Isa lang akong bestfriend. Bestfriend na minahal ka pero di mo mahal. Eh paano ba kasing di kita magustuhan eh ikaw yung tipo na lalaki na mapagmahal, maalaga at higit sa lahat gwapo. Naisipan kong umamin sayo noon. Pero kung kailan na aamin na ako sayo mayroon namang haharang.
Maybe sign yun, kaya hinayaan ko nalang muna tong nararamdaman ko sayo. Hanggang sa isang araw sinabi mo sa akin na may nagugustuhan ka nang babae.
Nagpatulong ka sa akin nun sa panliligaw sa kanya. Eh ako naman si tanga eh di pumayag din. Eh sa mahal kita eh, gusto ko na lagi kang masaya.
Isang araw lumapit ka sa akin ng nakangiti at agad na yumakap sa akin. Tinanong kita kung ano ang nangyari pero parang gumuho ang mundo ko sa sagot mo. Kayo na daw ni Ariana, kayo na ng nililigawan mo.
Sobrang nasaktan ako nun, pero binabaliwala ko nalang dahil alam kong masaya ka sa kanya. Kahit hindi ka naman naging akin atleast special din naman ako sayo diba? Yun nga lang hanggang kaibigan lang.
Simula nung naging kayo ni Ariana. Nawalan ka na ng time sa akin.
Noon halos araw-araw ka lagi sa amin. Ngayon hindi na.
Noon lagi tayong namamasyal na tayong dalawa lang pero ngayon kayo ng dalawa.
Isang araw pumunta ka sa bahay namin na malungkot. Sinabi mo lahat sa akin. Naghiwalay kayo ni Ariana. Kita ko ang lungkot sa mga mata mo. Ramdam ko rin ang sakit na nararamdaman mo. Niyakap kita at sinabihan na ok lang yan. Nagulat ako ng bigla mo akong hinalikan. Pero napapikit din ako agad. Nang naghiwalay na ang mga labi akin ay agad kang humingi ng tawad. Sabi mo nadala ka lang sa lungkot mo. Pinutol kita at agad akong nagtapat sayo na mahal kita. Pero sabi mo mahal mo din ako ngunit bilang kibigan nga lang. Pagkatapos nun ay agad ka ng umalis.
Iniiwasan mo na ako non simula nung pangyayari. Di ka na lumalapit sa akin. Hinayaan ko muna yun dahil alam ko na lilipas din yun. Pero 3 months had passed wala pa ring nangyari. Di ka parin lumalapit sa akin.
Kaya heto sinulatan nalang kita. Gusto ko magkabati na tayo. Na miss ko na yung dati eh. Kahit kaibigan pa rin ang turing mo sa akin ok lang atleast kaibigan tayo. Hihintayin kita sa tambayan natin ah kung gusto mong makipagbati din sa akin. Pero ito ang tandaan mo. Mahal na mahal pa din kita bestfriend....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tumutulo na naman ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ulit ang mga sulat mo Cassandra. Miss na miss na kita. Bakit pa kasi don ka pa sa tambayan natin naghintay eh. Dapat tinext mo nalang ako para ako nalang ang pumunta sa inyo. Eh di sana buhay ka pa ngayon. Di ka sana nasagasaan habang tumatawid ka sa daan habang papunta ka don. Ang daya mo naman eh. Kung kailan minahal na kita higit pa sa kaibigan eh.
Tumayo na ako at umalis na sa puntod mo. Mahal na mahal kita Cassandra. Hintayin mo ako ah.
Mahal na mahal kita.