Chapter 10

21 0 0
                                    

Sef’s POV

 Halton University

“Woooooh! Am…boring na…man. Walang magawa” saad ni Cody sa pagitan ng kanyang paghihikab.

“Balita ko may bagong transferee ngayon” biglang singit ni Drey na kanina pa nagbabasa ng comic book.

“Talaga pare? *____*” mabilis pa kay Flash na nakalapit sa harap ni Drey si Cody. Psh. “Babae pre? Ano maganda ba?? Sabihin mo??” hawak-hawak niya ang magkabilang braso ni Drey habang niyuyog ito.

*poink!*

“Aray naman! Bakit mo ko binatukan??” sigaw ni Cody habang hinihimas yung likuran ng ulo niya.

Hindi man lang natinag si Drey sa sigaw ni Cody. Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa ng comic book.

“Ang landi mo daw kase, Cody! Magka-AIDS ka sana! Gagu! HAHAHA” sigaw naman ni Tofey habang hawak ang tiyan kakatawa.

Lumapit naman si Cody kay Tofey para gantihan ito ng sapok pero mabilis namang nakatayo si Tofey at nagtatakbo.

Pinapanood ko lang sila Cody at Tofey na naghahabulan nang mag-beep ang phone ko. Dali-dali kong binunot sa bulsa ng pants ko yung phone ko para tignan kung sino yung nagtext.

[-_-] emoji ng poker face yung ni-reply niya pero kinikilig nako. Shete! Haha

Ahh kaya pala ganyan reply niya kase tinext ko siya kaninang paggising ko ng ganito: ‘Good Morning, babe! Ingat ka, mamahalin pa kita ☺’

Kahit diko nakikita mukha niya ngayon siguradong namumula na yun. Syempre, banatan mo ba naman ng ganon, di pa ba siya mag-ba-blush? HAHAHAHA

Hindi pa man ako nakakapagreply nang biglang mag-beep ulit ang phone ko.

[Wag mong isiping kinilig ako sa text mo! Ang korny mo! Leche!] O______O ehh?? Narinig ba niya iniisip ko??

[I miss you, too!] reply ko. Hahaha ano kaya reaksyon niya? Ang cute niya talagang maasar.

[A-S-A!] aray naman! Maka-asa naman to, kung diko lang to mahal baka pinatulan ko na to e. -____-

“Ngingiti sisimangot? Yan na ba usong facial ekspresyon ngayon?? Mukha kang tanga, Sef” napatingin naman ako sa biglang nagsalitang si Enzo. Naglalaro lang siya ng Psp niya.

“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo gagu kaya manahimik ka nalang dyan at maglaro” sagot ko at sabay rolled lang ng dalawa kong mata.

“Seryoso mo yata? Hahaha. Bakit Sef? Binara ka nanaman ba ni Bara Queen?” tumawa siya ng nakaka-asar

“Sinabi ng…” natigilan ako sa biglang pagbukas ng pinto ng rooftop.

Iniluwa noon ang isang maganda at smart-looking girl na mukhang ka-edad lang namin. Mukha bago lang siya dahil hindi pamilyar ang mukha niya.

Natigilan naman sa paghahabulan sila Cody at Tofey. Natigilan din sila Drey at Enzo sa kanilang kanya-kanyang ginagawa at napatitig sa kadarating na isang hindi pamilyar na babae.

“Hi. Ako nga pala si Cody Saito” nag-abot ng kamay si Cody sa dalaga ngunit hindi man ito tinaggap ng babae. Bagkus ay nilagpasan lang ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kinaroroonan namin.

“Hi ^_____^ Ako nga pala si Lucy Anne Gabriel. Transferee ako dito.” ini-abot niya ang kanyang kanang kamay para sa shakehands.

Girlfriend-Not-So-SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon