"the day after tomorrow"chapter 24.2

159 4 2
                                    

DAINNE'S POV

Pumasok kami sa isang kwarto na pambata. andito si mama, tito marko at yung asawa nya, marisse ata ang pangalan.

binitawan ni danny yung kamay ko at lumabas sya ng kwarto. lumapit sakin si mama na umiiyak.

awww. ang sakit na makita mo yung mama mo na umiiyak. ayokong umiyak kaya hindi ko tinitingnan si mama.

ipinaliwanag sakin ni mama kung bakit nya ako itinago kay daddy pero hindi ako nag sasalita.

this time si daddy naman ang nag papaliwanag.

"nung itinakas ka ng mama mo hinanap kita nun kaya lang na aksidente ako at hindi ko naipag patuloy ang pag hahanap sayo. nag karon din ng big problem sa company nung time na nasa hospital ako kaya nung lumabas ako sa hospital inasikaso ko muna ang companya."-speechless ako sa mga sinasabi ni daddy. "hindi ko na ipagpatuloy ang pag hahanap sayo dahil iniisip ko ang magiging future mo at hindi ko pwedeng basta nalang pabayaan ang company. pero nung naging ok na ang lahat ako mismo ang nag hanap sayo pero di ko kayo matagpuan ng mama mo. nalaman ko na itinago ka ng mama mo at pinalitan ng pangalan. kaya pala hindi kita nun matagpuan."-tuloy-tuloy nyang paliwanag.

napatingin ako sa isa sa mga cake na naka display dun. ewan ko pero yung paa ko kusang naglakad at naiwan yung katawan ko sa pwesto ko kanina. choss.

"alam mo ba yan yung cake mo nung 5 years old ka. ipinagawa ko yan. at ipinadisplay dito sa kwarto mo. ito naman nung 6 years old ka. lahat yan para sa birthday mo hanggang sa mag 18 ka."-ang daming cake na naka display. simula 5 years old ako hanggang sa mag 18. fake na cake lang to. hindi ito yung totoong cake.

"tapos ito naman yung mga gift ko sayo tuwing mag bi-birthday ka."-nilapitan ko yun at tiningnan may date pang nakalagay at price. ako speechless parin dahil di ko alam na ganto pala ang ginagawa nya tuwing birthday ko.

maraming stuff toys na naka display sa kwartong to tapos yung color ng bed pink at saka yung sahig may carpet na nakalagay na color pink.

"dito ka sa carpet na to nag lalaro nung bata ka pa."-itinuro nya yung carpet. pero iniiwas ko yung tingin ko dahil naiiyak na ako.

may binuksan syang isa pang pinto. sumunod naman si mama at tita marisse sa kanya. ako naman tinitingnan ko pa yung kabuuan ng kwarto tas sumunod na ako sa kanila.

"nung mag debut ka ipinagawa ko tong kwarto na to"-O.O ang ganda. wala talaga ko masabi. color pink din sya pero hindi pambata di katulad nung isang kwarto.

binuksan nya pa yung isang pinto at-

O><O

"ito naman ang study room mo.hindi ko alam kung anong computer ang gusto mo kaya ito pumili ka na lang ng computer na gusto mong gamitin."- merong computer na touch screen tas meron ding hindi at saka may laptop. may mga cellphone. ewan ko kung ilang yun dahil di naman ako interesado sa cellphone. basta ang alam ko magaganda yung cellphone.

lumabas na ako ng study room dahil wala naman ako gagawin dun.

may tatlo pa akong pinto na nakita. binuksan ko yung isa.

wooooww

ang daming sandals, bag, shoes at isang malaking cabinet na puro damit ang laman. may mga drawer din na may lamang jewelry. grabe ang dami.!

binuksan ko naman yung second door. c.r pala yun. malaki sya. color pink. lumabas na ko ng c.r at binuksan yung pang third door.

music room?? at saka "ano to?? painting?? mga gamit pala sa pag pipainting."-bat merin nito dito?? hindi naman ako nag pipainting.

&quot;Innocent Girl&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon