Chapter 2.

55 2 2
                                    

Rafey's POV

Hyun University

Nandito kami ngayon nila Cassy, at Yui sa garden ng school a.k.a 'Landian Park'. Bakit? E ikaw ba naman ang makakita ng landian dito landian doon, di mo pa masabing 'Landian Park' nga ito? Hindi sa bitter ako, ha? It's just that nakakairita sa mata na nahiya na ang benches sa kanila na kulang nalang ng, sorry for the word, KAMA. Psh.

Oo nga pala, kasalukuyan kaming nasa third year level sa college sa kursong BS Marketing. Magkaka-klase kaming apat including Monica. At kaya kami nandito sa 'Landian Park' ay para magbenta ng produkto namin. Meron kase kaming mini food stand dito.Letche! Ayoko sanang gawin to, but for my grade? Oo na lang. (-w-)

Kahit naman pagaari naming ang school na to, hindi ko pwedeng gawin ang gusto ko. Nakareport kase lahat ng activities ko sa parents ko so I don't have any choice but to follow. Besides, I have to maintain my grades bukod kase sa ako ang soon-to-be-owner of this university, nage-excel din ako sa academics.

Maya-maya napansin kong padating si Monica at may dala-dalang "What was that for?" turo ko sa hawak-hawak niya. Pano may dala ba naman maliit na gong?? "Ah. Eto ba?" sabay taas nung hawak niya "May naisip kasi akong pakulo. Teka, nasan si Yui? Kailangan ko siya para sa pakulong to." Sabay palinga-linga na parang may hinahanap. "Yui! Ano ba yan? Mamaya nay an, aral muna bago landi! Psh." Walang pakundangan sabi ni Monica at hinila niya si Yui at binitbit na parang manika.

Tapos napanisin kong may ibinulong sakanya si Monica. Tapos parang kumunot naman ang noo ni Yui =_____= Mukhang di niya nagustuhan ang ibinulong nitong si Monica. Pero dahil wala siyang choice kapag si Monica na ang nagutos, kaya ayun.

Kumuha ng upuan si Monica saka siya umakyat doon sabay tambol dun sa maliit na gong.

*Dung dung dung dung dung* "Calling the attention of the guys out there!" sigaw ni Monica, at lahat naman ng nasa garden ay napatingin sakanya animoy may naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Buy 2 cupcakes, 2 cookies and you'll get a free kiss from our dearest Yui!" sabay turo sa nag-iinarteng nakaupong si Yui. Ow I see. So, that's the plan? *slow clap* for them. Kaya pala kumunot noo niya sa binulong ni Monica. We'', kahit naman may pagkamaharot yan si Yui aba hindi yan basta-basta pumapatol sa mga lalaki. Choosy, kumbaga.

At dahil sa in-announce ni Monica, bigla naming nagsitayuan ang mga kalalakihan sa garden at unahang pumunta sa mini food stand naming at kanya-kanyang bili. Nakakatawa lang na iniwan nila angmga kanya-kanyang date nila. Hahaha.

"Ayusin mong humalik a! Masasapak ka!" si Yui yan na nagiinarte. After mahalikan sa pisngi, walang kaabog-abog na pinupunasan niya ng panyo yung halik sa pisngi niya kahit na nakaharap pa yung lalaki. Aba! Dyosa kaya yan kaya naman no wonder maraming magnasa dyan. "KADIRI HA! BAT MAY LAWAY PANG KASAMA! YOU'RE SO F*CK*NG GROSS!!" bulyaw niya dun sa isang lalaki na ang lapad ng ngiti after maka-kiss kay Yui sabay punas naman niya sa pisngi na parang diring-diri. Yuck nga naman. HAHA

Habang kami naman ay abala sa pagbebenta ng cookies at cupcakes. Wew! Malapit ng maubos. Ang galling talaga ni Monica. Smart kid. ^_____________^

--

Cody's POV

Naglalakad lang kami nung classmate kong si Ced sa garden ng Hyun University. Grabeee. Ang lawak naman ng school na to. Nandito kami ngayon para sunduin yung kapatid niyang transferee sa school na to. Nagpapasundo daw kase. College na, nagpapasundo pa? Tch.

Kung nagtataka kayo kung pano kami nakapasok, well magkaibigan yung parents nitong si Ced at yung owner ng university na to kaya madali lang kami nakapasok. Nung narinig kong pupunta siya dito, walang alinlangang nagvolunteer ako. Haha. Balita ko kase maraming magaganda dito. Bakit nga ba hindi ako in-enroll ng nanay ko dito? Sayang. Ode sana araw-araw akong ganadong pumapasok? Ang daming chicks dito! Wetwew! (-3-)

Nasa kalagitnaan ako ng pagpapantasya ko, isang malakas na tunog ng kung anong bagay ang narinig ko. Sabay naman kami ni Ced napatingin sa direksyon ng pinanggagalingan nun.

Napatanga ako ng may isang babae na ubod ng ganda ang sumisigaw "Calling the attention of the guys out there!" huminto siya saglit at nagpatuloy na "Buy 2 cupcakes, 2 cookies and you'll get a free kiss from our dearest Yui!" pagkarinig ko nun, napatingin naman ako sa babaeng turo niya na magbibigay ng free kiss and oh para akong si flash na mabilis na lumapit sa food stand at naglabas ng pera ng hindi na tinitignan kung magkano yun dahil napako na yung tingin ko dun sa Yui daw ang pangalan. DYOSA! I wanna take her home. Pwede kaya? *smirks*

"Can I take you home, baby?" bulong ko dun sa Yui ang pangalan na animoy nangaakit. Napansin ko naming namula siya at tawang mahina lang ang naging sagot niya. Ow shit! Ang ganda niya talaga. She really turned me on.

"Hoy Cody! Bakit mo naman ako ini..." naputol ang sinasabi niya dahilan para mapatingin sakanya "Rafey? Ikaw na yan? Gumaganda ka yata a." sabi niya dun sa babaeng kausa... te-teka! Kamukha niya yung babae sa CCTV ng bar ko na sumuntok kay Sef a! Opo, I'm the owner of the said bar. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yun. Ang ganda pala niya sa personal. Pero hindi halata sakanya na kaya niyang sumuntok ng malakas. Woah!

"Matagal na kong maganda, Ced. Sadyang Malabo lang yang mata mo." sagot naman niya with sarcasm. Rafey yata ang pangalan, yun ang tinawag sakanya ni Ced e. "Anong meron at napadpad ka dito?" tanong niya with a straight face. Teka, ako lang ba to o sadyang may iba talaga sa pakikipagusap niya kay Ced. Parang may bitterness sa tono niya.Tumawa naman ng mahina ngunit pilit tong si Ced "Hindi ka pa rin nagbabago." Then he smiled, yung nakakaloko.

+__________+ reaksyon nung Rafey? Hala ka! Biglang nagiba ang aura niya. Wooooosh! Nakakatakot naman siya. Parang umaapoy na siya sa galit. ~___~

At si Ced naman nakikipagtagisan din ng nakakamatay na tingin. Parang anytime magka-clash yung dalawa. Tsk.

"Hey, Rafey. Chill. Wag mong sirain ang araw mo sa walang kwentang basurang tulad niya." Sabat naman nung isang babae sa tabi niya.

At bago pa magkainitan, niyaya ko na si Ced paalis dun at ng mamatay ang tension sa pagitan nung Rafey at Ced. "Ui Ced!" sabay tapik ng bahagya sa balikat niya "Diba susunduin mo pa kapatid mo? Tara na. Malapit na maglunch break. Nagugutom na rin ako." pagsisinungaling ko. Aba ayoko naman yatang masangkot sa iskandalo nitong si Ced no? Masira pa image ko. Tsk.

At ayun na nga kumalma na siya at umalis na kami. Ay shete! Maalala ko lang, yung FREE KISSSSSSS KO!!!!!! Sayang yun. Ang ganda pa naman nung isang yun. Kahit man lang sana nakuha ko number niya. AISH! Buset kase tong si Ced panira ng diskarte. (_ _)

Pero buti nalang may napala ako sa pagsama sa gunggung na to. So, Rafey pala ang pangalan niya. Pangmayaman. Akalain mong nahanap ko siya ng walang kahirap-hirap. So tuloy na tuloy na ang plano.

*smirked*


*


A/N: Any reaction for this chapter? Send me your feedbacks, guys. Thank you. ☺

Girlfriend-Not-So-SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon