Chapter 4.

57 1 0
                                    

Sef’s POV

Kanina ko pa pinagmamasdan ang natutulog na maamong mukha ni Ales Rafaella Hyun. Ang ganda ng pangalan niya, parang siya lang. *__________* O gulat kayo, alam ko na? Syempre, ako pa ba? Hahaha.

Ang tagal niyang magising, almost 30 minutes na nung dinala siya dito nila Cody at Tofey. Hanggang ngayon tulog pa din, napasarap na ba siya matulog? Tsk.

Ilang sandali pa nakita kong bahagyang gumalaw ang ulo niya tanda na magigising na siya. Kaya kumaripas ako ng takbo palayo sakanya at nagtago sa di kalayuan. Kailangan pa-suspense naman daw ang entrance ko. Hahaha.

(-_) mulat sa kanan

(_-) mulat sa kaliwa

O__O Nanlaki mata niya ng mapansin kung nasaan siya. Woooah! Bakit parang ganda pa rin niya kahit nanlalaki na mata niya?? Bakit pag ako parang ang pangit?? ~___~

Inilibot muna niya ang kanyang tingin sa kabuan ng gusali. Tama! Nasa lumang gusali kami na pag-aari namin. Hindi na tinuloy ang pagpapagawa dito, kung anong dahilan, hindi ko alam.

“Why so gay? Pwede lumabas na kayo?” she said coldly at pilit na kinakalas ang tali sa kamay niya sa likod ng upuan. O diba? Mukhang kidnapping talaga ang dating. Pero yung sinabi niya e, GAY?? Tangna! SINONG GAY HA?? ╰_╯ Iba din tabas ng dila nitong babaeng to e no? Hold your patience, Sef. Chill. Wooooh

Nagsilapitan naman tong sila Cody, Tofey, Enzo and Drey nang nakapamulsa pa. Pa-cool ang mga loko. Tch.

“IKAW!!” sigaw niya kay Cody habang umaamoy ang mukha sa galit. ≧﹏≦ “ANONG KATANGAHAN TO AT NAG-EFFORT PA TALAGA KAYONG DALHIN AKO AT ITALI SA MABANTOT NA LUGAR NA TO?” sigaw niya nang hindi pa rin inaalis ang tingin kay Cody.

“Ang ingay mo naman.” walang gana kong sabi habang palapit sakanya. Nagulat naman siya pero sandali lang “IKAW??!! ANO NAMANG KAGAGUHAN TO, HA? AT TALAGANG UM-EFFORT KA PA PARA IPADUKOT AKO!” naghi-hysterical niyang sabi. Lumalabas na nga yata mga ugat niya sa leeg kakasigaw. Ang lapit ko lang o, kailangan nakasigaw?? “At ikaw namang kasama kanina ni Ced, wala ka bang sariling utak para sumunod sa gunggung na to?” baling niya sa titig na titig na si Cody. “May utak ako, loading nga lang minsan! Sorry ha? Ang perpekto mo kase.” sarkastikong sagot naman ni Cody. Ngunit ngisi lang ang isinagot ni Ales.

“O ikaw? Stupid forever lang ang trip mo?” lipat-tingin naman niya kay Enzo na nasa gilid lang niya “Kalagan mo ko! My hands are f*ck*ng hurt! Kapag nagkaron ng marka tong wrists ko dahil sa pesteng tali niyo, humanda kayo sakin. Pagbubuhulin ko kayong lima gamit ang taling to. Mga letche!” sabi niya with a straight face. Tiningnan naman ako ni Enzo na parang humihingi ng ‘Go signal’ kung tatanggalin na niya yung tali, I just nodded as an answer.

Pagkaalis nung tali, mabilis naman niyang tinignan ang wrists niya, sinipat kung may marka na ng tali. Saka siya nag-angat ng tingin at walang sabi-sabing naglakad papunta ng pintuan. Hindi pa siya nakakarating ng pintuan ng muli akong magsalita “Hep! Hep! Hep! Where do you think you’re going?” tanong ko pagkakita sakanya at humarap siya “Malamang uuwi na? Tanga-tangahan lang??” sagot niya at akmang tatalikod na siya ulit “Mukhang may nakakalimutan ka pa?” pagkasabi ko nun dahan-dahan siyang humarap na magkasalubong ang dalawang kilay at tinitigan ako na parang naghihintay ng susunod kong sasabihin “That night, I said ‘I demand a rematch’ mukhang nakalimutan mo yata Ms. Ales Rafaella Hyun.” lalu namang kumunot ang noo niya pagkasabi ko buong pangalan niya. Great. I got her interest now. ∩__∩

Girlfriend-Not-So-SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon