Chapter 52

3K 120 21
                                    




Amanda

Halos sumakit ang mata ko nang imulat ko ito. Ramdam kong parang na-paralyzed ako dahil hindi ako makagalaw, pero 'yon pala ay nakatali ang dalawang kamay ko sa ceiling gamit ang bakal na chain. Hindi ko alam kung nasaan ako, pangalawang beses nang nangyari ito sa akin sa loob ng apat na taon.

Kung dati ay parang mas okay pa ako, ngayon nakakaramdam na ako ng takot. May kakaiba ngayon sa pagdukot sa akin. Ang tanging naalala ko lang ay nawalan ako ng malay at nagising ako rito.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ng silid, hindi tulad ng dati na mabaho at madilim, ngayon ay nasa loob ako ng kwarto na maliwanag kaya kitang-kita ng dalawang mata ko ang nasa paligid. Sa harap ko, may mga buttons at levers na parang mga machine, mayro'n ring mikropono sa gilid nito, sa likod ko naman ay may malaking kama. Malamig ang buong kwarto kaya nagpapadagdag ito sa kaba na nararamdaman ko.

Napadaing ako nang kusang gumalaw ang chain, mahigpit ang pagkakakabit dito kaya walang dudang magkakasugat ako nito.

May kung anong gumalaw sa sahig, hindi ko agad napansin dahil sa pagka-camouflaged nito. Nagbukas ang tila ba'y parang isang trap door, iniluwa nito ang taong kinamumuhian ko.

"Roian." Bigkas ko sa pangalan niya na may pagkamunhi.

"Ako nga. Hindi mo ba ako na-miss?" Ngumiti ito bago lumapit sa akin.

"Walang-hiya ka! Bakit mo ginagawa sa akin 'to?! Hindi pa ba sapat ang pangbubogbog mo sa akin?!" Galit na bulyaw ko sa kanya.

"Don't be like that, my future wife. Baka magalit ako sa 'yo, sige ka." Napailing nalang ako sa inaasal niya. She really is insane. Baliw na siya.

"Sagutin mo nga ang tanong ko, ikaw din ba ang nagpadukot sa akin noong nasa Siargao tayo?!"

"Oo! Plano ko 'yon kaso panira lagi 'yang kutong lupa na si Sherwin!"

"Hayop ka! Mamatay ka na sanang demonyo ka! Bakit mo ginagawa sa akin 'to?! Sa amin?! Ano ba ang nagawa ko sa 'yo?!"

"Wala ka namang nagawa sa akin pero 'yang si Sherwin marami!" Kunot-noo ko itong tinignan. Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy ito.

"Simula palang ay inagaw ka na niya sa akin, ngayon pa't wala na siya, naagaw ka pa rin niya?! Sabihin mo nga sa akin, Amanda, ano ba ang mayro'n si Sherwin na wala ako?!"

"Marami! Unang-una, kahit kailan hindi niya ako pinagtaasan ng kamay, she cherished me because she love me. Lalong lalo na, mahal ko siya!" Naramdaman ko nalang na dumapo ang kamao niya sa sikmura ko.

"Kita mo na! Wala kang kwenta!" Hindi ito nagpapigil at sinikmuraan ulit ako. Ang lakas niyang sumuntok kaya namumuo ang mga dugo sa bibig ko. Idinura ko ang dugo mula sa bibig ko sa sahig.

"Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita kayang mahalin." Kusang pumikit ang mga mata ko dahil alam kong susuntukin niya ako pero wala akong naramdaman. Ngayon ko lang napansin na seryoso lang itong nakatingin sa akin, hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya.

"Remember Leighton? Leighton Louvre?"

Nanigas ang katawan ko nang banggitin niya ang pangalan na 'yon. Of course, how would I forget the person I loved. My first love. She's also Mr. Louvre's daughter. Nalaman ko lang na anak pala siya ni Mr. Louvre ay noong nasa Siargao kami.

"W-What about her?" Hindi ko na itinanong kung paano niya nakilala si Leighton, dahil lahat ay imposible kapag makapangyarihan ka.

"I killed her." Gulat akong napatingin sa kanya.

"Demonyo ka talaga! Napakasama mong tao!" Kung ano-anong masasakit na salita ang mga binibitawan ko sa kanya pero parang wala lang siyang pakialam.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon