Chapter 3.

41 2 0
                                    

Rafey’s POV

After nung tensyon kanina sa pagitan namin ni Ced, hindi pa rin ako makapaniwalang muntik nanaman akong sumabog sa galit at muntik ko ng makalimutan na nasa loob ako ng university. Wooooosh! Bwisit! Saka ko nalang iku-kwento yung reason behind kung bakit galit na galit ako kupal na yon. Sa ngayon, gusto ko munang mag-unwind.

Naglalakad na ko papuntang parking lot ng school ng maramdaman kong parang may nakasunod sakin. Tinalasan ko ang pakiramdam ko para hulihin kung sino mang gago ang sumusunod sakin. Tumingin tingi ako sa paligid ng parking lot ngunit wala akong nakikitang ibang tao sa paligid maliban sakin.

Nasa harap na ko ng pinto ng kotse ko ng huminto ako, hinihintay ko kung may mahuhuli ako. Meron talaga ei. I have this strange feeling na parang may nagmamasid sa ginagawa ko. Aish! (=_______=)#

Tumingin tingin muna ko sa paligid para masigurong walang ibang tao bago tuluyang pumasok sa kotse ko. Hayyy baka nagha-hallucinate lang ako dahil sa pinagsamang pagod at pagkabadtrip dun kay Ced. Epal kasi e. Tss.

Pagdating ko ng mansion agad naman akong sinalubong ni Nay Felly “O hija, ang aga mo yata ngayon? May gusto ka bang kainin? Ipaghahanda kita.” Si Nay Felly pala ang nagalaga sakin mula pagkabata. Di na nga yan nakapagasawa dahil mas gusto pa daw niya kong alagaan. Mata-touch na ba ko? Haha. Just kidding. ^_____^V

“Wag na ho, Nay Felly. Busog pa ho ako. Salamat.” pagtanggi ko. Gulat kayo no? Ang galang ko diba? Haha “Ah. Nay Felly, tumawag ba sila Mommy at Daddy?” pagiba ko, sila Mommy at Daddy kase nasa Paris dun kase naka-base yung main company namin kaya madalas wala sila dito. Umuuwi lang sila kapag may major event sa school na pagaari namin o kaya naman special occasion. Kaya ako lang mag-isa sa napakalaking mansion na to. *sigh*

“Ay oo ‘nak! Nagbilin sila na uuwi sila sa susunod na buwan para paghandaan ang kaarawan mo sa August.” O_________O pagkasabi ni Nay Felly nun nanlaki mata ko. Ang O.A naman kase! February pa lang ngayon tapos next month uuwi sila for my birthday preparation?? Tss. Ode wow! “Bakit ‘nak may problema ba?”  takang tanong ni Nay Felly. ‘Wala ho! Walang problema. 4 months ba naman ang preparation ng birthday ko, tignan ko lang magkaproblema pa?’ gusto kong sabihin kaso tinamad ako kaya umiling nalang ako bilang sagot. Hoho

---

Pagbaba ko galling kwarto ko, saktong dating din naman ni Nay Felly galling kitchen “O san ka pupunta?” tanong niya “Magjo-jogging lang. Matagal-tagal na rin kase nung huli kong jogging.”  Sagot ko habang palabas na ng main door. “O sige, hija. Magiingat ka. Umuwi ka bago maghapunan. Ipagluluto kita ng paborito mo.” Ang sweet talaga ni Nay Felly. ^____^

Nagjo-jogging ako while earphones on nang bumalik nanaman yung strange feeling ko kanina sa parking lot ng school. Sa labas kase ako ng village nagjo-jogging ngayon. Tumigil ako sandali at kunwaring aayusin ang sintas ng sapatos ko para tignan kung may sumusunod sakin. Pero wala akong nakita. Siguro guni-guni ko lang yun at napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagjo-jogging.

Sa kakaisip ko dun sa ‘stalker’ ko, hindi ko naman napansin na may saging palang sa dadaanan ko kaya naman *Kablaag* I slipped at lumagapak sa daan. Shete! Nakakahiyaaaaaa. >////////////< O lupa, lamunin mo na ko! Bwiset!

“Pfffft” napatingin naman ako dun sa narinig kong nagpipigil ng tawa “Nakakatawa ba ang pagsemplang ko sayo? Kung tinutulungan mo sana ko, ode naging mabuting mamamayan ka pa.” sarkastikong sabi ko dun sa lalaking nagpipigil ng tawa at pagkasabi ko nun di na niya napigilan ang kinikimkim na tawa “HAHAHAHAHAHAHAHA” sige tawa pa =___________= “Saya mo e no?” sabi ko saka may pinulot na bagay

*Poiiiink*

 “A-ARAY!! BAKIT MO KO BINATO?!!” inis niyang sabi habang hinihimas ang parte ng ulo niya na natamaan. Binato ko kase siya ng napulot kong lata at walang alinlangan kong ibinato sa ulo niya. SAPUL! Ano siya ngayon? Hahaha

