"Oh my g! I like this one!" Impit na tili ni Cate habang tinuturo ang fishball."Ignorante." Pagpaparinig ni X na naiiling sa kainosentehan niya sa mga simpleng bagay.
"What's the name po this orange with egg inside, manong?" Tanong niya naman na ang tinutukoy ay kwek-kwek.
Nalilitong tumingin si manong kay X and X just sighed before answering her question. "Kwek-kwek."
Her eyes widened innocently and her lips turns into an O. "It's sounds like quak-quak. Yung egg ba sa kwek-kwek is from the bibe?"
"Nah. Don't ask too much. Maingay."
She rolled her eyes. Pinagpatuloy na lamang niya ang pagkain ng street foods at hindi na pinansin pa si X. Ayaw lagi sa maingay. Nakakagwapo ba ang pagiging tahimik?
"Manong, galaman po ulit." Magalang niyang sabi sa matanda na natawa lang.
"Gulaman." Pagtatama nito bago kumilos upang lagyan ang plastic cup niya ng gulaman.
Inilabas muli siya ni X sa HeadQuarter matapos ang isa linggo. Kakauwi lang din kasi nito ngayon gaya noong nakaraang dinala siya nito sa karinderya. Hindi niya alam na kaya niya palang tagalan ang pagtira sa isang lugar na hindi naman talaga siya komportable.
Well, she really enjoyed living with the ACE. Maraming siyang nakakausap, nakakasundo at syempre, nakaka-away. Normal na lang ang araw na nakakasagupa niya ang ilang babae sa HeadQuarter na pinag-iinitan siya ng ulo lalong-lalo na ni Y. Alam niya naman kung bakit ito naiinis sa kaniya and she really doesn't care at all.
She knows, ang tumira kasama ang ACE ay maaaring magdala sa kaniya sa kapahamakan. What she's doing is really dangerous at maaaring madamay pa ang ZECOND pero mukhang hindi naman kilala ng dalawang grupo ang isa't isa, saka tiwalang-tiwala naman siya na hindi siya masasaktan dito. She just feel safe especially when X is around.
"Ayaw mo bang umuwi sa inyo?" X suddenly asked while his eyes is not leaving the road.
Nagmamaneho kasi ito at mukhang sa kabilang bahagi sila ng Casino dadaan. Mas maluwag ang daanang ito kesa sa kabila na eskwater na masikip at punong-puno pa ng mga taong nakikiusyoso. Dito sa daang ito kadalasang dumadaan ang mga mayayamang nais maglaro sa Casino. Mas bongga rin dahil may magandang gate na makikita at maayos na parking kesa sa kabila na lumang bahay lamang.
"I'm still enjoying pa eh." She shrugged her shoulders and checked her face at the side mirror.
He hissed. "Hindi mo ba naiisip na nag-aalala rin sila sa kalagayan mo?"
She pouted her lips. Of course, sino ba namang magulang ang hindi mag-aalala para sa kaniyang anak? Alam niya iyon pero hindi naman kasi sa lahat ng panahon ay makakasama niya ang mga magulang kaya ngayon pa lang ay sinasanay na niya ang sarili. She wants to be independent, marami siyang gustong matutuhan at alam niyang hindi pa talaga mature ang isip niya sa mga bagay-bagay.
She actually misses them. Her mother's rant at ang baliko nitong ingles, her father's laugh, her older brother's kunot-noo face and her little brother's annoying face. She misses them a lot. Nasanay kasi siyang nakadepende lagi sa pamilya niya. Siguro, oras naman na kailangan niya ring sanayin ang mag-isa.
Pero halos isang buwan pa lang naman siyang nawawala sa poder ng mga ito. Nagpaalam naman siya ng maayos sa mga magulang niya at uuwi lang din kung gugustuhin niya. She's safe, nothing's to worry about.
She looked at X. Isa rin sa dahilan ang lalaking ito kung bakit nananatili pa rin siya dito. She misses Prick so much. Gabi-gabi siyang binabangungot ng mga alaala ni Prick sa kaniya. Nakikita niya kasi talaga si Prick kay X, yung tipong nakakagaan ng loob na kahit wala na talaga si Prick sa piling niya, tila narito pa rin ito dahil kay X na kahawig nito.
BINABASA MO ANG
His Bed Ways
Romance[COMPLETED] ZECOND's Number Eight: Prick Jonas Taranza *** Hecate Vladimir is a spoiled brat, her family spoils her so much because she is the only girl in the family. She gets what she wants, that's why when she saw his familiar face, she followed...