Prologue

8.8K 232 12
                                    

Enjoy reading! Thank you for supporting the first story of the series. ❤️
__
BATA pa lang si Bridget ay tinatanong niya sa sarili kung totoo ba ang "fairytales". She was a huge fan of Disney fairytales, dreaming of a prince in a huge castle, dreaming of a handsome thief in an Arabian peninsula, and dreaming of falling in love and being loved...being needed.

Ngunit sa totoong buhay, hindi ganoon ang nakikita niya sa mukha ng pag-ibig. Lumaki siya bilang anak ng isang mayordoma ng isa sa pinaka-impluwensiyal na pamilya sa balat ng politika at negosyo. Ang mga Montero. Mabait ang pamilyang Montero. Trinato sila ng Mama Lucinda niya nang maayos, at binibigyan ng maraming benepisyo ang Mama niya.

And that benefits included being financed by Juliana Montero in her secondary and tertiary studies with the condition that they would be the ones deciding which degree to take...and to befriend Julia Montero. Ang mahiyain at masakiting anak ng pamilya. Hindi naman mahirap kaibiganin at mahalin si Julia. Magkasing-edad lang sila dalawa nang magkakilala noong sampung taong gulang pa pang sila.

Dahil hindi naman siya ganoong ka-close ng pamilyang Montero, hindi niya alam kung ano ang specific na sakit ni Julia. Ang tangi lang niyang alam ay labas-masok ito sa ospital simula bata hanggang sa nakapagtrabaho si Bridget. Nakakapag-aral siya sa paaralan pero sa bahay nag-aaral si Julia sa pamamagitan ng hired professional tutors. Sa unibersidad siya pumapasok habang nanatiling home-schooled si Julia.

Isang bagay na nagustuhan niya sa kaibigan ay hindi ito umaakto na may sakit. Kahit nakakapag-bonding lang silang dalawa sa loob ng malaking bahay ng mga Montero ay naging masaya pa rin ang pagkakaibigan nila.

Ngunit hindi lamang silang dalawa ang bumuo sa pagkakaibigan na iyon, because there had been Rocco to fill their need of a male friend. The son of a family friend–the Toscanos. Noong fifteen ang edad niya nang malaman na Filipino-Italian pala si Rocco. Ang ina ay Filipino habang ang ama ay Italyano. Both his parents had empires to stand until now.

Pero iyon na nga, dahil hindi naman mawawala sa ere ang pagiging low status ni Bridget, kahit gaano pa iyan kabait ang mga Montero at kahit gaano pa kalalim ang pagkakaibigan nila ni Julia ay hindi niya dama na kaibigan siya ni Rocco.

And it was all right. It had been all right since they were ten. Dama naman kasi niyang may kakaibang koneksyon si Rocco at Julia. Julia was jolly and always had to say despite of her sickening heart while Rocco was shy, cold and unromantic. Para sa kay Bridget, of course. Kapag nakatingin kasi siya kay Julia at Rocco ay hindi naman mahiyain ang lalaki.

He always treated Julia sweetly and lovingly. Like a little sister or whatsoever. Pitong taon ang agwat ng mga edad nila kaya hindi kataka-taka ang pagiging maalaga ni Rocco kay Julia. Kung hindi lang "Kuya" ang turing ni Bridget kay Rocco ay maiisip na niya ang mala-fairytale na buhay ni Julia.

Where in Rocco was the tall, dark and handsome prince while Julia was the beautiful and stunning princess. At dama ni Bridget na ganoon ang turing ni Julia sa binata. Everytime she looked at Julia who was looking at Rocco, Julia was in love with him. Those sparks that said: Rocco only matters to my world. He makes my world go lively and pretty every passing second.

Sino ba namang hindi ma-i-inlove sa ganoong lalaki kung turing sa isang babae ay prinsesa? He treated Julia with full of love and respect.

Paano niya ba nasabing unromantic ito? Because everytime their paths crossed, he was snob. He let her feel that she was nothing. Hindi naman sa sobrang sungit ni Rocco, ano lang, hindi lang siya tina-trato gaya ng pagtrato nito kay Julia na puno ng sweetness at bulaklak. Na halos kada araw ay luluwa na yata sa mata ni Julia ang puso nito sa dibdib.

Rocco was civil to her. Magkaibigan si Julia at Rocco pero hindi si Bridget at Rocco. It was okay. Sabi niya sa sarili na hindi niya kailangang tingnan ni Rocco para mabuhay. She didn't need him as her friend. Rocco? Hell no. Ayaw niyang kaibigan ang lalaki.

Greedy Passion (Hacienda Alegre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon