Chapter 11

16 1 0
                                    

Fetch



Labis ang iyak ko noong gabing iyon pagdating sa aking apartment. Along with crying, I was tensed the whole night. Wala akong ibang inisip kundi ang nangyari at ang natuklasan. All this time, they were inviting me just because they would pair me up to a thirsty man!

Hindi ko inakalang gusto nila akong ibugaw kung kani-kanino na lang! I already knew that they do not like me from the very beginning. Kaya sobra ang pagtataka ko kung bakit nila nagagawang ayahin ako sa mga lakad nila. Yun pala, may balak silang ganoon!

Hindi rin ako makapaniwala na sa lahat pa ng lalaking pagreretohan nila sa akin, siya pa! Ano ba? Magkakaibigan ba sila o isang customer na naghahanap?

Naningkit ang mga mata ko sa sariling inisip. The rage in my heart is overwhelming. Nagkulong ako sa apartment buong weekend at lumabas lamang noong mag lunes na at kailangan ko nang pumasok sa trabaho.

Isinantabi ko ang nangyari sa akin noong gabing iyon ng sabado. Hindi ko hinayaan ang sarili na maapektuhan maging ang timpla ng aking sistema.

I did not let myself judge them kaya paminsan minsan ay pinagbibigyan ko sila. But this time, I could not let it just go. I would hold it firmly inside to remind myself all the time that they were not sincere and true to themselves.

"Ilibre kita mamayang tanghalian. Sabay tayong kumain, ha?" si Elena. Ang janitress na ginawan ko ng pabor noon.

Parehas kaming maagang dumating sa pinag-ta-trabaho-an. Halos wala pang katao-tao at bahagya pang sarado ang main door. Sa likuran lamang kami dumaan.

"Hindi na..." matipid kong tugon sa kanya. Hindi interesado sa imbitasyon niya.

I am not saving debt of gratitude of others. Hindi ko inahayaang maramdaman nila na may utang na loob sila sa akin sa tuwing may nagagawa ako para sa kanila, at pagdating ng araw ay babayaran nila sa akin.

"Sige na! Para naman makabawi ako sa pag-linis mo ng palapag ko!"

Hinarap ko siya ng mabuti. Sa totoo lang, gusto ko naman ang ginawa. She does not have to pay back for it because I insisted on cleaning her floor that time anyway.

"Hindi na talaga kailangan, Elena. Mayroon naman akong pangkain. Isa pa, hindi mo yun utang na loob. Ginusto ko yun."

Nagkibit balikat siya at marahang tumango. Nahulog ng bahagya ang kanyang mga balikat, tila nalungkot sa sinabi ko.

Iniwan rin niya ako kalaunan.

Bumalik ako sa pagma-mop ng sahig habang unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga empleyado ng kompanya. They all look formal in their corporate attire. I remember before I wanted to be like them. Gusto ko sanang maging Architect. Nga lang, napagkaitan ng tadhana.

Later on, I had to eat my lunch alone in the cafeteria. I saw Elena on the no-so-far-away table. She was eating with some janitresses. I never leer my eyes on her because I thought that if I hadn't shooed her away, may kasama sana akong kumakain ngayon.

Itinuon ko na lang ang paningin sa pagkain. I have my own world here, in the most cornered spot of the area. No one would notice me anyway. Ilang sandali lang ay natanaw ko ang pagdating nina Cielo, Heart, at Geyl. Masaya silang nagtatawanan habang nagtungo sa counter. Napawi iyon nang makita nila ako.

Usually, kung nagkakaabotan kami rito, tatabihan nila ako sa pagkain. Pero dahil na rin siguro sa nangyari, hindi na nila ako pinansin.

Hindi ko na lang din sila pinansin at tahimik na inubos ng mabilis ang pagkain upang makaalis. I am afraid that once they approach me, I might snob them. I would not deny the fact that I am still angry with them. Ayaw ko rin silang makausap at makasama.

World of Mind (Tragic Story #3)Where stories live. Discover now