“That suits you, asshole. Pa-tanga tanga ka kase diyan, yan tuloy di ka nakailag.” then I smirked at akmang tatalikod na ako para umalis nang bigla niyang hawakan ang balikat ko kaya naman ang adrenaline

*Booogssh*

Yeah. My famous move. ^______^ sinuntok ko siya ng pagkalakas-lakas. Makahawak naman kase wagas kala mo kakainin ako ng buhay. E kung may merscov pala siya ode nahawa pa ko?? Tss *rolled eyes*

“GAGO KANG BABAE KA A! BAKIT MO KO SINUNTOK??!!!!” susuntukin niya sana ko bilang ganti pero dahil ako si Ales Rafaella Hyun, black-belter ng Martial Arts, nailagan ko yun then mabilis kong pinuntirya ang leeg niya and gave him chokeholds (A/N: Isa sa mga techniques sa Martial Arts)

“One wrong move at hindi ako manghihinayang baliin ang leeg mo.” Seryosong bulong ko malapit sa tenga niya. Naramdaman ko namang parang sumuko na ang loko. Hindi na kase siya nanlalaban unlike kanina na todo kung magpumiglas. Natakot siguro. Hoho

Binitiwan ko na siya pero siya di pa rin nakakabawi sa ginawa ko. Tulala pa din. Hahaha. Kaya iniwan ko na siya. Walang kwenta. Kung murahin ako akala mo naman pinapakain ako. FYI lang kayang-kaya ko siyang bilhin, CASH pa! Haha teka ang hangin. ^______^V

Malapit na kong makabalik sa village nang bigla ko nanaman maradaman yung strange feeling ko na may stalker ako. Leche! Sino ba kase yun?!! Napipikon na ko. (-_-)#

Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa. Okay clear. Nagpatuloy ako sa pagjo-jogging ng masigurong wala talagang nakasunod sakin. Napadaan naman ako sa maliit na convenient store, tamang-tama medyo nauuhaw na ko.

Pumasok ako sa convenient store para bumili ng maiinom. Habang nagbabayad ako, napansin kong may dalawang lalaki na kanina pa yata nakatingin sakin, actually hindi mismo sakin, SA LEGS KO! Naka-terry cotton short lang kase ako at white tank top. Alam ko maganda at makinis ang legs ko pero hindi sapat yun para mag-drool sila. Shete! Bastusan to! Harap-harapan. (=_=)# Pero pinilit kong wag nalang i-ignore nalang dahil pagod na ko.

Pagkatapos kong magbayad, wala na sila. Hayyy buti naman dahil kung hindi baka mapaaga ang pagpunta nila ng sementeryo. Psh.

Paglabas ko “Hi miss. You wanna come with us?” sabi nung PANGIT na lalaki sa malanding tono. Capslock para dama! Haha Ay o! Kung makapang-akit kala mo naman saksakan ng kagwapuhan. E kung I-untog ko kaya siya sa punong katapat niya ngayon at ng matauhan? Pwede. *smiked* Yung isa naman niyang kasama palinga-linga sa paligid na parang nagbabantay kung may padating. Wooooh! Old style, ha? Tch.

“Paano kung ayoko?” I said and gave them smirk. Binuksan ko saglit ang tubig na binili ko at ininom yun. “Promise ngayong gabi dadalhin ka namin sa langit.” Napatigil naman ako sa paginom pagkarinig nung sinabi nung isang kumag. SAY WHAT??? Siya namang ikinapintig ng tenga ko. LANGIT?? Aba’t nakuha pang ngumisi ng gago. Putek a! +_________+

“E kung dalhin ko kaya kayong dalawa sa impyerno? Makangisi pa kaya kayo ng ganyan??” sabi ko while giving them death glares. They’re getting into my nerves. =________=

“Aba matapang ka, ha?” hahawakan n asana niya ko ng bigla kong pinilipit ang kamay niya kaya naman napasigaw siya sa sakit “AAAAAAHHHH! A-ARAAAY!” siya naman sugod nung isa pang PANGIT. Kaya naman mabilis kong hinarang yung isa pang PANGIT na hawak ko sa pasugod na PANGIT at pinag-untog ko silang dalawa.

*Boogsh* at ayun kapwa sila hilo. Hayyy. Makaalis na nga. Wala namang binatbat. Psh. Such an eyesore, Pwe!

---

Tinatahak ko na ang daan pauwi, ng biglang may humarang NANAMAN sakin! Aaaarrrggghhh! Pang-ilang encounter ko na ba to sa araw na to?? Teka, siya yung kasama kanina ni Ced a. Bakit siya nandito??

“Ikaw yung kasama ni Ced kanina sa University. Anong kailngan mo? Wala dito yung kaibigan ko. If you’re here to claim your free kiss, siya nala…” hindi ko na naituloy yung sinasabi ko ng bigla niyang takpa ng panyo niya ang ilong ko saka naman ako nakaramdam ng pagkahilo.

*Blank*

 

*
A/N:
Hope you like it, guys. J

Girlfriend-Not-So-SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon