M.U

12 0 0
                                    

Masarap ang feeling ng may ka M.U. Feel natin para na din tayong magkasintahan. Pero nga lang may disadvantage. Pag may kasama siyang iba di mo magawang magalit sa kanya at sabihing nagseselos ka. Eh ano ka ba sa buhay niya? Ka M.U ka lang naman diba?

Alam ng lahat na mag M.U kami ni Ric. Palagi nila kaming tinutukso. Ang sabi nila, ba't di nalang daw kami maging kasintahan. Pero sabi ko ayaw ko pa. Gusto ko kasi pag garaduate na ako sa Highschool. Okay lang naman yun kasi 4th year highschool naman din kami eh. Alam na ni Ric yan. Kasi may isang araw na tinanong na niya ako kung pwede ba daw niya akong maging girlfriend. Pero ayun nga sinabi ko sa kanya na gusto ko na pag graduate nalang ako. Kaya nga naging M.U nalang kami.

May bestfriend na babae si Ric. Bukod sa akin may iba pa siyang ka asaran. Oo nagseselos ako. Pero ano ba ang karapatan ko? At isa pa bestfriend niya yun eh.

2 days before the graduation parang iba na ang pakikitungo sa akin ni Ric. Di na parehas nung dati na palagi kang lumalapit sa akin. Palagi mo akong pinagsisilbihan. Hanggang sa bakasyon na natin eh di na ka din laging nagte-text sa akin. Nag eexpect pa namam ako sayo nun na tanungin ma na ulit ako kung pwede bang maging girlfriend mo tutal naman graduate na tayo. Pero ni hi o ho nga di mo nagawa.

Pasukan na naman. Na laman ko na iisang university sin pala tayo. Hahanapin na sana kita ngunit ayun nakita ko kayo ng bestfriend mo na naglalambingan. Inisip ko nun na ok lang yun, bestfriend mo naman siya diba? Pinabayaan ko muna kayo nun.

Isang araw narinig ko sa ka batch sa highschool na kayo na daw ni Yana, ng bestfriend mo. Di ako naniwala nun. Kaya pinuntahan kita para kumpirmahin sana pero nakita ko kayo sa harap ng bench na kina-uupuan ko na magka-hawak kamay.

Agad na tumulo ang luha ko nun. Napatingin kayo sa direksyon ko. Lalapitan mo sana ako pero agad na akong tumakbo habang umiiyak.

Isang araw lumapit si Yana sa akin at nag-usap kami.
"Sica I'm sorry. I'm so sorry pero nainlove lang din naman ako. I'm so sorry talaga Sica" " Ok lang yun Yana. Ganyan naman talaga ang pagmamahal diba? Ayaw ko naman na sirain ang relationship niyo. Pero di ko pa rin masasabi na mapatawad ko kayo agad. Maybe I need time pa." "Ok lang yun, alam ko naman ang yan eh. Sorry talaga" tumango lang ako nun at umalis na.

Siguro nga kailangan ko pa ng time. Kailangan ko pa mag move on. Alam kong makakahanap talaga ako ng lalaki na magmamahal sa akin.

~End

This is based of true story. A story of one of my friend binago ko lang po ng konti. I dedicate this to her. So yeah.

♥One Shots♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon