Break Up

50 0 0
                                    

Masaya na sana tayo ngayon kung hindi mo lang ako niloko. Ano ba ang nangyari? Ginawa ko naman lahat ng gusto mo diba? Binigay ko din lahat ng gusto mo kahit ang pinaka-iingatan ko ay binigay ko din. Pero bakit ganun? Bakit iniwan mo pa din ako? Bakit niloko mo ako? Nung nalaman ko at ng pamilya ko na buntis ako. Nagalit sila sa akin. Ipinagtabuyan nila ako. Pero okay lang sa akin dahil alam kong nandyan ka lang naman lagi para sa akin. Pinuntahan kita sa basketball court ng school natin dahil alam ko na naglalaro na naman kayo ng mga barkada mo. So-sorpresahin sana kita. Pero ako nga yata yung nasopresa. Narinig ko ang usapan niyo ng barkada mo. Parte lang pala ako ng laro niyo. Nakita mo ako non at tinanong kita kung totoo ba. Nagdasal pa ako non na sana hindi totoo. Pero ano ang sinabi mo? Sabi mo sa akin "oo, pinaglaruan ka lang namin, sorry pero break na tayo" umiyak na ako nun. Umalis saglit ang mga kaibigan mo para makapag-usap daw tayo. "Zeth please wag mo naman akong iwan. Gagawin ko ang lahat wag mo lang akong iwan." Oo desperate na kung desperate. Eh sa nagmahal lang naman ako eh at isa pa buntis ako for Pete sake. "Ano ba?! Di ka ba nakakaintindi? Hindi kita mahal. Pinag-lalaruan lang kita." "Buntis ako!" "Talaga? Sino ang ama?" Sinampal kita nun nang sinabi mo yun. "Alam mo kung sino ang ama ng dinadala ko. Hindi ako kaladkaring babae." "Ipa-laglag mo yan kung gusto mo o kung ayaw mo eh wala ka din namang problema. Mayaman naman kayo" "Pinalayas ako ng mga magulang ko" "Sorry Driana pero wala ka nang choice kundi ipalaglag yan." Pagkatapos mong sabihin yun eh umalis ka na at iniwan mo akong umiiyak..

~2 years later~

Nandito ako ngayon sa cementeryo. Binibisita ko ang anak ko.

"Anak, kamusta ka na? Miss ka na ni mommy." Kinakausap ko ngayon ang lapida ng anak ko. Dreth Santos- Born April 1, 20** - died April 1, 20**. Ang sakit pa din. Di ko mapigilang maiyak. "Sorry sa pag-iyak ko anak ha? Di ko kasi mapigilan. Besides kasi sa miss na kita siguro dahil na din sa pagod. Galing pa kasi si mommy sa trabaho" tumayo na ako at aalis na sana ng may lumapit sa akin.
"Ana" "Ano ang ginagawa mo dito?" "Gusto sana kitang makausap" "Wala na tayong dapat pag usapan pa" aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Driana please naman pakinggan mo naman ako, patawarin mo naman ako sa ginawa ko noon sayo. I know I've been a jerk pero pinagsisihan ko naman yun. Nung wala ka na sa buhay ko. Lagi kitang hinahanap. Lagi kitang na miss. Dun ko lang narealize na mahal pala kita at di ko kayang wala ka sa buhay ko. Please give me a chance. Give me a chance to be a good husband......a good father to our child." "Huli kana. Wala na ang anak natin" gulat.. yan ang nakita ko sa mukha niya. " Siya..siya ba ang anak natin?" "Oo" "Pero paanong.." "May sakit siya sa puso nung isinilang ko siya. Di niya na kayanan." "Sorry" "Wala nang magagawa yang sorry mo sa akin. Wala na eh. Huli na" "Please give me second chance. Please." "I'm sorry" pagkasabi ko non ay agad na akong umalis habang umiiyak. Sorry Zeth pero di ko pa yata kaya. Maybe next time pag wala na ang sakit dito sa puso ko. Isa pa kailangan ko munang mag focus kay Zena. Kailangan ko pang mag focus sa isa pa nating anak.

♥One Shots♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon