2

44 12 5
                                    

Lucas' POV

"Ilang beses ko na sinasabi sayo na 'wag na' wag kang um-apply dun?! Ano 'to?! Ano tong acceptance letter ang nakikita ko nakatago sa desk mo?!" hinampas ng matanda ang papel sa pisngi ko sabay hagis ng iyon sa sahig. Tinalikuran niya ako bago ulit nagsalita, ".... umalis ka dito sa pamayanan ko. Wag kang papakita sa loob ng bahay na 'to at sa harapan ko ng isang linggo."

Nakalabas na rin ako dun. Tumingin ako sa aking wristwatch. Quarter pass sa meeting time na.

Hindi ako nag da-dalawang isip na umalis sa kalbaryong premises na iyan at kumuha ng taxi papuntang Tita Q's Diner.

Pag pasok na pagkapasok ko sa diner ay nakikita ko na si Layla na umiingay at nag ta-tantrum. Doon ako sumulpot sa empty seat tabi ni Epifania.

"Kaninong bata ang tinutukso niyo?"

"Oy. Speak of the devil." sambit ni Margaret. "Bakit ngayon ka lang?"

"Traffic." pagtigil ko sa usapan bago ng kumuha ng share ko sa mga pagkain. At parang si Epifania lang hindi naniniwala sa excuse ko ay nananatili siyang nakatingin sa akin habang ang iba ay okupado sa kani kanilang kainan. "Ano bang tinitingin mo 'dyan?"

Tinuro niya ang kanyang pisngi habang tinutukoy niya ang sa akin.

Gamit ng mahinang boses ay nag tanong na rin siya, "Parang namumula pisngi mo. May naka bangga ba sayo?"

"Ahh... baka nga." ulit kong tinapos ang topiko para hindi kami tuluyan nang mapagusapan ang nangyari kanina bago ako dumating dito. "Musta mock interview mo?"

Bago ako sagutin sana ni Epifania ay nagsalita na si Margaret. "Oy, Lucas. Diba natanggap ka dun sa in-applyan mo? Ano nga ulit? bilang Postdoctoral Research Associate?" tumaas kilay niya sabay tapon ng pandidilat. "Ba't ayaw mo sumali sa Triton Group, eh ang laki ng korporasyon na pinamunuan ng tatay mo. Mas advantageous ka pa dun mag wowork kaysa ibang kompanya...."

"...."

"Hayaan mo siya. Gusto niyang mag work sa labas. Wala namang problema dun ah" depensa ni Epifania.

Margaret sneered. "Alam mo may problema talaga 'dyan. Kundi, weird... ano pa ba. Sino ba naman kaseng pipili pa ng dagdag trabahuhin kung settled na pamilya mo, di mo na kailangan humanap pa ng iba-"

"Desisyon ko problema mo, Margaret? Stay out my business."

Isang sagot ko at napatahimik ko sila lahat lalo na si Margaret na naisipan na lang hindi magsalita sa sumunod na mga oras kasi pagkatapos dun ay, as always, si Odette na mismo ang nagbe-break ng ice.

"Ah, sarap ng kainan no? Diba?" sumulyap si Odette sa boyfriend niya.

"Oo nga." sinabayan ni Dexter ang kanyang girlfriend sa paglilinaw ng ere. "Pwede natin to balikan next time kung gusto niyo. Of course, si Lucas na dapat maglilibre. Tapos na ang iba eh."

"Oh kung gusto mo Lucas, ikaw naman pipili kung saan tayo magkikita." suhestiyon ni Odette.

Tumango lang ako, nanatiling tahimik.

"I'm not sure kung mag ka ganito ulit tayo sa mabilis na panahon. Masyado na kase dinedemand oras namin lalo na papatapos na clerkship ko at.... " nabitin na pagsabi ni Epifania.

Malapit na nga pala internships nila pero hindi ko pa natatandaan nagsabi si Epifania kung anong specialty na-iinteres niya at kanyang papasukin.

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon