Chapter 13

4.7K 151 17
                                    

Unedited. Typos and grammar errors!

__

BRIDGET seemed to forget what Rocco said about "marrying her someday." Kapag naging ayos na siya, papakasalan niya ang babae at magiging ama rin siya sa magiging anak ni Bridget.

Ang kailangan lang niyang gawin ngayon ay maging mag-isa at isipin ang kailangang isipin. Wala rin siyang alam kung paano mawawala ang takot niya. Maybe because he was the only one person who blamed himself of what happened to Julia. Because no one said to him that it wasn't his fault that she had miscarriage.

Doon lang siya sa sulok, umiiyak at sininisisi ang sarili sa pagkawala ng anak niya. Ilang oras pagkatapos makunan si Julia ay hindi siya nito kinausap. She had been crying all alone and while he was there blaming himself.

It's not your fault. Hindi ka naman sinisi ni Julia sa nangyari. Pumikit siya nang maalala ang sinabi ni Bridget.

Iyon na nga eh, hindi siya sinisi. Hindi nito sinabi pero pakiramdam niya ay iyon ang nararamdaman ni Julia. Julia hadn't forgiven him for what happened. Mas inuuna pa nitong isipin ang pagpapakasal niya kay Bridget. For the remaining days of Julia, doon niya napagtanto na hindi niya nalaman ang mga nilalaman ng isipin ng babae.

She was devastated about their child. She was blaming no one but obviously, she hadn't talked to him. Noong na-ospital ito ay sinabi lang nito na nagpapakatatag siya at kalimutan na ang lahat sa kanila.

How could he ask for forgiveness once again when Julia wasn't here? Or maybe, kailangan niyang patawarin ang sarili niya dahil siya lang naman ang nakokonsensiya. He was the one blaming himself.

Bumuntong-hininga siya saka pinindot ang kasunod na key sa piano ni Levi. The music filled the air, pushing his mind to relax.

Hindi mawala sa kanya ang katotohanan na buntis si Bridget. Oo sinabi niyang willing siyang maging ama sa bata pero may takot pa rin sa kanya. Parang nawawala ang pagiging lalaki niya dahil sa ganitong takot.

Kalma, Rocco. He pushed another key, releasig another melody.

Dumayo ang isip niya sa mga gabi na kasama niya si Bridget sa loob ng apat na taon na iyon.

Whose the father? Why can't she tell me?

Whose the father? Is it really another man?

God, whose the father? Maniniwala talaga siya sa babae nang sinabi nitong hindi siya ang ama? Maniniwala talaga siya. Of course not!

He smirked with triumph. Fool someone else, Bridget Francesca Rascon, but don't try me.

He wasn't stupid. He wasn't living life to be fooled. He was giving her time to confess the truth. Alam niya ang bawat galaw ni Briget pagkatapos nilang maghiwalay. What are my men for?

Itinago nito ang totoo dahil sa trauma niya, dahil takot siyang magka-anak. Fine. She was considerate and understanding. A little bit of time.

Habang nakapikit ay halata ang pagsibol ng ngiti sa mga labi niya. He felt the passion as he remembered the very first night he had claimed Bridget. It hit him hard to the core of his soul. Dumilat siya dahil sa gulat. He even stopped playing the piano as an emotion rushed through him.

He didn't feel the fear as the music relaxed him. He didn't feel the fear as the idea that he would be the father of Bridget's baby dominated gently to his bones. That fact seemed to overtake the longingness of his being. Tila'y may umawit at napunan ang mga pagkukulang niya bilang tao. The spark of joy in his heart filled the lacks.

Greedy Passion (Hacienda Alegre Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon