Chapter 16

36 0 0
                                    

Savior



My head was terribly aching. I recalled what happened last night. I slowly opened my weak eyes and all I could see were blurred figures. Maybe I was tired yesterday, huh? Kaya parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon? Pero teka, ano bang ginawa ko kahapon? Namili lang naman ako ng grocery tapos... tapos... shit! I was abducted!

I harshly opened my eyes. Gusto kong malaman kung nasaan ako dahil tila nabuhusan ako ng malamig na tubig nang mapagtantong nasa panganib na naman ang aking kawawang buhay!

Bakit ba pinairal ko na naman ang kahinaan ko at hindi man lang nakapag-isip ng mabuti para makatakas? Pero hindi pa huli ang lahat! Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng lugar. May dalawang dilaw na ilaw sa malayo. Malawak ang kinaroroonan ko ngunit tanging isang pinto lang ang labasan. Although, my spot was darker, my eyes still managed to adjust and were able to see the whole area clearly from afar.

Naghanap ako ng bintana ngunit isa lang ang nakita ko, nasa itaas pa at maliit. The room was high-ceiling, so I could not reach that tiny window. It was empty and hollow. Wala man lang akong makitang bagay na pwedeng gamitin.

I tried to move but then again I realized I was tied up in a wooden chair. May masking tape na nakatakip sa aking bibig. Ang mga paa ay matindi ang pagkakatali sa paanan ng upuan at ang mga kamay ay nakatali rin sa likuran nito.

This explains my aching body!

I hummed to make a sound but it's useless! No one would hear me!

Natigil ako sa pagmamasid nang bumukas ang nag-iisang pintuan at pumasok ang apat na kalalakihan. There in the middle, was the leader of the gang. Lumapit sila sa gawi ko at pinalibutan ako.

Here I thought Sean already have settled with them?

Naniniwala ako sa sinabi niya kaya ano pa ba ang kailangan ng mga ito?

"Gising kana pala miss..." nakakalokong sambit ng pinuno. Isang matalim na tingin ang iginawad ko sa kanya pabalik.

"Kamusta naman ang tulog mo? Mukhang hindi maganda."

Nagtawanan silang apat. Fuck them! I hummed in a harsh way so he could get my murky message. Lumapit pa siya lalo sa akin para tangalin ang masking tape sa aking bibig.

"Pera ba kailangan niyo? Sorry pero wala ako nun!" kaagad kong sambit ng matangal ang tape sa aking bibig.

"Huwag kang mag-alala, hindi yan ang kailangan namin. Simple lang."

"Ano?!" ngumisi siya ng nakakaloko.

"Sean Bryant. Siya lang ang gusto namin. Gusto kong mahirapan siya bago mamatay."

"This is a mistake. You mistook us! Hindi kami magkakilala, hindi kami magkasintahan kung iyon ang iniisip niyo. Wala akong koneksyon sa kanya kaya bakit ako nandito kung siya pala ang pakay niyo?! Bakit hindi siya ang kinuha niyo?!"

No. I do not want Sean to be with my position. Ayaw kong makuha nila siya kung balak nilang pahirapan siya at patayin sa huli.

"Hindi magkasintahan kamo?" humalakhak siya. "Sinong niloko mo? Paano mo ipapaliwanag ang ginawa ng bastardong iyon para lang maprotektahan ka, ha?"

Kumunot ang noo ko sa naging turan niya. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Nagsisinungaling yan boss. Huwag kang magpaniwala. Bakit nun lalapitan ang tatay niyang mayaman kung hindi niya yan gusto?" sabi ng isa.

World of Mind (Tragic Story #3)Where stories live. Discover now