Chapter 18

4.4K 231 24
                                    




Sherwin

"Ikaw... ikaw ang dahilan..." Hindi ko siya naiintidihan.

"B-Bakit hindi mo 'ko sinundo no'ng nakaraan?" Sinundo? Kailan siya nagpapasundo? Anong sinasabi niya?

Hindi ko alam ang sinasabi niya kaya nagdahilan ako. "May kailangan lang akong ayusin noon, pasensya na hindi ko nasabi agad."

"Baby... tell me what's wrong? Bakit mo ako iniiwasan?" Tuluyan na siyang nakadilat. Ano raw?

"H-Huh?"

"May nagawa ba 'ko?" Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to. Siguro sa kalasingan niya.

"Anong ba'ng sinasabi mo? Wala kang ginawa. Mabuti pa't umuwi na tayo, gabi na oh."

"Hindi! Hindi ako uuwi hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema, and don't lie to me again na wala. I know meron and I can feel it." Madiin niyang turan.

"Amanda, umuwi ka na. Gabi na at lasing ka pa. Mabuti pa't sa mga magulang mo muna ikaw tumuloy. Tatawagan ko nalang 'yong driver niyo."

"No! Hindi ako aalis dito. Tell me! My iba ka na ba? Ha?!" Sabay kapit niya sa braso ko. Ramdam ko sa mga tingin niya ang galit. Ganito ba siya kapag naka-inom?

"Amanda..."

"Tell me, Sherwin! Meron ba?! Mas maganda ba siya?! Mas matalino?! Mas magaling ba siya sa kama?! Baka naman si Norma?! O kaya si Jade?! Ano?! Tell me!" Mas lalo akong naguguluhan sa mga pinagsasabi niya.

"Amanda! Ano ba'ng pinagsasabi mo? At tsaka wala akong babae."

"Eh, ano 'yung problema mo?!" Hindi na niya napigilan at tumulo na ang mga luha niya na ikinagulat ko.

"Bakit ka ba nagkakaganyan?" Puno ng pag-aalala kong tanong.

"Hindi mo na ba ako gusto? Am I not enough?" May bahid ng lungkot ang boses niya.

"You're more than enough, Amanda." Malungkot akong nakatingin sa kanya.

"Then tell me, why?! Bakit? Bakit mo ako iniiwasan no'ng mga naaraang araw? O dahil ba ito sa pinsan mo?!" Hindi ako nakasagot at napayuko nalang. Bakit ba nadamay si Ranzel dito? Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Hindi ko siya maintindihan. 'Yan ang mga tanong na pumapasok sa aking isipan.

"Amanda... m-mahal ka ng pinsan ko..." Walang-ganang sagot ko. Nakausap ko si Ranzel nang malaman ko na pumayag si Amanda na manligaw sa kanya. Alam niyang pagdating doon, talo ako. Kaya wala na akong nagawa at hinayaan nalang sila.

"Pero ikaw 'yung mahal ko!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad sumagi sa isip ko ang mga posibleng mangyari pero agad ko itong iwinaksi.

"M-Mabuti pa umuwi nalang tayo, lasing ka at hindi mo alam kung ano ang sinasabi mo."

Aalalayan ko sana siya pero bahagya niya akong itinulak. "Huh, gan'on? Alam mo—duwag ka! Duwag ka, Sherwin! Akala ko iba ka eh, akala ko kaya mo akong ipaglaban pero mali ako wala ka rin pinagkaiba sa kanila! O baka naman kasi, ayaw mo na?! Sumusuko ka na?! Nagsisimula pa lang tayo, umaayaw ka na?!"

Hindi ako nakasagot pero nakayukom ang palad ko.

"Fvck you, Sherwin! Duwag ka! Fvck you!" Pinagpapalo niya ako habang hinahayaan ko lang siya. "I hate you! I hate you! I fvcking hate you! I... hate you..." Tuluyan ko na siyang pinigilan at niyakap nang mahigpit.

"Shh... tahan na, Amanda. I'm sorry, I'm so sorry. Everything's going to be okay. I promise. Shh..." Tanging hagulgol lang niya ang naririnig habang nakayap siya sa akin ng mahigpit at ako nama'y pinapakalma siya. I hate seeing her like this, nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.

𝐀𝐌𝐀𝐍𝐃𝐀 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon