Chapter Twenty-Two

551 22 0
                                    


Kinuskusan ng mabuti ni Cate ang kaniyang katawan habang nakababad siya sa bathtub na punong-puno ng rosas upang mapanatili ang kaniyang malambot at makinis na balat.

Tuwang-tuwa niyang inabot ang mga rosas at ipinahid ito sa kaniyang braso. Tinignan niya ang kulay niya at napasimangot. Umiitim siya ng kaunti. Dati naman sobrang puti niya. Hindi kasi siya makapagbabad doon dahil wala namang bathtub.

She looked at her toes. Malinis na at makinis na ulit tignan. Talaga namang kaaya-ayang tignan ang makinis niyang balat.

Lumabas siya ng banyo suot ang favorite niyang bathrobe. Ginamit niya ang blower upang patuyuin ang buhok habang nakatingin sa salamin. Kumindat pa muna siya bago pumasok sa kaniyang walk in closet.

"Oh my g! How I missed my dresses!" Tili niya matapos makita ang sangkaterba niyang damit na kinulang sa tela. Kinuha niya ang isa at niyakap iyon ng mahigpit.

Mabuti na lamang at nagpapadala din ng maglilinis ang nanay niya sa kaniyang kwarto 'pagkat hindi man lamang nagkaroon ng alikabok sa loob ng kwarto niya. Napakalinis at napaka-maaliwalas tignan. Kung paano niya iniwan, ganoon niya ding nabalikan. How sweet of her mother.

Pinili niya ang isang dress na umabot lamang ng kalahati ng hita niya. Kulay asul iyon at kumikinang pa. Kita ang likod niya at may kaunting slit ito sa tagiliran. This is her style of fashion. She really love it!

Pumili din siya ng isusuot sa paa. Kinuha niya ang isang stiletto na kulay itim at tinignan niya ang sarili sa salamin. Napasimangot siya, parang may kulang.

"Oh, I know!" Kinuha niya ang kaniyang mga alahas. Naglagay siya ng kwintas, hikaw at pulseras. Gumamit din siya ng foundation and pulang lipstick lang dahil allergic nga siya sa make ups.

She looked at herself again at the mirror but her smile faded. She wasn't really happy completely. Parang may kulang. Hindi kulang physically kun'di kulang sa kaniyang nararamdaman.

Malungkot siyang naupo sa kama at biglang natulala. Bigla niyang naisip ang mga moments na kasama niya si Prick. Abot kamay na pala, hindi niya pa nalaman. Kung naniwala lang siya sa instinct niya, walang mangyayaring ganito at hindi magkakaproblema.

Masyado kasi siyang nadala sa emosyong bago sa kaniyang pandama. In-enjoy niya ang mga bagay sa paligid at hindi inalam ang kapahamakang nasa paligid lang niya. Masyado siyang naging padaloy-daloy na animo'y normal lamang ang lahat.

Sa totoo lang, napaka-komplikado ng kinatatayuan niya ngayon. Dapat lang ba siyang manahimik o sabihin ang nalalaman niya?

Nagising siya mula sa pagkakatulala nang may kumatok sa pintuan ng kwarto niya. Bagsak ang balikat na binuksan niya iyon at bumungad sa kaniya si Pollo.

"Dad called yo---aalis ka?"

She raised her brows. "Hindi ba obvious?"

Pollo rolled his eyes. Ang taray. "Dad called you. They want to ask you some questions."

Bigla siyang kinabahan. "W-what is it?"

He shrugged. "Dunno. Ask them." Then he turned his back on her.

Napasinghal siya. Wala talagang pakialam sa paligid ang batang ito. Ni wala pang galang sa kaniya kahit na siya ang mas nakatatanda. 'Di porket tumangkad at nagmukha ng mature, gaganituhin lang siya na parang siya pa ang bunso.

Nagtungo siya sa opisina ng kaniyang ama. Nakita niya doon si Primo, Oddy at ang myembro ng ZECOND at ZERO.

Parang gusto na niya tuloy na umatras. Nakakatakot namang pumasok kung ganitong karaming lalaki na sobrang seryoso ang itsura ang sasalubong sa kaniya.

His Bed WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon