Chapter 1. First meeting

72 0 2
                                    

Sa bar...

Rafey's POV

Kanina pa ako naiinip dito. Halos mabilang ko na ang mga taong labas pasok sa bar na to. I'm just sitting at the corner of this bar near the bartending area. Hayyy. I'm with my friends actually and we're here to celebrate Yui's birthday for nnth time. Psh. 

Maya maya, naramdaman kong may nakatingin sakin so I did, hinanap ko sa paligid kung sino man yun. And there, yung guy na nakaupo sa stool ng bar na to. He's actually drinking his beer with his eyes on me. Shit. I suddenly feel uneasiness.

"He's freaking annoying." mahinang bulong ko sa sarili ko. At tinaggal ko na ang tingin sakanya.Baka akalain pa niya type ko siya. 

Minutes passed. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo siya at lumapit sa direksyon ko kung saan ako nakaupo. Pero hindi ko pinahalata na napansin ko siya. Instead, I just crossed my legs at akmang iinumin ang drinks ko nang magsalita siya pagkahinto niya sa tabi ko. Bale naka-side ako sakanya.

"Hey! I want you to move to another table." utos niya. Aba! Medyo makapal din ang mukha ng kumag na to. Nakitang nakaupo ako, tapos bigla nalang ako palilipatin. Ayos. *insert sarcasm* Ngunit hindi ko lang siya pinansin animoy wala akong narinig.

"Are you deaf? Or you're just stupid para hindi maintindihan ang sinasabi ko?" narinig kong tumawa siya ng mahina. Naikuyom ko naman ang mga kamay ko sa pagkainis pagbaba ko ng basong hawak ko.

Akmang hahawakan niya ako ng bigla ko siyang inunahan. Napansin ko namang natigilan siya. "Don't dare touching any parts of my body. Otherwise, I'm gonna punch your face hard." maawtoridad kong sabi.

"Sounds interesting, ha?" pagkasabi niya nun bigla niyang hinawakan ang braso ko para mapatayo ako and due to my adrenaline mabilis kong hinawakan ang kwelyo niya at...

*Booogsh!*

Isang malakas at mapwersang suntok sa mukha ang binigay ko sakanya dahilan para matumba siya malapit sa dance floor at magkaron ng cut sa kaliwang cheekbone niya. He pissed me off so that suits you. I loosen my temper again. Aish! 

"I'm not deaf, anyway. I'm not stupid either." I just arched my eyebrow pagkasabi ko nun habang pinupunasan ng isa niyang kamay yung cut sa mukha niya. Feeling ko naglalabas nanaman ako ng itim na aura. Shete. 

Kahit ganun na yung nangyari, nakuha pang pumantasya ng ibang babae sa loob ng bar. Narinig ko pang sabi nung isang babae "Ang gwapo naman niya kahit may cut na siya sa mukha. Kyaaaaaaaaah!"- haliparot 1

"Ang yummy naman ni kuya, can I take him home?" haliparot 2. Yummy? San banda? Ang landi, ha? Psh.

And when he finally composed himself, "You're strong yet you're interesting." sabi niya ng may ngiti sa mga labi niya. Iba rin to e no? Nakuha pang ngumiti kahit may cut na. Psh. Pasikat. Wa epek uy! *two thumbs down*

"Should I take that as a compliment then?" I smirked. Yabang yabang kanina kala mo may ibubuga, yun pala lampa naman ang gunggung. Psh.

Paalis na ko ng magsalita siya ulit. Actually pasigaw pala yun. "I demand a rematch! You'll pay for this!" rinig kong sabi niya ngunit hindi ko nalang pinansin. Rematch? ASA. At tuluyan ko ng nilisan ang bar.

---

"Ayos, Rafey! Gwapo nung isang yun a. Sayang siya. Pero mukhang bagay kayo." si Monica, yung isang linggo kung magcelebrate ng birthday. Nasa parking lot na kami. "Shut up." walang gana kong sabi. Psh. So, nakita pala nila yun?? Di man lang ako tinulungan? Ramdam ko talaga ang pagkakaibigan namin. (_ _) 

"Ah kung ayaw mo siya, Rafey, Ibigay mo nalang sakin. Promise tatanawin ko yun ng malaking utang na loob." si Yui yan, at talagang nakahawak pa sa dibdib niya na parang tinamaan ni kupido. Lakas talaga ng tama nito sa mga lalaki. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Let's go, Cassy. Iwanan na natin yang dalawa na yan." utos ko kay Cassy, bestfriend ko. Tatawa tawa lang babae. Hayyy. Inaantok na ko.

