Chapter 14

4.8K 157 20
                                    

Unedited. Typos and grammar errors.

_

NAGING abala yata si Rocco sa pagsama kay Madam Isabella kaya wala siyang kasamang kumain ng hapunan. He had texted her saying sorry for leaving her alone during dinner.

Inintindi niya ang sitwasyon dahil para sa kanya ayaw rin niyang kasama ang Mama ni Rocco dahil baka mas lalo itong magalit.

Gusto man niyang magkulong sa villa dahil sa kaba na makita si Madam Isabella ay lumabas siya pagkatapos ng umagahan sa sumunod na araw. Bridget went to the plantation, ang lugar na hindi niya pa nabibisita.

Narinig niya sa mga guests pagkalabas sa Bachelors Villa na masarap daw ang mangga ng Alegre at may harvest period daw ngayon. The plantation were open for guests from eight in the morning and two in the afternoon kapag buwanang ani. Base sa sabi ng mga staff, kapag hindi naman harvest period ay sarado ang plantation sa mga guests, need pa raw ng authority pass galing kay Levi.

Pagkababa pa lang niya sa golf cart ay namangha na siya agad sa linis at mala-berdeng ganda ng buong plantasyon. Mango trees were planted in straight lines. Sobrang layo ng mga puno sa isa't-isa, pero kapag titingnan ay malapit lang dahil sa malaki nitong katawan at mayabong na dahon.

Isang sementadong kalsada na may lapad na dalawang metro ang nakadibisyon sa dalawang linyada ng puno. Nag-iisang kalsada iyon kaya masasabe niyang main road ito papunta sa isang malaking building. Factory yata o what.

Nakaparada sa kalsada ang mga truck kung saan nag-lo-load ng mga basket ng mangga ang mga farmers. Sobrang busy ng mga tao sa plantation.

Bawat tingala niya sa ibabaw ng puno ay parang kumikislap ang mga hinog na mangga. Her mouth watered because she believed that the fruits were sweet and delicious.

Dala pa rin ni Bridget ang kanyang DSLR para makakuha ng litrato. Nang makuntento sa mga kuha niya ay lumapit siya sa mga kubo na may naka-display na mga hinog na mangga sa rattan trays.

Some guests also were talking with the lady farmers.

"Good morning, miss," bati ng dalaga na nakabantay.

Pansin ni Bridget na wala iyong mangga na maliit na nanatiling berde ang balat kahit hinog. "Wala kayong indian mango?"

Malamang, Bridget. She craved indian mango while dipping it into the ginisang bagoong.

"Next week pa po ang harvest ng indian mangoes. Itong mangga na Bisayá ay sobrang tamis po. Ito po ang ini-export namin sa iba't-ibang probinsiya."

"Chinese or apple mango? Gusto ko kasi iyong tamang hinog lang para maipares ko sa bagoong. May bagoong din ba kayo?"

"Mayroon po. Doon sa restaurant ng farm, pwede po kayong makahingi. Libre lang naman po kaso next week din po ang harvest namin 'non, eh."

Her heart sanked. Gusto talaga niyang kumain ng mangga pero hindi iyong sobrang hinog.

Nakita siguro ng dalaga ang disappointed niyang mukha kaya tumikhim ito. "Actually po, may apple mango tree dito pero for VIPs lang po kasi iyon. Sa mga kaibigan po ni Sir Levi ang mangga na iyon kaya not sure kung papayag ba sila na makakuha ka kahit isang lang."

"Paano kung maka-secure ako ng permission na makakuha, may aakyat ba or what?" masaya niyang tanong.

"Oo naman po. Pwede naman tayong makiusap sa farmers dito kung papayag nga po si Sir Levi o isa sa mga kaibigan niya."

"Busy ba si Levi?" biglang kumunot ang noo ng babae. Tumikhim pa siya bago ngumiti ulit.

"Kilala niyo po siya personally?" The lady looked so curious. Nasa edad bente o bente uno ang mukha ng babae. Her skin was darker than morena colored skin but Bridget thought that it complimented her beauty well.

Greedy Passion (Hacienda Alegre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon