🌹HAPPY ANNIVERSARY, GOODBYE...🌹
It's past 8 na ng gabi at hindi nako mag kanda ugaga sa pag seset up ng mga pagkain sa lamesa para sa romantic date namin ng long time girlfriend kong si Yaji..
She loves white roses and pastel colored balloons that's why I decided to put some around the place kung saan alam kong makaka agaw ng pansin nia, gayundin ang makikinang na ilaw na mag sisilbing liwanag namin dalawa.
Sa gilid ng lamesa ay nakapatong ang isang bouquet of flowers na ibibigay ko kay Yaji sa oras na dumating siya.
Pasado alas-nwebe ay natapos ako sa pag aayos, kabado ang dibdib ko sa pagdating nia dahil baka kasi hindi niya magustuhan ang ginawa kong supresa para sa 10th Anniversary naming dalawa.
It's funny to think na 10years na pero hindi pa kami ikinakasal but tonight will be different.
After a few more minutes of waiting ay nakita ko na ang pagpasok nya at ang paglalakad niya papalapit sakin.
Matatamis na ngiti ang binigay nia ng makita nia ko at habang palapit sya sakin ay hindi mawala ang lakas ng kabog ng dib-dib ko.
She's still beautiful as ever and I'm still definitely inlove with her na sa tingin ko ay hindi na yon mag babago pa kahit ilan taon man ang lumipas ay sya at sya parin talaga.
Nang makalapit na siya ay mabilis kong kinabig ang bewang niya upang mas mapalapit siya sakin at kaagad naman siyang natawa sa ginawa ko.
“Bakit ka natatawa?” tanong ko, ngumisi lamang sya at tyaka niya pinisil ang pisngi ko.
"Pilyo ka parin kase.. Hilig mong ikulong ako sa bisig mo na parang ayaw mo na kong mawala pa." Nakangiting sabi nia na kinangiti ko rin.
Nag umpisa kaming sumayaw, sinasabayan ang mahinang saliw ng musika habang nasa bisig ko ang pinaka mamahal kong si Yaji.
“Happy 10th Anniversary hon..” nakangiting sambit ko habang sinasayaw sya.
“Happy Anniversary too, hon.” bati niya sakin.
“Did you like this simple surprise I prepared for you?” tanong ko sa kanya.
Kaagad naman nyang nilibot ang tingin niya at agad syang tumango at balik ng tingin sakin.
“Hmmm...Sobra.. Salamat hon..” nakangiting pagkakasabi ni Yaji.
“Mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kapag nawala ka ulit sakin.” seryosong pagkakasabi ko habang nakatitig sa mga mata niya at haplos ang pisngi nia.
Bahagyan naman siyang napatigil sa paghakbang ng paa at napatitig sakin.
“Mahal na mahal din kita, hon. Pero sana palayain mo na rin ako. Wag mo na sanang ikulong ang sarili mo sa nakaraan nating dalawa. Dahil hindi ko na kayang nakikita kang nahihirapan.” malumanay na sabi nia hanggang sa tumulo na ang luha sa mga mata ko.
Agad naman na dinampi ni Yaji ang malambot niyang kamay sa pisngi ko.
"Please wag ka ng umiyak kase nasasaktan ako."napatitig ako sa mga mata nia na nagbabadya narin na lumuha.
“Wag mo nakong alalahanin hon kase ayos lang ako. Halos tatlong taon narin ang nakakalipas. Kailangan mo narin mag move on. Wag mo narin sisihin pa ang sarili mo, basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal na mahal kita.” saad ni Yaji saka niya nilapit sakin ang labi niya upang ako'y hagkan kaya agad akong napapikit.
Sa pagdilat ng mata ko, wala na sya sa harapan ko.
Napaupo nalang ako sa mga puting talulot ng bulaklak kasabay ng pagpatak ng sunod-sunod na luha galing sa mga mata ko.
“Pinapalaya na kita mahal ko, happy anniversary.” naiiyak na saad ko habang mahigpit na hawak ang litrato ni Yaji.
3years ago, namatay sia dahil sa sakit na leukemia at wala ako sa tabi niya ng magkasakit siya dahil kasalukuyan ako noong nagta-trabaho sa ibang bansa para sana sa future namin pagbalik ko.
Nang dumating ako sa pilipinas, yun din ang araw na namatay si Yaji.
Inantay nia ko, inantay nia ang pagbabalik ko para lang sabihin na mahal na mahal nia ko at nais nyang maging masaya ako kahit wala na sya pero hanggang ngayon hindi ko parin magawa dahil lahat ng ala-ala na kasama ko sya ay sariwa pa sa ala-ala ko.
Sobrang pagsisisi ko na mga sandaling yun at aaminin ko, hindi ko parin kayang pakawalan ang nag iisang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kailangan ko na yung gawin, dahil alam kong nasasaktan sya sa twing nasasaktan ako.
"Happy Anniversary Yaji......"
"Goodbye..." Sambit ko habang hawak ng mahigpit ang kaheta na may laman singsing.
Hanggang sa huli at muli nating pagkikita, mahal na mahal kita..
~THE END~
*Thanks for reading😊♥