Chapter 5

32 1 0
                                    

Thought



Ginugol namin ang buong hapon sa pagtuturo niya kung paano magmaneho. Sa katunayan, hindi ko namalayang ilang araw na ang lumipas na iyon ang pinagkaka-abalahan naming dalawa. Palagi rin akong binibisita ni Amanda sa aking kuwarto tuwing gabi at magpapasalamat dahil nanatili pa ng isang lingo ang anak niya.

"I brought up the booking of his ticket again. And again, he refused. He wants to extend for another week."

Isang gabi na binisita niya ako. Masaya ako dahil masaya siya. Epektibo nga ang ginagawa ko. Gusto ng anak niya ang pagtuturo sa akin at nawili kaya naman nanatili pa ng isang lingo.

It is a win-win situation though. He likes it and I love it too. I learn something from him and I will be a hypocrite if I say it is no of use to me. Natuto akong magmaneho kahit papaano. Hindi man ganun kabihasa ngunit nakakaya ko nang maniobrahin ang sasakyan.

But as time goes by, I notice something weird. Something that makes no sense at all. I see that he likes teaching things... but I also see that he does this for my sake. As if he is doing me a favor because he knows that one day, I'll be gone for sure. And I feel weird because of that.

This is a plan and the main purpose of it is to make him stay here for longer. Maybe because Amanda wants to be with him or change his life or bring his life back. That's the thing I'm sure of.

I praise myself since it is working. However, now, I really feel weird. It feels different. That he's the one who has a plan and that's to do me favors. Kasi nga, alam niyang isang araw, mawawala ako nang tuluyan.

"What are you thinking?" he asked.

My thoughts stopped. Oh yeah, kasama ko nga pala siya. Like usual, we are here in the oval. Katatapos lang sa pagtuturo niya sa akin ng pagmamaneho at ngayon ay pareho kaming nakasampa sa harapan ng sasakyan, habang pinapanuod ang tanawin sa aming harapan.

We brought food with us also. In fact, even drinks.

"Hmm... now that I learned driving, what else I wanna do? Yeah, I'm thinking of that."

My plan still goes on. Hindi maaaring dito na matatapos ang lahat. He knows that I can already drive. Baka bumalik na siya sa Manila kung sakaling mapagtanto niya iyon. So, I am doing my next move. But even I do not know what else to do that may involve him.

"You aren't thinking of that,"

Natatawa ko siyang nilingon. At alam niyo na kung ano ang itsura niya sa mga oras na ito. Naninigarilyo na naman. "Yes, I am." Pagkukumpirma ko sa aking pahayag.

Nagkibit siya ng balikat tila hindi talaga naniniwala sa sinagot ko sa kanyang tanong. I guess, he has hints of what's on my mind, huh. Interesting.

"You brought beers!" Itinoon ko ang atensyon sa mga alak na kasama ng mga pagkaing dinala namin.

"That's for me alone," kinuha niya ang kinakalikot kong paper bag kung saan naroroon ang mga alak.

"Anong akala mo sa akin? Hindi marunong uminom?"

"These are all for me," he said in finality. Wow!

I rolled my eyes and brought back my eyes to our front view. Tss. Fine, your beers are all yours. And tomorrow, I'll have mine. I used to drink before. A lot. I drink when I feel pressured. I drink when I feel chill. Umiinom ako noon sa tuwing marami akong kasama ngunit para namang wala. At umiinom ako sa tuwing wala talaga akong kasama at nag-iisa lang.

I mockingly laughed at the memory of it. Sabi nang marami, kung gusto mong makalimot, uminom ka lang. So, when the time came that I want to forget, I did drink. That's what I did whenever I want to erase memories.

World of Mind (Tragic Story #3)Where stories live. Discover now