At isa-isa na kaming hinatid ni Cassy. Sakanya kasi kami nakasakay. Pagdating ko sa kwarto ko, bigla na kong naalala yung lalaki kanina sa bar. Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang naalala. Siguro dahil nabilib ako sakanya dahil hindi niya ako ginantihan. I mean, syempre sinuntok ko siya sa harap ng maraming tao and usually ginagawa ng ibang lalaki, gumaganti dahil na rin sa pagkapahiya. Pero siya? Wow lang!

At dahil sa pagod at kakaisip ng kung ano ano, hindi ko na namalayan nakatulog na pala ko.


(-_-)zzzzZZZ

---

Sef's POV

Nasa condo na ako. Umuwi na ko after nung scene kanina. Sumakit ulo ko e. bukod kase nakainom ako, masakit din yung suntok nung babaeng yun.

"Grabe! Babae ba talaga yun?? Tch. Ang sakit e." natanong ko nalang sa sarili ko habang nilalagyan ng yelo na nakabalot sa tela yung cut ko sa pisngi ko. But then I find her more interesting. Bukod sa malakas niyang suntok, ang ganda rin niya.  Pero ang sakit talaga ng suntok niya e. Wooooooh!

Maya maya may nagbuzzer. Sino naman ang kupal na pupunta sa condo ko ng ganitong oras? Napatingin naman ako sa relo ko at 12 midnight na.

Pagbukas ko, apat na kupal ang tumambad sakin. "Surprise!" sabay-sabay nilang sabi na may hawak-hawak na cake at mga pagkain at canned beers.

O______________O Nagulat naman ako habang nakatapal pa rin sa mukha ko yung yelo na nakabalot sa tela. "Happy birthday, bro! Tang'na binata kana! ^_______________^" si Tofey na isa sa mga kaibigan ko. Teka, birthday ko? Akala ko next week pa? 

"Putcha pre! Di mo naalala birthday mo? Signs of ageing na ba yan??" si Cody naman yan, kaibigan ko rin habang nakangisi ang loko. "Gagu!" sagot ko naman. Signs of ageing? Tch.

"Baka gusto mo naman kami papasukin, Sef? Kanina pa kami nangangawit sa mga dala namin. Maging hospitable ka naman." sabat naman ni Enzo, habang tangan-tangan yung bitbit niyang cake. Kahit kelan talaga, puro reklamo. "Pasok." tipid kong sabi.

"Teka Sef, anong nangyari dyan sa mukha mo? Bakit mo nilalagyan niyan?" si Drey sabay turo sa hawak kong tela na may yelo. "Wala to. Meron lang isang babaeng sumuntok sakin, kaya eto nagkaron ako ng cut." pagpapaliwanag ko. Reaksyon nilang apat...

O____________________O -Drey

O____________________O -Tofey

O____________________O -Cody

O____________________O -Enzo

Tapos "Pfffffffffffffffffffttttt... HAHAHAHAHAHAHAHAHA " sabay sabay nilang tawa. Mga gago to a. Tinawana ako?? Halos mamatay na sila kakatawa. Ano namang nakakatawa sa kinuwento ko? Mga baliw! Tch. A-aray naman, Sef! Bakit mo kami binatukan?" si Cody na hinihimas pa ang ulo niyang binatukan ko. Binigyan ko sila ng tig-iisang batok lang naman.Masakit na nga pisngi ko, tinawanan pa ko.

"Sasagot ka pa o papalalayasin ko kayong apat sa unit ko gamit ang paa ko?" seryoso kong sabi. Kapikon e. "Joke lang, pre. Eto naman ang sungit agad. Tara kain na tayo! Birthday mo pa naman highblood ka." pagkasabi ni Enzo, nilantakan na namin yung pagkain na dala nila tapos isa-isa na naming binuksan ang mga beer namin.

"Pare, maiba ako. Gusto mo hanapin namin yung babae para sayo? Alam mo na, para makaganti ka. Isa pa, gusto rin namin siya makilala." sabi ni Tofey out of the blue. Gusto ko yung ngiti niya.

Bigla namang parang may isang bulb sa ulo ko na nagliwanag. Great! Ngumisi lang ako bilang sagot. Alam na nila ang ibig sabihin nun. 

Marami pa kaming napagkwentuhan pero ang ending, nakatulog kami. Hindi naman dahil sa kalasingan. Konte lang nainom namin, siguro dahil na rin sa madaling araw na.

*

A/N: Kahit isang comment lang for this story, swear, itutuloy ko to. ♥

Girlfriend-Not-So-SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon