw naman ni Toni, eh. Kinain ko na sayang kasi, eh." Rason nito.

"Nahiya ka pa, ito kainin mo na rin 'tong kay Haley." Inabot ni Lia ang pagkain ng kapatid na hindi naman naubos.

"Salamuch. Mwah!" Nag-flying kiss pa pero inilagan ni Lia na ikinatawa nila Von at Chell.

"Ikaw, lovey?" Amanda turned her attention on me. "Gutom ka ba? Ikukuha kita sa buffet table."

Umiling ako. "'Wag na, ako nalang. Dito ka muna, hintayin mo nalang ako."

"Are you sure?"

"Yes po." Hinalikan ko muna siya saglit sa labi bago nagpaalam.

Nakarating ako sa buffet table, hindi ako matakaw pero napansin ko na ang dami kong pagkain na nakuha dahil nakakatakam kasi ang mga pagkain. May buffalo chicken na favorite ko at may strawberry cheesecake. Kukunin ko na sana 'yon kaso may biglang humablot.

Inis na tinapunan ko ito ng tingin. "Bakit kinuha mo 'yan? Ako nauna d'yan, eh." Parang batang maktol ko.

"Bakit hindi mo agad kinuha? Akin na 'to kaya manigas ka d'yan."

"Gusto mong sumbong kita sa bebe labs mo, ha?" Banta ko kay Jade.

"Joke lang, eh. Ito na." Sabay lagay sa plato ko.

"Ang gara ng costume mo, Sherwin."

"Mas magara 'yang sayo. Hindi nga ako natakot sa costume mo." Sadako kasi ang costume niya at nababalutan ng kulay puting kolorete ang mukha niya.

"Dare lang 'to ng bebe labs ko. Sinunod ko lang siya dahil may date kami bukas." Nakangiting sabi nito.

"Diba may retreat sila bukas?"

"Sa hapon pa 'yon, kaya susulitin ko na. Malay mo, makascore ako." Nakangisi na siya.

"Malabo."

"Malabo?"

"Baka magalit si Lia sayo. Siraulo ka."

"Huh, nakalusot nga ako no'ng nakaraan." Nagtatakang napatingin ako sa kanya. Ngumunguya pa ako ng cheesecake.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon