It's been already 2 weeks simula nung pag-uusap namin ni Zeth. Nasa bahay ako ngayon. Natapos ko palang paliguan si Zena ng may nag doorbell. Sino kaya yun? Wala naman akong eni-expect na bisita ngayon. Binuksan ko ang pintuan. Nagulat ako nang makita ko ang tao na nasa harapan ko. "Ano ang ginagawa mo dito? Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?" "Nanliligaw, at kung paano ko nalaman kung saan ka nakatira? Well I have my way baby" sabi niya sakin sabay kumindat. "At sino naman ang may sabing pwede kang manligaw sa akin?" "Wala gusto ko lang." "Pwede ba Zeth wala akong panahon sa mga kalokohan mo." "Sinong may sabing nagloloko ako?" Biglang sumeryoso ang mukha niya pagkasabi niya non. "Pwede ba akong pumasok?" "H-ha?" "Pwede ba akong pumasok sabi ko?" Patay ano na gagawin ko eh nasa sala ko pa naman nilagay si Zena. "Ha? Ahh ehh..sa susunod nalang." "Bakit? May tinatago ka ba sa akin?" "Ha? Ano ba pinagsasabi mo dyan? Bakit naman ako magtatago sayo?" "Hmmm di ko alam.. eh baka naman may lalaki ka sa loob" aba't "Hoy mister wala akong lalaking tinatago no. At kahit man may lalaki dito eh ano naman sayo? Ano ba ang pakialam mo?" "May pakialam ako dahil nanliligaw ako sayo at may pakialam din ako dahil ama ako ng anak natin. Konting respeto naman."aba't, at siya pa talaga ang may ganang magsalita ng respeto no? "Umalis ka na"galit na sabi ko sa kanya " Ana I'm sorry. Nadala lang ako ng selos ko." "Umalis ka na sabi eh!!" "Haay.. aalis ako. Pero hindi ibig sabihin na hindi ako babalik. Babalikan kita Driana. Magkakasama din tayo ulit" haay. Pumasok ako at pinuntaham si Zena. 1 year old siya ngayon. Marunong na siyang maglakad pero hindi pa masyado. "Hi baby, gusto mo bang mamasyal baby?" Nag smile lang si Zena sa akin. Nagbihis ako at kinarga ko si Zena para mamasyal. Hmmm saan ba pwedeng pasyalan? Kina mommy kaya? Wag nalang. Pag-aagawan lang nila si Zena eh. Kawawa naman ang baby ko. Good-term na kami ng parents ko. Di nila ako natiis eh XD. Sa park nalang kami. Papunta na sana ako ng park ngayon ng may humarang sa akin. "Sino yan?"sabi niya sabay turo sa baby ko "Ha? Ahh ehh. Ikaw? Bakit nandito ka pa sa harapan ng bahay ko?" Tanong ko naman sa kanya "Binabantayan lang kita. Now balik tayo sa tanong ko, sino yang batang yan?" "Pamangkin ko" pagsisinungaling ko sa kanya "kilala kita Ana. Alam ko kung nagsisinungaling ka o wala, yung totoo sino yang batang yan?" "Wala kang pakialam!" "anak ko ba siya?" Ano ba ang sasagutin ko sa kanya? "Sagutin mo ako, anak ko ba siya?" "Oo! Ano masaya ka na!?" "Bakit mo tinago sa akin? Akala ko ba patay na ang anak natin?" Di ako nakasagot. "Sagutin mo ako! Bakit mo tinago sa akin!" "Takot ako!!" Sigaw ko sa kanya "Takot ako na baka kukunin mo sya akin" nagiging mahinahon bigla ang boses ko. Naiiyak na naman ako. "Takot ako. Di ko kakayaning mawala si Zena. Di ko kakayaning mawalan na naman ng anak. Minsan na akong nawalan ng anak." Humahagulhol na talaga ako. Niyakap naman niya kami ni Zena. "Shh. Bakit ko naman aagawin si Zena sayo?" "Di ko alam. Naisip ko lang naman yan eh." "Di ko naman kukunin si Zena sayo eh. Bakit ko naman kukunin si Zena sayo eh magkakasama din naman tayo." "H-ha?" "Driana, just me second chance. Papatunayan ko sayong magiging mabuti akong asawa at ama sa inyo. Gusto kong buuin ang pamilya natin" "Kung tungkol to kay Zena pwede mo naman siyang bisitahin eh. Di naman kita pagbabawalan eh kaya di na kailangan yang mga sinasabi mo." "Di lang naman to tungkol kay Zena eh. Sabi ko nga sayo don sa cemetery diba na mahal kita." "Totoo?" "Totoo yun, kaya naman please patawarin mo na ako at bigyan ng second chance. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta bigyan mo lang ako ng chance,please." "Di mo na kailangan gawin ang lahat para sa akin. Napatawad na kita. Para sa anak din naman natin to kaya bibigyan kita nang chance, wag mo lang akong lolokohin ulit." "Talaga? Seryoso?" "Bakit ayaw mo?" "Oyy di ah" niyakap niya kami. Kinuha niya sa akin si Zena at naglakad.2 weeks later ay sinabi ko sa mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Zeth. Nagalit sila nong una pero napatunayan naman ni Zeth na mahal niya talaga ako. 5 months later ay nagpakasal kami ni Zeth. Lagi niyang pinapakita sa amin ni Zena na mahal na mahal niya kami.
~3 years later~
"Daddy!!" Sigaw ni Zena sa kanyang ama. Kadadating lang namin dito sa bahay. Galing kami sa OB ngayon. Excited na excited na talaga siyang sabihin sa kanyang ama. "Oh? Bakit baby?" Kinarga niya si Zena at tsaka lumapit sa akin at humalik. "May sorpresa po kami ni mommy sayo." "Talaga? Ano naman yun baby?" *Giggle* ang cute talaga ng baby ko. "Sasabihin ko na po ba mommy?" "Sige anak" "bakit ano ba yun?" "Magiging ate na po ako daddy." Biglang nanglaki ang mata ni Zeth at tumingin sa akin. "Talaga?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot. Inilagay niya si Zena at biglang yumakap sa akin. "Thank you for giving me children." Sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at humalik sa kanya. Smack lang. May audience kasi eh XD. "Ako din hug" kinuha naman siya ng daddy niya at nag yakapan kaming tatlo. Di ko masasabing happy ending na talaga eto dahil alam kong marami pang mangyayari sa buhay namin. Marami pang pagsubok na aming haharapin. I don't regret giving him second chance cause with those second chance, he showed me that he really loves me so much. He loves our family so much.
