Layla's POV
"May gusto sa kanya si Layla"
Si Margaret ang gusto ni kuya Sultan. Of course, ano pa ba ine-expect ko? Na may chance pa ako na magugustuhan ni kuya pag binigay ko best ko? Pag papakitan ko siya ng mga intensyons ko?
Eh, huli na Layla. May nakaka pag pa tibok na ng puso niya na noon pa hiniling mong tagumpayin. Tapos na. Hindi mo na kailangan pang habulin siya, di ba? Dapat na lang masaya ka na para sa kanya at para kay ate Margaret.
Umalis na ako dun sa pwesto ko tapat sa pintuan ng kwarto ko at sinugod si mama sa kusina. Bigla ko siya niyayakap sa likod habang may inaayos siya sa hapunan na pinaghandaan niya.
"Anak ng palaka!" bitiw niya nang mabiglaan sa ginawa ko. "Ikaw ba naman, Layla, lapit mo kong binigyan ng cardiac arrest." joke niya.
Sa halip ng matawa ako sa kanya ay nabiglaan ako sa luha na tumulo labas ng mga mata ko pababa ng pisngi ko. Hinigpitan ko ang yakap kay mama at ibinaon ang mukha sa likod na sabay punas na ng luha sa kanyang damit. Sowie ma, ginagawa na kitang towel na pampupunas.
Ano ba kase ayoko makita niya akong biglang nagluluha, lalo na't nandito pa naman sila ate Margaret at ate Fania.
"Ako na, ma." sabi ko sa kanya sabay nakaw sa bowl na may laman na sinigang na aakma niya sanang dalhin sa dining room.
Habang naglalakad ako papunta sa dining room, napa buntong hinga ako. Oras ko na bang magsimula ng magmo-move on?
Bigla akong nakaramdam ng pagsisikip ng dibdib ko na hinawakan ngayon ng kamay ko.
Ganito pala yon kahirap.
Epifania's POV
"Saan na kaya yung batang iyon?" nagsimula ng kinabahan si tita.
Nakapalibot na kami lahat ngayon sa mesa puno na ng kainan. May banner sa ibabaw ng pinto sa gitna ng sala at dining room, na may nakasulat na "Welcome Back, Tomas!"
Kanina pa kami naghihintay sa guest of honor. Malapit na mag se-seven ang orasan wala parin siya.
"Hindi kaya traffic?" hula ni Layla.
"Ano ka naman bata ka. Kailan pa tayo nagka-traffic dito sa probinsya?"
"Yon nga. Baka nasa siudad pa siya o sa airport, kakaabot ng flight niya."
Nagaakmang abutin ni Bingo ang marshmallow hotdog stick sa mesa pero pinigilan ito ni Margaret. Nakaupo ngayon si Bingo sa kanyang lap at napansin namin na kanina pa ang bata gustong paglaruin ang napaghandaan sa harapan niya.
Kanina parin na palipat lipat ng lakarin si tita sa sala habang sinusulyap ang orasan. Hanggang sa hindi niya na matiis ay pumunta siya doon sa gilid na may cabinet at kumuha ng private phone sa loob ng desk ito. "Ano nga ulit number ng kuya mo, Lay?" tanong niya habang may pinipindot siya dun sa phone sa na hinahawak niya.
"Hindi ko matatandaan, ma. Hindi ba yun naka save diyan ng tumawag siya last time?"
Kinakagat konti labi niya habang lumiliit ang mga mata ni tita nakatutok sa screen ng private phone. "Hinahanap ko. Nako. Lumalabo ng mga mata ko. Anak, pakikuha ng mga salamin ko-"
"Nasa buhok mo salamin mo, ma." paalam ni Layla.
Gumalaw ang kamay ni tita sa ulo niya hanggang sa mahawakan niya ang kanyang salamin. "Ay nako, bulag na, malilimutin pa. Pasensya na tita niyo, matanda na..." tumawa siya ng kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Tila
RomanceKung kailan pa na tiyak ka na sa patungo ng buhay, ay kailan din hindi maiwasan ang mga bagay na magdu dulot ng pagsasalanta. Maya maya ay aabutin ng pagod at lito kung papaano na takbuhin ang lahat, harapin ang mga walang katapusang problema, dagda...