Epilogue

719 29 6
                                    


Sakay ang sampung taong batang si Prick sa kaniyang skateboard at matulin niya itong pinapatakbo. Nagpapasikat kasi siya sa mga bago niyang kaibigan na magaling siyang mag-skate kesa sa mga ito.

"Oh, ano? Sabi sa inyo magaling ako eh!" Sigaw niya at nilingon ang mga batang kasama. Nag-thumbs up ang mga ito sa kaniya at ganoon din ang ginawa niya pabalik sa mga ito.

Nang tumingin siya sa harapan ay nagulat siya nang may sumulpot na batang babae suot ang kulay pink na dress nito at doll shoes. Agad na nataranta si Prick at tila nakalimutan niya bigla kung paano pahintuin ang skateboard.

"Hoy! Bata! Umalis ka diyan!" Sigaw niya, nagulat lamang ang batang babae ngunit nanatili sa pwesto nito.

Napasinghap siya habang napapikit na lamang ang bata sa kinatatayuan nito. Agad niyang iniliko ang skateboard ngunit nasanggi pa rin ang bata kaya't napaupo ito sa sahig. Siya naman ay muntik ng madapa ngunit agad niyang ibinalanse ang kaniyang katawan.

"Hoy, ikaw! Sabi ko umalis ka diba?!" Sigaw niya bago dinuro ang batang babae gamit ang daliri niya.

Mula sa pagkakatulala ay dahan-dahan itong napatingin sa kaniya. Ang kilay nito ay unti-unting tumaas at biglaan itong tumayo na ikinagulat niya.

"Excuse me?! Ikaw kaya ang muntik ng makabangga dyan! You should say sorry!" Palaban na sigaw din nito pabalik sa kaniya.

Napanganga siya ng bahagya dahil doon. Hindi niya akalaing sisigawan siya ng batang ito. Halos hindi nga umabot sa dibdib niya ang tangkad ng bata. Malamang ay nasa edad lima o anim pa ito.

"H-humaharang ka kasi! Daanan 'to diba?"

"Oh yes, daanan nga ito ng mga taong naglalakad not a skateboard with a boy on top, so why would you skate here, idiot?"

Bigla naman siyang napikon sa sinabi nito. "Sumusobra ka na ah! Kailangan mo 'ata ng palo sa pwet eh!"

"Don't you dare! Isusumbong kita sa kuya ko!"

Ngumisi naman siya. "Magsumbong ka lang, bata, hindi ako natatakot sa kuya mo."

Kumibot-kibot bigla ang labi nito na parang maiiyak na. "Talaga!" Matapos ay mabilis itong kumaripas ng takbo.

Bigla tuloy siyang na-guilty pero wala pa naman siyang sinabing masama dito ah? Iyakin lang siguro ang batang babaeng 'yon.

Habang nagdi-dribble siya ng bola ay napansin niya ang isang batang lalaking nakatingin sa gawi niya. Walang emosyong makikita sa mukha nito ngunit mapapansin naman ang paghanga na makikita sa mga mata nito.

Mapayat ang bata, maitsura at maputi. Halata din mula sa suot nitong polo at pantalon na isa itong anak mayaman. Mas matanda marahil siya ng isang taon lamang.

Dinuro niya ito at maangas na nag-angat ng tingin. "Hoy! Dayo ka?"

Isang tango ang isinagot ng batang lalaki. "Yes."

Ngumisi siya at inipit ang bola sa gilid ng katawan at sa braso niya bago ito nilapitan. "Uy nangangamoy pera ah."

Bahagyang nangunot ang noo ng bata matapos ay nagbaba ito ng tingin sa bulsa nito bago isinilid ang palad. Nanlaki ang mata niya ng maglabas ang kamay nito ng lilibuhing pera mula sa bulsa at iniabot sa kaniya.

"You can have this money," Tumingin ito sa bolang ipit-ipit ng braso niya. "Just teach me how to play basketball."

"Hindi ka ba nagbibiro?" Maang niyang tanong ngunit tumitig lamang ito sa kaniyang mga mata kaya naman napangisi siya. "Okay, deal. Ano ba pangalan mo, bata?"

"Oddy."

Kinuha niya ang pera mula sa palad nito. "Prick Jonas nga pala. Simula ngayon, ako na ang coach mo."

His Bed WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon