Sultan's POV
[Lieber Herr Sultan Langley, wir sind stolz darauf, Ihnen mitteilen zu können, dass Sie unter den vielen Bewerbern ausgewählt wurden, die die Vorrunden unseres Programms bestanden haben. Das Philharmonic Orchestra begrüßt Sie als Teil der Junior Associates und dieser Brief bestätigt Ihnen die Position. Kann-]
[Translation: Dear Mr. Sultan Langley, We are proud to inform that you have been chosen among the many applicants who passed the preliminary rounds of our program. The Philharmonic Orchestra welcomes you part of the junior associates and this letter certifies you of the position. May-]
Huminto ako ng pagbasa saka sumandal sa upuan ko sabay angat ng tingin ko sa kisame. Naka siradong bibig ako na tumili.Yes! Tanggap ako! Praise God!
Napatalon ako sa gulat ng saglit nang may nagbukas ng pinto ng kwarto ko saka pumasok ang makulit na kapatid ko na si Sabrina.
"Ano na?! Ano ang balita?!" di niya mapigil na laksan boses niya.
Binigyan ko siya ng thumbs up na dahilan na mapatili siya ng mas malakas pa sa sinasakal na soro.
"Mas masaya ka pa kaysa akin ha. Ginusto mo talaga na mapasama kuya mo sa isa sa napakasikat na orchestra sa Vienna?"
"Hindi!" angal niya. "Gusto kitang mag-abroad at para mapasa-akin itong studio mo!" tumawa siya yung nakaka-demonyo sabay biro ng. "Lumayas ka na!"
Hay nako, Sabrina. Wala talagang pinagbago sayo.
"Alam mo, hindi na ako magugulat pa kung pati sa libingan ko magpipiyesta ka parin."
"Ang tanga mo talaga kuya no, kahit kailan! Malamang hindi ka na makaramdam ng paggugulat eh patay ka na nga!"
Kung makataray parang sino. Pinaalala pa ako ng kakilala. Kaya nga mahal ko yan eh.
"Kuya, ayusin mo nga kwarto mo. Ang kalat dito!" reklamo siya sa mga music sheets na nakalat sa sahig sa paligid namin. "Kakaiyak. Ako pa ba paren pa linisin mo? Porket makakwarto ko na 'to, ako pa ang maglinis sa kalat mo."
Sinimulan niyang pulutin ang mga papel saka niya at dinala ang mala-bundukang basura sa kama ko. Natigilan ako nang makita siyang nagbalak na buhatin ang kutson at dun sana niya itapon at itago sa ilalim ang kalat.
Napatayo ako galing sa pagkasandal ko ng upuan. "Sabrina, wait muna-" Patay.
Pag-angat niya sa kutson, nakita niya ang mala-dagat na litrato ni Marga sa ilalim ng kama ko.
Okay, di lahat ay solo pics lang ni Margaret because that would truly make me a total creep. May group pics din dun na sama sama kami mag barkarda at si Marga ang naging center sa pics na iyon, minsan ay yung naka focus ng shot at blur na ang iba.
Anyway. Nakoo!! Dapat ko pala tinago ang mga iyon! Bakit sa lahat lahat at si Sabrina pa talaga ang nakahuli dun! Lakas pa naman to magtutukso sakin kahit mas magulang pa ako sa kanya. Palagi na kasi ako nagpaawat sa nakababata kong kapatid.
"K.. uya." inangat niya ang palad at tinakpan ang bigbig niya tila nagulat ng sobra. "Kuya, hindi ko akalaing maging stalker ka, saka sa lahat lahat ng mga babae nagugustuhan mo, si ate Margaret na napakasupladang babae na iyon?!"
Oo na. Aminin ko na. Obses nga ako pero isang babae lang naman ang ino-obses ko saka di ko siya sina-stalk to the point na sinundan ko na siya sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
Tila
RomanceKung kailan pa na tiyak ka na sa patungo ng buhay, ay kailan din hindi maiwasan ang mga bagay na magdu dulot ng pagsasalanta. Maya maya ay aabutin ng pagod at lito kung papaano na takbuhin ang lahat, harapin ang mga walang katapusang problema, dagda...