1

70 12 8
                                    

      "Alam mo bang bakit natatakot akong mamatay?" pabulong niyang sinabi ng naiwan na lakas na mayroon siya.

      Nakita ko ang pagmumutla ng kanyang labi at pag onti-onti ng pagbaba ng mga mata niya, pansin ko ring nabigatan na ang mga ito na pilit parin bumukas at tumingala sa akin.

     Humigpit ang kapit ko sa kanyang mga nakamaong kamay na nakapatong sa itaas ng kanyang tiyan habang nakaluhod ako sa gilid ng kanyang higaan.

     Pinigilan ko ang mga luha na kanina pang pumilit na lumabas sa mga mata ko.

     Ano? Balak ko sanang tanungin ngunit ayaw magsalita ng labi ko, tila nanatiling tahimik ang boses ko na parang may pumipigil nito sa pag iingay.

     Ano? Ano ang kinatatakutan mo, ate Vivian?

     Pilit siyang ngumiti ng napakapait sabay patong ng kanang kamay sa ibabaw ng akin. ".... na makita mo akong lumisan. Ayaw kitang mapasakitan, Epifania." lumuha ang mga mata niya at tuluyan ng nanginginig ang boses nang binitawan ang sumusunod pa na mga salita. "Ayaw ko pa kitang iwanan ng g-ganito kaaga... h-hindi pa... dapat... pwede.."

     Naubo siya dahilan na may biglang tumunog galing sa apparatus na iginagagapos ng kanyang tubing.

     "Excuse me po." sumulpot na sa aming gitna ang kanyang attending nurse na kanina pang nakatayo sa likod ko, nagbabantay.

     May kasama siya na mismo ng tumulak sa akin palabas ng kwarto lalo nang napapansin nila ang malubhang kalagayan na pinagdurusa ng ate ko at ayaw nila makikita ko ang kanilang gagawin maya maya sa kanya.

     Labag sa kalooban ko ang nangyayari kay Vivian nang napilitan nila akong lumabas.

    Gusto ko siyang balikan sa loob ng kwarto, sa kanyang gilid at hawakan ang kanyang kamay at aliwin siya ngunit hindi payagan ng sitwasyon ngayon na iyo'y mangyari.

     Tila ay hanggang sa labas ako ng kanyang pintuan ako'y naiwang umiiyak, bawat lipas ng oras, sumisikip ang dibdib ko at kabahan na pinagisipan ang ano-anomang posibleng masamang ganapin roon.

     Gigising pa ba si Vivian? O tutuluyan na ba siyang-....

     Mga luha ko patuloy ng bumubuhos.

     Ilang minuto ay biglang tumahimik sa loob ng kwarto ni Vivian na kinatatakutan ko.

     Lumabas ang nurse mula sa kwarto ni Vivian. May konting malamlam na ekspresyon sa kanyang mukha. Maya maya ay naubos lahat lakas ng aking mga paa at tuluyan akong pumatak sa sahig sabay iyak.

Present

     "Epifania Reyes."

     ....

     "....Ms. Epifania Reyes?"

     "Hoy." siniko ako ng katabi ko. "Ba't nakatulala you? Sinu-summon ka na ni Misis Whiskers, o!"

     Bumalik ako sa realidad kaagad nang masilayan kong nakatitig sa akin likod ng kanyang mga salamin ang mga matalim na mga mata ni Misis.

     Napatalon ako sa upuan. "E-eto na po..!"

     Hinampas ni Margaret ang pwet ko sabay kindat. "Good luck, pyutur doc!"

     Muntik ko nang makalimutan na may mock interview ako ngayon! Bakit ba kasi yung huling pakikisamahan ko ni Vivian sa hospital ang naalala ko sa oras na ito?

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon