Sabi nila ang tanga tanga ko daw. Eh ano ba pakialam nila? Ano naman kung Playboy yung boyfriend ko.?! Alam ko di na niya gawain yan ngayon. Mahal niya ako eh. Yan ang sabi niya sa akin. At kung ano ang alam at nakita ko yan ang paniniwalaan ko.
Nasa Starbucks ako ngayon. Naghihintay sa love of my life na si Adrian. May date kasi kami ngayon. 8 ang usapan namin pero 8:45 na wala pa rin siya. Pinabayaan ko lang muna. Baka kasi napasarap pa siya sa tulog niya dahil gabi na siyang nakauwi. Busy kasi sa Adrian sa company nila kaya gabi na siyang makakauwi. Sabi nila di daw ang kompanya ang dahilan kung bakit daw gabi umuuwi si Adrian kung di babae daw. Pero di ako naniwala sa kanila.
9 na nung nakarating si Adrian sa Starbucks.
"Sorry babe na late ako. Napasarap kasi ako sa tulog ko eh. Gabi na din kasi akong nauwi kagabi dahil andaming work sa company"
"Ok lang yun babe. Alam ko naman kasi na busy ka talaga sa company niyo (^_^)"Kumain na kami pagkatapos ng pag-uusap namin.
Naglakad-lakad kami at nanood ng sine. Ganyan naman lagi ang ginagawa namin eh tuwing nagda-date kami.
Naka focus ako sa trabaho ko ng biglang lumapit sa akin ang ka officemate ko.
"Kamusta amg date?" Tanong niya sa akin. "Ok lang naman" "alam mo di ko alam kung ano ang nakita mo sa boyfriend mo." "Bakit? Mabait naman siya ah." "Mabait? Alam mo ba nung nakaraang araw lagi ko nalang siyang nakikita na may kasamang babae." "Baka naman pinsan niya lang yun" "Iba-ibang babae" "tss. Alam mo bumalik ka nalang sa trabaho mo" "ayan ka na naman eh. Pan yan ang topic pinapalitan mo na agad. Di na magtaka na isang araw makita nalang kita ng luhaan"napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya at binalik na ang atensyon sa ginagawa ko.Papunta ako sa kompanya ni Adrian ngayon para dalawin siya. Nagdala na din ako ng lunch namin. Nung nasa floor na ako sa office niya ay agad ko nakita ang sekretarya niya na ubod ng bait. Kilala na niya ako dahil nakapunta na din ako dito minsan.
Papasok na sana ako ng biglang nag salita ang secretary."maam may bisita pa po....." di na niya natapos ang sasabihin niya nang nabuksan ko na ang pinto. Parang may dumurog sa puso ko sa nakita ko. May kahalikan na babae si Adrian.
"A-Adrian?" Napabitaw si Adrian sa babae at napatingin sa akin na gulat ang mukha.
"Sino siya babe?" Maarting tanong ng babae kay Adrian.
Tumingin sa akin si Adrian na naka smirk.
"Di ko siya kilala eh. Baka isa sa nagtrabaho dito" "tss. Disturbo" napaiyak ako sa sinabi ni Adrian. Sinampal ko siya at agad na tumakbo.
Akala ko mahal niya ako. Akala ko nagbago na siya dahil sa akin. Pero akala ko lang pala yun. Tama nga sila ang tanga tanga ko.
It's been 1 week simula nung nakita ko si Adrian na nakipaghalikan. 1 week na din akong di pumapasok sa trabaho ko. 1 week na din akong umiiyak dito sa condo ko.
Nung nagising ako kanina. Naisip ko na di dapat iniiyikan ang ganyamg klase ng lalaki. Kailangan ko din bumalik sa trabaho. Kailangan ko din mag move on. Alam kong mahirap dahil pag nagmahal ka di madaling mag move on. Pero kailangan.
I know that Someday may magmamahal din sa akin ng totoo. That Someday mahahanap ko din ang lalaki para sa akin.
~end