🌹 ONE SHOT STORY🌹
💍PANGAKO MONG NAPAKO💍••Her POV••
I was 20 and you are 19...
We got married at young age..
I was the happiest, the luckiest mahirap pero kinakaya kase alam ko andyn ka at sa twing nagtatampo ako nandyn ka para suyuin ako..
"Mahal, I love you salamat kase ako pinili mo at ito ang munting anghel nato ang napaka gandang regalo mo.. Mahal na mahal ko kayo..kayo ng anak natin at magiging mga anak pa natin.." Nakangiting sabi mo habang maingat na buhat mo ang ating unang supling at maingat mong hinagkan ang noo ko kasunod ng mga labi ko.
Lumipas ang mga taon..
Magkasama parin tayong dalawa habang unti-unti narin lumalaki ang ating pamilya..
we fought, we argue , and forgive in the end just like other relationship..Hindi tayo perpekto pero kinakaya natin dahil nangako tayo..
Nangako tayo na kakayanin natin to..
Naniwala ako..
Nangako ka na tayo hanggang dulo..
Naniwala ako..
Nangako kang di mo ko sasaktan..
Naniwala ako.
Nangako kang sapat na ang pamilyang Sabay nating binuo.
Nangako ka...
Ako pinangakuan mo pero lahat yon...
... lahat ng yon kinalimutan mo..
~Wag kang tatawag o mag iiwan ng mensahe dahil andito sya..Mahal kita, magkita tayo mamaya..."
Rinig kong mahinang sabi mo sa kanya..
Mga linya ng pagtataksil mo habang patuloy na minamahal kita..
Takot akong iwanan mo nalang dahil hindi lang ako ang iiwanan mo, kundi kami ng pamilya mo na binuo mo kasama ako.
Nagpakabulag bulagan at bingi bingihan ako sa pagtataksil mo.
Mga ngiti mo pag nagiiwan sya ng mensahe sayo habang magkukunwari akong Ok pa..
Na magiging ok pa..
Ngumiti ka saken.. Pero kitang kita ko sayong mga mata na may mga nagbago na..
Nagsimula na tayong magtalo sa mga simpleng dahilan..
Away na hindi na natin matantya na sinisimulan mo para magtalo tayong dalawa at aalis ka para palihim na ikatagpo sya na imbes na ako ang sinusuyo mo..
Sya na ang pinagtutuunan mo sa mga pagsuyo at mga pangako mo...
Hindi ko na kayang maging matapang habang unti unti mo na kong dinudurog..
Natatakot akong papiliin ka dahil dama ko na..
Dahil ikaw na mismo Pinapadama mo na..
na kahit hindi pa kita pinapapili sya na..
"Please tama na.. Di na kita mahal, maghiwalay na tayo...Hindi ko na kaya." Mga litanya mo na parang wala nalang sayo habang unti unti ng dinudurog buong pagkatao ko..
Pagkatao ko na ikaw ang kasama at katulong kong bumuo..
"N-nangako ka eh.. B-bakit? Ano bang nangyari? Bat ganun-ganun nalang kadali sayong iwan ako?? K-kami ng mga anak mo?" Naluhang tanong ko ngunit dimo nako magawang titigan sa mga mata dahil hawak mo na mismo mga kamay nia..
"G-ganun na lang ba yon?! 20years tayo! 20 years yon sasayangin mo lang sa taong kakakilala mo lang? m-may pamilya tayo! May p-pamilya tayo eh.." Nanghihinang usal ko sa walang pusong gaya mo.
"P-please ayusin natin to... pakiusap h-hwag ganto..ayusin pa natin to." Naluhang pag mamakaawa ko ngunit tumalikod ka na..
Pinagmamasdan ko ang likod mo kasabay ng patak ng luha sa mga mata ko dahil wala na..
Pinili mo na sya...
Sinananay moko,
sinanay mokong umasa na magiging panandalian lang sila na sa bandang huli babalik ka..
Babalikan mo at itatama mo pa..
Bumalik ka...
Tanda mo paba??
Paulit ulit ka pa ngang bumalik diba?? Pero ang sakit isipin na hindi na ako ung babalikan, kundi ako na ung ginagawa mong panandalian at bumabalik ka lang pag nagkakalabuan kayong dalawa dahil nasanay ka..
I kept accepting you back but then I'm just your temporary..
I become the temporary..
Sinanay kita dahil ganun ako katanga..
Nasanay kang twing babalik ka, tinatanggap kita...
I kept asking myself..
San ako nagkulang?? Anong naging kulang na diko nabigay sayo kase handa ko naman ibigay yon handa kong punan at higitan..
Pero hindi nako..
"Ma.. Please tama na.. Di na babalik si papa.." Mga linyang namutawi sa mismong anak nating dalawa..
Sa mga anak nating pinagkaitan mo ng buong pamilya..
Mahirap man pero kailangan kong maging maLakas para sa pamilyang ako nalang dahil wala ng ikaw dahil mas pinili mo sya...
Mas pinili mo sya..
Kesa sa pamilya na pinangakuan mong walang makakapantay kahit kanino pa...
..para sa taong pinili mo..
pakiusap wag mo syang saktan..
Wag mo na rin sanang saktan ung taong pinili mo, ung taong pinagpalit mo sa pamilyang pareho nating binuo..
Dahil gaya mo...
Gagawin ko rin lahat para maging masaya kahit hindi na ikaw ang kasama ..
Dahil alam ko darating ang araw na may ibibigay ang may kapal na muling magbubuo sa pagkatao kong dinurog mo..
At sa muling pagkabuo ko kaya ko na ulit humarap sa anumang pagsubok sa buhay na kasama sya...
Kasama ang mga anak nating dalawa na iniwan mo dahil sa pagmamahal mo sa kanya..
Darating ung araw na ako na ang makakalimot sa lahat ng sakit na pinadanas mo at magiging aral at alaala nalang lahat ng pinagdaanan ko mula sa mapaglaro na mga pangako mo..
Wala kanang babalikan...
Dahil sapat na yung mga taon na dati ako ung laging nahabol at nagmamakaawa sayo..
Darating din ung araw na magiging masaya nako at gaya mo malilimutan ko narin mga pinangako ko sayo...
Sana pag dumating ung panahon na yon..
Wag mo nakong habulin pa..
Dahil gaya mo..
Di nako mag aalinlangang pagtulakan ka dahil ayoko na....